JIREH POV
"So anong plano mo?"
"Why do you keep on asking me what to do?"
"I just want to remind you na ikaw ang nagdeklara ng gangwar sa pagitan ng mga Apostle at ngayon nandamay ka ng isang inosenteng tao"
"I know"
"So anong plano mo, King?"
"Kailangan ba talaga yun?"
Buwisit... Bakit ba kasi ako ang namoroblema para sa babaeng iyon? Kasalanan ito ng Skyler na yun at hindi ako titigil araw-araw na isumbat na kasalanan nya yon then may kumakalat pa daw na pictures namin sa website ng W.U.
I haven't seen those pictures pero sigurado naman akong gwapo ako dun.
Right, I declared the war against sa notorious gangsters na Apostle Thirteen after mawala ni Bloody Maria at ngayon, iniisip nila na madadamay ang Alien na yun sa gang war na kinasasangkutan namin ngayon...
Teka lang, at kelan pa nga pala sya naging inosenteng tao eh ALIEN nga sya? Inosenteng Alien? Nahhh... ang panget pakinggan.
"Bilisan mong mag-isip bago pa may mangyaring hindi maganda," si Prime na kanina pa ako sinesermonan habang nagbabasa.
Talo pa nya ang nanay ko kung manumbat eh kung sya kaya ang nag-iisip? Para saan pa ang talino nya kung sosolohin nya lang?
Ano nga ba ang dapat kong gawin?
LYRA POV
Hanggang ngayon ba hindi parin tapos ang issue sa amin ng Sungit na yon? Eh paano ba naman kasi, yung mga estudyante kung makaiwas sa akin, wagas talo ko pa ang may ketong sa ginagawa nila.
Bahala na nga sila, sino ba sila para intindihin ko? Mamaya, kakausapin ko si Sungit tungkol dun sa mga pictures at tungkol na din dun sa kapatid nya. Obvious naman na ayaw nya sa akin, kulang na lang ipaggawa nya ako ng tarpaulin na may edited pix ko na pang FHM...
Napatigil ako saglit at tumingin sa paligid, alam kong may nagmamasid sa akin. Bahagya akong yumuko para kunyaring ayusin ang sintas ng sapatos ko at di nga ako nagkamali. Mabilis akong tumalon at umiwas sa mga pasong isa-isang bumagsak mula sa taas.
Tumingala ako pero wala naman akong nakitang tao, weird huh. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa sunod-sunod ako makarinig ng gun shots! Shit! Anong kalokohan ito?
Bahagya akong nagtago sa pader kahit mukha akong tanga ditto na nagtatago sa kung sino. Napansin ko yung mga maliliit na bagay na gumugulong sa sahig. Pinulot ko ito, pellet. Tang ina lang, sino ang nagtangkang mamaril sa akin gamit ang pellet gun? Well, kung tutuusin, mas ok na pala ito kesa sa water gun.
BINABASA MO ANG
Apostle Thirteen: Welcome Ad Infernum
ActionDeath, Blood and War are the 3 things na kakatakutan mo but for the 13 Notorious gangsters ng Underground City, it feels like their food for the soul. Bloody Maria or Virgo, known as the Queen of Gangsters ruled the Underground City at walang sinoma...