Chapter 52: SHOWDOWN

109K 2.4K 564
                                    


PRIME POV


"I am... Leo"


Ang lakas ng kabog sa dibdib ko sa sinabi nya. Deretsyo parin ang tingin ko sa unahan pero kahit ganun, nakikita ko sa peripheral vision ko kung sino ang nasa tabi ko. Anong sinasabi nya? Wait Prime, huminahon ka. Sinasabi nya lang yan para lituhin ka. Si Caleb si Leo.


Huminga ako ng malalim at tiningnan si Caleb na nakaupo sa unahan parin saka ako humarap sa kanya. Nakamaskara ito ni Leo kaya hindi ko alam kung sino ang lalaki sa likod nito.


"It's nice to meet you, Leo"


Ngumiti naman sya sa akin at saka tumingin ulit sa unahan. Ramdam ko parin ang lamig at nakakapangilabot na aura nya.


Shit! Si Caleb si Leo pero may isa pang Leo sa tabi ko ngayon, nagkamali ba ako o isa lang din ito sa mga plano nya?


"I see... pinaniwalaan mo agad ako ng sabihin kong ako si Leo"


"I don't see any reason para magsinungaling ka same for I don't see any reason para magpakilala ka"


"Tama"


Shit! Bakit ganito ang pakiramdam ko? Parang kausap ko talaga ang Apostle na si Leo. Kinakabahan ako.


Kung aura lang ang pagbabatayan ko, walang duda na sya nga si Leo pero kung sya si Leo, sino si Caleb sa mga Apostles? Hindi na nakakapagtaka kung sa akin sya lumapit pero the timing ng pagpapakita nya ngayon... mas lalo lang nakakadagdag sa paghihinala ko.


"Relax Prime, wala akong balak na patayin ka."


Ngumiti sya sa akin at saka tumayo para pumalakpak sa speech ng Head Mistress. Tumayo na din ako at pumalakpak katulad ng iba saka tumingin ulit kay Caleb...


Haharap sana ulit ako dun sa katabi ko na nagpakilalang si Leo pero wala na sya at ibang tao na ang nakaupo sa upuan nya. Hindi ko man lang naramdaman na umalis sya.


Is this his first move? Kung ganun, dapat kumilos na din pala ako.



ISLY POV


"Anong problema?"


"Somethings wrong..."


Sinubukan kong alalahanin at isipin ang lahat ng mga nangyari at isang butas ang nalaman ko. Matalino si Prime kaya alam kong mapapansin nya yon. The connection between me, Caleb at Lychii... sigurado akong alam na nya ang pagkatao nilang dalawa at kapag nagkataon, tapos ang lahat ng ito.


"Isly?"


"Sigurado akong alam na ni Prime ang tungkol kay Lychii at Caleb, kung pagtatagpi-tagpiin nya ang mga pangyayari... sigurado akong malalaman nya ang totoo..."

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon