Chapter 01: THE RACE

420K 7K 1.7K
  • Dedicated kay Lyra David
                                    



Bloody Maria POV


"Ready?"


Nakangiting lumapit sa akin si Cancer habang bahagya naman akong napatingin kay Aries. Nakaakbay ito sa girlfriend nyang si Amber habang sumesenyas ito sa akin ng OK. Napangiti ako at mas lalong humigpit ang hawak sa manubela ng Bugatti Veyron saka muling bumaling kay Cancer.


"Easy, Bloody Mary, F1 racer ang kalaban mo"


I can't hide my excitement sa race na kahit si Cancer ay napapansin ito.


"Talaga? Sige, magpapa-autograph ako mamaya kapag natalo ko na sya" at binigyan ko sya ng isang nakakalokong ngiti bago sinulyapan ang kalaban ko na F1 racer daw.


Muli kong tinapakan ang gas at pinaingay ang engine ng sasakyan. Naghiyawan uli ang mga tao at excited na sila na magsimula ang race.


Nasa Mountain Top kami ngayon, ilang kilometro malapit sa Underground City at itong gago na ito, hinamon lang naman ako sa isang Death Race, ang race na pinagkakalibangan ko ngayon. Hindi lang pride mo bilang isang racer at gangster ang nakataya dito kundi pati ang buhay mo. Hindi kasi biro at basta-basta ang ruta na dadaanan mo.


At higit sa lahat, isa lang ang rule dito at yun ay ang manalo.


Dahil nasa taas kami, mas bumibilis ang sasakyan dahil sa pull of gravity na humihila dito, idagdag mo pa ang zigzag at hindi patag na daan kasama ng matataas na damo sa talahiban.


"Sayang... cute pa naman, tsk" ako habang tinitingnan ang kalaban ko sa kabilang sasakyan.


SSC Ultimate Aero yung sasakyan nya, isa sa mga dream car ko. Hindi ko maiwasang hindi mapatili sa loob. Gusto ko nun, pero mukhang masasayang lang. Napatingin sa akin yung ungas na kalaban ko at kumindat, fuck! Mukhang alam ko na ang ending ng race na ito.


It's not my fault kung maganda at sexy ako, hindi ko na maiaalis sa akin iyon. Kasalanan nila kung mga panget sila o hindi umabot sa standard ko kaya dinededma ko sila.


Mas lalong nagkagulo sa Mountain Top ng sunod-sunod na sasakyan ang dumating pa at nagkanya-kanyang baba ang mga nakasakay dito. Katulad ng dati, hahanga ka parin sa kanila at kikilabutan dahil tingin at tindig pa lang ng mga ito, siguradong binabaon ka na sa lupa....


ang APOSTLE THIRTEEN...


The Apostle Thirteen, the most powerful, notorious and strongest gangster in the world, at isang linya lang ang iniiwang babala nila sa lahat sa oras na binangga mo sila, welcome ad infernum.


Wala pang nakakakita sa mukha namin dahil sa maskara na tumatakip dito pero makikilala mo kami sa mga tattoo namin na Zodiac Sign sa katawan. Tama, namin dahil isa ako sa kanila... ang ika-anim sa mga Apostle of Gangster's God at kasalukuyang Queen nito.


Virgo....


O mas kilala na BLOODY MARIA.

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon