Chapter 39: EMPOWERING WRATH PART 1

129K 2.6K 612
                                    


CALEB POV

Calm Caleb... calm...

Hindi ko naman kailangang gawin ito, bigla na lang kasi akong hinatak ni Tiffa. She suggested me para maging artist sa exhibit nila at model ko ang isang ito. I can't say no since nahatak na nya agad ako at wala naman ako masyadong ginagawa.

"Wag kang gumalaw"

"Are you trying to kill?"

Napataas na naman ang kilay nya habang ako pinagpatuloy ko ang paghahalo ng pintura. Sa totoo lang, nahihilo ako sa ginagawa nya, as a model dapat hindi sya gumagalaw para mas makuha ko yung details sa painting but what she's doing, para syang rumarampa sa harap ko.

"I said do not move not do not breathe"

"Whatever Jerk"

Dapat matapos ko na ito, darating na si Kneel para sa information na pinapahanp ko.

I can't contact Lowell since nang magkita kami sa Japan, so I tried anyways para mahanap sya at anngyari ang di ko inaaahan.

I need to calm myself... alam ko na mangyayari ang bagay na iyon pero hindi ganito kabilis at hindi sa ganung paraan.

Napahigpit ang hawak ko sa brush...

Calm and think Caleb...


Isang tao lang ang pwedeng gumawa nito at isang bagay lang ang dahilan kung bakit nya gagawin iyon. I can find a way para mahanap sya but the problem is the Helena Gang, nakita nila ang ulo ni Lowell at sigurado ako na kumikilos na sila ngayon. Kung bigla akong magpapakita, I need to make sure a full victory dahil kung hindi... malalaman nila kung sino talaga ako at yun ang iniiwasan ko.

"Are you insulting me? This is-"

Napabuntong hininga na lang ako, nasa likod ko na sya at tinitingnan ang painting ko.

"Art"

"Art your face! Wala kang sense of art" Napangiti naman ako sa sinabi nya...

"Oh, so you can speak tagalog, naglelevel up ka na"

Iniligpit ko yung gamit ko at inayos na yung painting para ipasa. Nag Fine Arts ako dahil sa free time at hilig ko din, dapat siguro ibang course na lang kinuha ko.

I look at her still, disappointed sya sa ginawa ko. Tinitingnan nya sa ibat-ibang anggulo yung painting ko... sa iyon ang nakita ko sa kanya eh.

"It's an abstract"

"I know"

"Mr. Aragon" sabay naman kaming napalingon sa may pintuan kung saan pumasok yung isang prof at tiningnan yung painting ko.

"This is..." medyo napakunot pa sya ng makita ang painting but later on, he smiled "amazing, you did something marvelous, a one of a kind talent Mr. Aragon. This abstract will surely be known to the world"

Kahit alam kong medyo O.A yung sinabi nya, ngumiti na lang ako at nagthank you.

"Sino ngayon sa atin ang walang sense of arts?

"Pwede ko na bang dalhin ito sa lobby?"

Ngumiti lang ako dun sa Prof at kinuha na nya yung painting ko. Pinagbukas ko naman sya ng pinto para hindi na mahirapan, saka ako lumabas at isinara ang pintuan leaving her inside that room.

Nagsisisigaw sya sa loob at nagwawala, hindi ko maintindihan ang sinasabi nya but I'm sure, sobrang naasar sya sa ginawa ko. Wala naman akong balak na gawin na iba sa kanya or kahit na saktan sya, babae parin naman si Azaleia but then, it doesn't mean na titigilan ko na sya.

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon