THIRD PERSON POV
"Haiz... san ko ba sya hahanapin?" napakamot na lang ng batok si Conrad. Ilang oras na din syang palibot-libot sa W.U. pero hanggang ngayon ay hindi parin nya ito nakikita.
"Pitongput pitong puting tupa... pitongput pitong puting tupa... pitongput pitong ---- Oh!"
Natigilan ito ng makita sa loob ng kwarto ang hinahanap, mabuti an lamang at bukas ang bintana kaya agad syang tumalon papasok sa loob ng kwarto.
Naghihikab na nagmulat ng mata si Ryo. Tahimik ang lugar at tanging sya lang ang nasa loob ng kwarto. Sa huli nyang pagkakatanda, kasama nya si Skye na nanood pero ngayon ay mag-isa na lang sya at naiwan pang buaks ang pinto...
Tumingin ito sa wall clock, pasado ala-sais na. Aalis na sana sya ng makarinig ng isang pamilyar na boses.
"Yo! Nakita na din kita"
Si Conrad na nagpapagpag matapos tumalon mula sa labas papasok sa loob ng kwarto.
"May naiwan kasi ako at alam kong nasa sa iyo yun" at inilahad nito ang palad. Tiningnan naman sya ni Ryo na para bang iniisip kung ano ang tinutukoy nito hanggang sa maalala nya.
"Ah... kunin mo na lang sa registrar"
"Tsk..."
Parang napako si Ryo sa kinatatayuan nya, hindi nya alam kung kailan o papaano pero alam nyang may ginawa si Conrad na mabilis pa sa kisap mata para makita nya.
"Thank you"
Humarap si Ryo at nakita nyang iwinawagayway nito ang ID nya. Nakalagay ito sa bulsa nya sa likod. Sumaludo sa kanya si Conrad at nakangiting tumalikod ng bigla itong napatigil. Nabawi na ulit ni Ryo ang ID nya sa kanya. Huminga ng malalim si Conrad sbago nya ito hinarap.
Pareho silang nakatitig sa isat-isa... Wala ng ngiti at mapaglarong itsura. Sinubukang agawin ni Conrad ang ID nya kay ryo pero mabilis na naitaas ni Ryo ang kamay nito sakto naman na nahawak din ito ni Conrad gamit pa ang isang kamay. Pilit nilalayo ni Ryo ang kamay nya sa binata pero pilit dinnaman itong hinahatak pabalik ni Conrad.
Isang nakakalokong ngiti ang pinakawalan nito.
Humakbang ang paa ni Conrad para tapakan ang paa ni Ryo habang hawak-hawak parin ang kamay nya pero nakaiwas din ito. Dahil hawak parin ni Conrad ang kamay ni Ryo, hinatak ito ni Ryo at ibinagsak sa mesa... malakas at mabigat, sapat an para mapabitaw si Conrad sa kanya.
Aalis na sana si Ryo pero hinatak sya pabalik ni Conrad at nahablot nito ang ID sa kanya. Hahablutin sana ulit ito ni Ryo pero binitawan ito ni Conrad at bago paman sumayad sa sahig ay agad din itong sinalo ng isa pa nyang kamay.
Sinipa naman ni Ryo ang kamay ni Conrad kaya tumalsik din ang ID nya papunta sa may tapat ng pinto. Saglitan pa silang napatingin sa isat-isa bago sabay na sinunggaban ang ID at...
BINABASA MO ANG
Apostle Thirteen: Welcome Ad Infernum
ActionDeath, Blood and War are the 3 things na kakatakutan mo but for the 13 Notorious gangsters ng Underground City, it feels like their food for the soul. Bloody Maria or Virgo, known as the Queen of Gangsters ruled the Underground City at walang sinoma...