Chapter 36: INTUITION

113K 2.4K 81
  • Dedicated kay Ellione Lhein Madrigal
                                    

Chapter Thirty Six: INTUITION

SCORPIO POV

"Wag nyong laliman ang paghuhukay, yung madali lang makikita ang bangkay nito"

"Yes boss"

Tinitingnan ko lang sila habang naghuhukay at inihagis yung katawan ng gagong ito. One of my underlings gives me his head at tinitigan ko pa ito...

This will be the best gift na matatanggap nya...

Inilagay ko sa isang box ang ulo at ni-wrapp ko na ito. Inalog-alog ko pa para sigurado akong hindi mawawala ang ulo sa loob. Tumulo pa sa paa ko ang dugo mula dito...

"Boss"

Lumapit yung isa pang underling ko, tiningnan ko naman sila at mukhang tapos na sila. Inihagis ko sa kanya ang box at muntikan pa nya itong hindi masalo.

"Send it to Wimbledon..."

Agad naman syang umalis dala ang mini gift ko, now all I need is to wait kung kailan sya lalabas at magpapakilala.

I'm excited to meet him at sana... Hindi ako mabored sa pagkikita naming dalawa.

Hinugot ko ang baril ko at itinutok sa mga kasama ko, tapos na ang trabaho nila at wala na silang silbe sa akin...

Bang!

"Boss?" nanginginig na tumingin sa akin yung isa.

Ang ayoko sa lahat, mga taong duwag, mga basura... dapat na silang ibalik kung saan sila nagmula.

Isa-isa kong pinagbabaril ang mga basura sa harapan ko habang yung iba ay tumatakbo pa para iligtas ang sarili.

I'm like playing a shooting games...

Naglakad ako papalapit sa kanila, all of them are dead except for one na gumagapang papalayo sa akin.

"Arggg!!!"

Tinapakan ko ang likod nya at tinutok ko sa sintido nya ang baril at pinaikot-ikot ito dito hanggang sa dumugo.

"Congratulation... naextend ng ilang segundo ang buhay mo" at saka ko kinalabit ang gatilyo ng baril ko.

Tumalsik pa ang dugo nya sa mukha ko, pinunasan ko naman ito at saka napadura sa kanya.

I'm bored... gusto ko na syang makita at kapag nangyari... I'll cut his head at iseserve ko to sa lahat ng Apostle.

LYRA POV

"Nasaan ako?"

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Ang huli kong naaalala ay kasama ko si Ellione at...

"Aray"

Napahawak ako sa ulo ko, medyo nahihilo pa ako. Oo nga pala, may kung anong itinusok sa akin mula sa likod kaya ako nawalan ng malay. Napailing na alng ako at pilit na inaaninag ang mga nasa paligid ko. Kailangan kong makausap si Ellione, kailangan ko ang Antidote.

"Good morning Lyra"

Napalingon ako sa may pintuan kung saan nakatayo si Ellione at nasa ibabaw ng ulo nya ang maskara ni Gemini. Tama nga ang hinala ko, kaya pala minsan, nagdududa ako sa mga kinikilos nya, sa sinasabi nya dahil isa sya sa mga Apostle.

"Hindi mo man lang ba ako babatiin?" dahan-dahan syang lumapit sa akin.

Hindi ko alam kung anong pinaplano nya o kung ano ang kaya nyang gawin, isa lang ang alam ko... sya ang lumason kay Jireh at nasa kanya din ang Antidote para dito. Kailangan kong makuha iyon... sa kahit anong paraan.

Apostle Thirteen: Welcome Ad InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon