Chapter 1

280 26 14
                                    

"Araw ng Kapanganakan ni Filipinya"

Isang tipikal na araw sa Nayon. Makikita ang mga batang naglalaro sa ilalim ng mainit na araw, mga Tatay pauwi mula sa pangingisda, mga masisipag na Nanay na nagtitinda, mga binatang naglalaro ng basketball, mga Lolo at Lola na masayang nakaupo habang pinanonood ang kanilang mga apo. Sa Enchanted River, ang mga lumalangoy at maninisid ay nagtitipon sa isang malaking butas na halos 60 na talampakan ang lalim. Itong butas na ito rin ang nagsisilbing lugar kung saan naghahalo ang tubig mula sa bundok at mga kweba sa tubig dagat. Mula sa norte, biglang pumihit ang weathervane papunta sa timog dahil sa pag-iiba ng direksyon ng hangin.

Napansin ni Lolo at Lola ang kakaibang simoy ng hangin, "Mmmmm... Ang sarap ng simoy ng hangin, parang Pinya na nanggagaling sa taniman sa hilaga."

"Isang bihirang amihan, Tito. Iba na talaga ang simoy ng hangin ngayon."

"Oo, napaka laking pagbabago. Kailan ba lalabas ang munting sanggol na iyon? Napapagod na ako sa paghihintay."

"Ikaw! Santol! Anong alam mo sa pag hihintay? Anong alam mo sa panganganak?"

"Ganito lamang ang unang hakbang Mahal," sabi niya ng may konting ngiti habang unti unting ipinupulupot ang kanyang kamay sa paligid ng braso ng kanyang asawa ng apat na pung taon.

"At pagkatapos ng unang hakbang ako na lahat ang magpapasan ng lahat ng sakit"

"Naaalala ko gustong gusto natin ang unang hakbang."

"Tsssshhhh, tama na."

"Halika nga dito maganda kong asawa, bigyan mo ko ng isang matamis na halik!"

Isang masakit na sagot ang naisagot ni Lola, "Matamis na halik? Naka inom ka na naman?"

Hinawakan ni Lolo ang kanyang mukha at hinalikan siya sa labi. "Kita mo Mahal, may pagmamahal parin, katuwang ang simoy ng hangin!"

Napangiti si Lola, tumingin sa hilaga at napahinga ng malalim. "Matamis na simoy ng hangin lamang iyon."

Sa kalaliman ng gabi , tahimik ang buong nayon, bukod kay Ginoong Santos na kinakabahang nakatitig sa labas ng kanilang bahay. Maliwanag ang bilog na buwan at nakikipag kumpitensya ito sa kumikinang na bilyong bilyong mga bituin. Upang mabawasan ang kanyang tensyon, kumanta na lamang siya.

I've been waiting for my girl

Livin' days til she is born

Is she comin' this night

Or the next day morn?

Will she look like me?

Or her pretty nanay?

I know it from my core

No one will love her more.

My precious daughter to be

No one knows what's in store

But I feel what I cannot see

She will be born to soar!

Protect, and teach, and steer you right.

You're the one that we'll adore.

My first born, my precious babae, my cute little one

World be blessed, the day you are born.

Hindi mapakali si Ginoong Santos, habang nababalot ng ingay ang buong bahay dahil sa sigaw ng kanyang asawa na kasalukuyang nanganganak at maingat na itinutulak palabas ang kanilang magiging sanggol. At sa wakas, narinig na nila ang malakas na iyak ng isang sanggol na babae. Hindi napigilang mapaluha ni Ginoong Santos habang buong pagmamalaking sinasambit, "Narito ka na! Dumating na! Maaari ko bang makita ang aking bagong silang na sanggol, ang isang parte ng buhay ko. Ako ang iyong Tatay, at lagi lamang ako sa iyong tabi."

Ibinigay ng kumadrona ang bagong silang na sanggol sa kanyang Tatay. Iniangat ni Tatay ang sanggol habang sinasabing...

Oh Great God above,

I present her to You, part of me!

One day she will grow up tall and strong

And she will also bless You with song.

Napansin ni Tatay Santos na ang buhok ng kanilang sanggol ay tuwid na nakatayo, nagulat siya, ngumiti, at nasabi sa kanyang sarili, "Pinya?"

Napakamot siya sa kanyang ulo, napakindat, at ngumiti.

"Aking anak, iyong bababsbasan an gaming mga mundo!

Ibibigay ko sa iyo ang dangal at diwa ng Tatay ng aking Tatay.

Isinisigaw ko sa langit,

Ikaw ay mas nakahihigit pa sa lahat ng mga bituin!

Tatawagin natin siyang Filipinya!Fil-a-peeeeeeeen-yaaaaaa!!

Tumulo ang mga luha sa pisngi ni Tatay habang ibinalik ang kanyang anak sa bisig ng kanyang ina. Ipinakilala niya ang kanilang unang anak, si "Filipinya".


Ang Pakikipagsapalaran ni FilipinyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon