Chapter 8

50 7 1
                                    

Harana sa Araw ng Kapanganakan

Bukas ay ika-7 kaarawan na ni Filipinya! Sa Pilipinas, ito ay isang importanteng kaarawan at tinatawg itong "sieteyesta". Ang kanyang buong pamilya, kabilang ang kanyang Lolo, Lola, Tiyo, Tiya, mga nakatatandang pinsan at maging si Tatay ay abala sa paghahanda ng pagkain sa kusina. Ang ilan sa kanila ay inihahanda ang mga gulay, ang iba naman ay hinihiwa ang patatas, sibuyas at kamatis. Ang iba ay gumagawa ng fruit salad at ang iba naman ay tumitikim ng mas marami pa sa maaaring kainin. Ngunit kahit abalang abala ang bawat isa, hindi pa rin nila nalilimutang magtawanan at magkwentuhan.

Ngunit hindi nakatuon ang pansin ni Filipinya sa pinag-usapan nila, pagkat halos lahat sila ay kanilang mga asawa ang ikinukwento. Kadalasan, si Tatay ay pumupunta sa pamilihan para bumili pa ng mga kailangan. Ngayon lang nakita ni Filipinya na ganito kaabala ang mga tao. Maging ang mga kaibigan nila ay nagdadala ng mas marami pang pagkain. Ang maliliit na bata ay nanonood ng TV, naglalaro at kung ano ano pa. Si Spud ay nagddribol ng bola. At sa ikaapat nyang dribol....

Sinabi ni Nanay, "Spud, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na lumabas ka kapag magbabasketbol ka!"

"Pero madilim na po sa labas Nanay."

Sumagot si Filipinya, "Maling sagot, Spud, lagot ka na naman!"

Nagtanong si Nanay, "Tatay, pwede ka bang pumunt sa palengke at bumili ka ng anim na kamote? At isama mo na rin yang maliit na patatas na yan! Sumasakit ang ulo ko sa kanya."

Bago pa man magtapos ng pagsasalita si Nanay, binuhat na ni Tatay si Spud gamit ang kanyang isang braso. Dala dala ni Spud ang kanyang bola. "Tara anak, magshoot tayo ng bola,". At umalis na sila para "mamalengke daw".

Ang paglalaro ng basketbol kasama si Spud sa ilalim ng buwan at mga bituin ay isa sa mga paborito ni Tatay. Medyo malayo ang basketbol court sa mga kabahayan kaya maaaring magpakitang gilas si Tatay sa galing niya sa basketbol.

"Ok Spud, gayahin mo ako. Paikutin mo yung bola sa bewang mo ng sampung beses. Simulan mo sa kanan. Isa, dalawa, tatlo. Sa kaliwa naman, isa, dalawa tatlo... Ok, paikutin mo naman sa binti mo ng sampung beses. Simulan mo ulit sa kanan, isa, dalawa, tatlo. Sa kaliwa naman... Mahusay!" Nakuha na ni Spud ang tamang tyempo at ang tamang koneksyon sa bola. "Ok, magdribol ka naman gamit ang iyong kanang kamay. Limampung beses, tumingala ka, tapos tumingin ka sa akin. Bumilang ka, Uno, Dos, Tres, Cuatro, Cinco, Ses... Ok, yung kaliwang kamay naman ang gamitin mo sa pagdidribol. Limampung beses, tumignin ka sa mga mata ko."

Tumalbog ang bola palayo sa anim na taong gulang na si Spud, pero nakuha niya rin agad ito at nagsimula muli. Ang mag-ama ay parehong nasa tyempo. Alam ni Tatay na ang masasayang araw gaya nito ay matatapos rin balang araw, dahil hindi magtatagal ay mga babae na ang hahabulin ni Spud sa halip na ang bola ng basketbol. Habang nagpapasahan ng bola ang mag-ama, nagsimula nang sumigaw si Spud ng "PBA! PBA! PBA!". Ngunit kahit hindi sinasabi ni Tatay kay Spud, alam niyang hindi makakapasok sa PBA si Spud dahil siya ang pinakamaliit sa klase nila.

"Magpraktis ka lang araw-araw, anak. Magsikap ka at wag kang makinig sa sasabihin ng ibang tao. Maniwala ka sa iyojng sarili. Makakamit mo ang kahit na anong gusto mo sa buhay!" Napangiti si Spud sa sinabi ni Tatay, lalong ginanahan si Spud sa paglalaro.

"Pero tandaan mong hindi pwede sa loob ng bahay! Alam mo ang mga patakaran ni Nanay."

"Opo Tatay pero nakakainip kasi ang TV."

Pagkatapos ng isang oras, kinuha na ni Tatay ang mga kamote at ang mag-ama ay bumalik na sa kanilang bahay. Pawis na pawis ang dalawa at nangangamoy sila.

Ang Pakikipagsapalaran ni FilipinyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon