Chapter 9

24 7 2
                                    

"Hapunan"

Ilang oras na ring nasa Enchanted River sina Filipinya, Treet, Spud at Coco. Gutom na gutom na sila kaya sinabi ni Filipinya, "Malapit na ang hapunan, umuwi na tayo."

Tumatakbo na naman ang imahinasyon ni Coco tungkol sa kanyang banda at nakagawa agad siya ng kanta para sa kanyang susunod na pagkain.

"Three squares a day, and I am blessed.

Just make sure, let's be precise......

You know I cannot live, you know I cannot live

without my rice!

Two legs two feet

Two arms two hands.

Two eyes.........and two stomachs!!

One for Food .....one for Rice!

One for Food .....one for Rice!

Feed me beef , feed me chicken,

Feed me pork, feed me fish,

All the veggies and the fruits....

But it's Double Rice that I wish!

Two legs two feet

Two arms two hands.

Two eyes.........and two stomachs!!

One for Food and one for Rice!

I say One for Food .....one for Rice!

Brown rice, corn rice, won't suffice.

You know my appetite.....

Yeah Double Rice is twice as nice.

.... and make it white!!

Two legs two feet

Two arms two hands.

Two eyes.........and two stomachs!

One for Food and one for Rice!

I say One for Food .....one for Rice!

Rice goes with every single meal....

Can't beat it for the price,

You know I cannot live

You know I cannot live without my rice!

Two legs two feet

Two arms two hands.

Two eyes.........and two stomachs!

One for Food and one for Rice!

I say One for Food .....one for Rice!

Some say that I'm addicted,

Don't call Rice a vice!

Not my fault ....the little grains entice.

You know I cannot live

You know I cannot live without my rice!

Two legs two feet

Two arms two hands.

Two eyes.........and two stomachs!

One for Food, one for Rice!

I say One for Food .....one for Rice!

You know I cannot live

You know I cannot live without my rice!

Ang lahat ay nagtawanan sa kanyang ginawa.

Umuwi na si Filipinya pagkatapos makipaglaro kina Treet at Coco. Nakita niya ang kanyang Lolo at Lola na nag-aantay kay Nanay. Binati niya ang mga ito ng "Magandang Hapon po, Lolo, Magandang Hapon po, Lola." Inabot ni Filipinya ang mga kamay ng mga Lolo at Lola at nagmano, "Mano po". 

Dahan-dahan niyang kinuha ang kamay ni Lolo at nagmano sa kanila. "Mano po".

Sumagot si Lola, "God Bless you, "Iha". Kamusta ang araw mo?"

"Hmm... Ayos naman po. Marami po akong natapos sa bokabularyo namin sa paaralan."

Sinalubong siya ni Nanay ng matatamis na ngiti at sinabi, "Hello, Pinya nandito ka na pala!"

Kinuha ni Filipinya ang kanyang kamay at sinabi, "Nanay, Mano po".

Tinitigan ni Lola ang nakatirik na buhok ni Filipinya at sinabi, "Ikaw ang pinakamaganda kong apo."

"Lola, ako lang naman po ang babae ninyong apo!"

Lolo says, "Oppppss... Sorry kung tumawa ako, pero nag-iisa ka lang! At ikaw rin ang paborito ko."

Abot tenga ang ngiti ni Filipinya at sinabi, "Salamat po Lolo."

Sinabi ni Nanay, "Oh alam ko lahat kayo ay gutom na, pero iintayin pa natin si Tatay, okay? Nagluto ako ng paborito ng lahat, ang pritong bangus!"

"Yay! Asan na po si Tatay?"

Biglang dumating si Tatay. "Oohhh. Nandito na pala kayong lahat. Magandang hapon po Nay, Tay, (referring to Lolo and Lola) "mano po".

Nakasimangot na sinabi ni Nanay, "Mabuti naman at nandito kana, hinihintay ka na naming lahat!"

"Ooh... Pasensya na, dumaan pa kasi ako sa bukid para kumuha ng honey para sa paborito kong honey!" sabi ni Tatay habang kumikindat sa kanyang pinakamamahal na asawa.

"Gutom na ang lahat! Filipinya, tawagin mo na si Spud para makakain na tayong lahat." Nagmamadaling tumakbo si Spud pababa ng hagdan diretso sa lamesa. Ni minsan ay hindi mo kailangang tawagin si Spud ng dalawang beses sa tuwing kakain na. Lagi siyang handa sa unang tawag mo palang. Sinabi ni Nanay kay Filipinya na tawagin niya si Coco para sumalo sa kanilang kumain ng hapunan dahil labis labis ang kanilang pagkain. Kaya naman pumunta si Filipinya sa kabilang pinto para imbitahan si Coco. Agad namang pinaunlakan ni Coco ang imbitasyon ni Nanay.

Umupo na ang lahat sa hapag kainan. Agad na kumuha si Spud ng kanin ngunit biglang hinawakan ni Filipinya ang kanyang kamay at sinabi, "Spud, kailangan muna nating magdasal".

"Oo nga pala, sorry, Ate."

Ngumiti sina Lolo, Lola, Nanay at Tatay. Bumulong si lola at sinabi, "Lumalaki na talaga siya."

Pinakiusapan ni Tatay si Filipinya na pangunahan ang panalangin. Tumango naman si Filipinya at iniyuko ang kanyang ulo at nagdasal,

"Panginoon, nais po naming magpasalamat sa mga biyayang nasa harap namin. Salamat po sa paborito naming bangus na niluto ni Nanay para sa amin! At sana po biyayaan Niyo pa ang aming mga bubuyog ng mas maraming honey. Amen."

Sinabi ni Tatay, "Okay... Oo ang paborito kong pritong bangus."

Lahat sila ay masayang masaya at busog na busog sa hapunan na iyon. Sinamahan pa ng masasayang kwento tungkol sa buong maghapon. Si Tatay ay nangisda at binenta sa mga tindera ang huli. Nagtanghalian siya sa bayan at pumunta sa Bee Farm. Si Nanay naman ay naglinis ng bahay, nagluto ng pagkain at nagtahi ng ilang mga damit. Habang si Lolo at Lola naman ay naglakad lakad at nakipagkwentuhan sa mga kapitbahay. Namili rin sila ng ilang mga kailangan ni Nanay. Ang mga bata naman ay ikinwento ang mga nangyari sa Enchanted River. Samantalang si Spud ay ikinwento sa kanyang pamilya ang kanyang naging laro sa basketbol court. Masaya ang buhay sa Nayon.


Ang Pakikipagsapalaran ni FilipinyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon