Chapter 19

42 5 1
                                    

                                                                Niyog, mga Kuneho, at Itlog

Alam nating lahat na ang Pilipinas ay sagana sa mga niyog at masasarap na gata ng niyog. Ngunit para sa iba gaya ng pamilya ni Coco, itinuturing nila ang puno na Tree of Life. Ang hanapbuhay na ito nila Coco ay nagpasa-pasa na sa maraming henerasyon. Lahat ng parte ng puno ng niyog ay napapakinabangan nila magmula sa ugat bilang halamang gamot, inumin at sabaw, gata, langis, copra, salad, kendi, panggatong, walis tingting, lubid, bubong, bakod, pamaypay, sumbrero at maging ang langis din ay ginagamit para sa balat, at sari-saring pampaganda dahil ito raw ay mabisa para makapatay ng mikrobyo.

Ang tubig na nasa loob ng niyog ay nakakatulong upang ibalik ang nawalang tubig sa ating katawan, linisin ang bato at ibalanse ang ating mga electrolytes sa katawan. Ang bulaklak ng niyog ay ginagawa namang alcohol, suka, at maging kasuotan. Ang sapal naman ay ginagamit para makagawa ng pulot. Ang bao naman ay ginagamit bilang kasangkapan sa pagkain o para makagawa ng uling. Ito ay ilan lamang sa mahahalagang gamit na nakukuha natin mula sa puno ng niyog, at ito ang dahilan kung bakit tinaguriang Tree of Life sa Pilipinas ang puno ng niyog.

Saang probinsya ka man magpunta at saang direksyon ka man tumingin papunta sa Enchanted River, matatanaw mo na ang libo libong durog na bao na pinapatuyo maging sa kalsada, paradahan o basketbol court. Ang putting parte naman ng bao o copra ay nakahanay ng pantay-pantay na tila ba lumulutang na bangka na handang umatake sa mga banyaga.

Para kay Coco, isa itong "love-hate" na relasyon. Ang pagniniyog ang nagsilbi nilang hanapbuhay daang taon na ang nakalilipas ngunit kailangan ito ng matinding sikap. Tuwing umaga at bago pumasok sa paaralan, tumutulong si Coco sa kanilang niyogan. Bukod dito, at kanilang hanapbuhay rin ang naging dahilan para maging tampulan siya ng tukso- dahil sa kanyang pangalan at dahil sa kanyang itsura sa salamin. Minsan pa nga ay pinangarap ni Coco na gumamit ng ibang pangalan para makaalis sa bansag na niyog o buko.

Ang Mahal na Araw ay simbolo ng buhay. Nagising sina Spud at Filipinya sa malakas na tunog ng kampana. Alam nating lahat na ito ay isa sa pinakamahalagang tungkulin natin taun-taon bilang isang Kristiyano. Sinalubong ni Tatay sina Spud at Filipinya ng matatamis na yakap at halik. Bigla nilang napansin na wala si Nanay.

Nagtanong si Spud, "Asan po si Nanay ng ganito kaaga?"

"Nasa palengke na naman. Nakalimutan ko kasi ang ilan sa mga kailangan natin para sa ating munting salo-salo. Magbihis na kayo at sisimba na tayo. Pag-uwi natin kakain tayo ng sabay-sabay. Mayroon ako ditong malalaking alimango at pansit!".

"Pwede po ba tayong gumawa nung espesyal na sauce, Tatay?" tanong ni Filipinya.

"Oo naman!"

Naligo na ang magkapatid at nagbihis ng magaganda nilang damit para sumimba. Suot ni Spud ang kanyang polo, pantalon at itim na balat na sapatos habang suot naman ni Filipinya ang kanyang pulang bestida at doll shoes. Sinubukan rin niyang ilugay ang kanyang buhok ngunit nabigo siya gaya pa rin ng dati.

Pagbalik ni Nanay, binigyan niya si Spud ng isang kahon. Puno ito ng tsokolate na hugis itlog dahil Easter ngayon. Si Filipinya naman ay binigyan niya ng isang headband na may disenyong katulad sa tenga ng kuneho. Bagay na bagay ito sa kanyang suot na bestida. Biglang nagtanong si Spud, "Ano po ba ang koneksyon ng Mahal na Araw sa mga kuneho at paghahanap ng itlog sa Easter Egg Hunt?"

Sumagot si Nanay, "Ang itlog ay simbolo ng bagong buhay at ang kakayahan ng isang babae na magbuntis. Sa ibang lugar, nagbibigay sila ng makukulay na itlog bilang regalo at para sa kahilingan ng masagana at masayang bagong taon."

Ang Pakikipagsapalaran ni FilipinyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon