Chapter 4

60 8 1
                                    

                                                                            "Sa Enchanted River"

Kumaripas ng takbo si Coco papunta sa ilog, tumayo siya sa gilid ng mga bato at tumalon sa tubig. Splash!

Sumunod na din ang mga kaibigan niya. Splash, Splash, Splash, Splash!

Ang lugar ay napalilibutan ng mga bato at baging na naging dahilan upang matakpan ang sinag ng araw. At dahil liblib ang lugar na ito, ramdam na ramdam ang lamig at presko ng tubig sa bukal. 

Ngunit dahil maiikli ang mga binti at hita ni Filpinya, pinakahuli siya sa lahat; pero nung nasa dulo na siya ng bato, bigla siyang tumigil dahil sa takot. Hindi na siya tumalon. Nakita niya ang hagdan na kasing taas niya. Bumaba siya sa hagdan at sa para makapunta sa gilid ng Enchanted River.

Napakalinaw ng tubig sa ilog at kitang kita ang daan-daang magagandang isda. Ang paligid ay puno ng mga halaman, baging at bulaklak; habang ang batis ay dumadaloy sa butas na dumadaloy papunta sa look.

Si Coco at ang mga kaibigan niya ay naglalaro ng "Marco Polo", "Sharks and Minnows", "Takyang" na may barya at balat ng kendi, at kung ano ano pang maisipan nilang laruin. Sumisid sila, tumalon at lumangoy kasama ang mga isda. Nagkarera sila ng pabalik balik sa magandang ilog.

Nagsimula ng tuksuhin ng mga bata si Filipinya. "Natatakot ka ano?" "Natatakot ka ba sa mga pating?" "Ayaw mo bang magulo ung buhok mo?" Lahat sila ay tinuturo si Filipinya habang nagsisitawanan. Isa isang hinigit ng mga bata ang kanilang mga buhok pataas para gayahin ang buhok ni Filipinya.

Nasaktan at naiiyak na si Filipinya. Hindi niya maintindihan kung bakit binigyan siya ng Diyos ng buhok na katulad ng sa pinya. Naalala niya ang sinabi ni Nanay na siya ay maganda, ngunit hindi ang kanyang buhok. Gusto na niya itong gupitin at magpakalbo katulad ni Coco.

Binubuhusan ni Coco si Filipinya ng tubig pero ayaw niya itong asarin. Ang mga pilyong bata ay pilit na nilalapitan si Filipinya. Si Filipinya naman ay umalis na sa tubig. Ngunit isang batang lalaki ang hinigit siya at inilubog sa ilog. Dati na nilang nakita si Filipinyang lumangoy, kaya pinagkatuwaan nila ulit ito ngayon. And tatlong taong gulang na si Filipinya ay takot na takot.

At nung nai-angat na niya ang kanyang ulo mula sa tubig, umiyak na siya. Tumalon si Coco sa tubig at sinagip siya. Pinagbantaan niya ang mga pilyong bata na tantanan na nila si Filipinya. Tumigil na sa pag-iyak si Filipinya, tinitigan nila ng masama ang mga batang lalaki at binuhusan ng tubig kaya nag-away away sila sa tubig.

Bago maghapunan, pumunta si Coco sa bahay nila Filipinya. Binati siya ng Nanay ni Filipinya. Nagmano si Coco kay Nanay at sinabing, "Mano po, ok lang po ba si Filipinya?"

Sumagot si Nanay, "Bakit, anong problema?"

"Ah, wala po. Medyo natakot lang po siya sa ilog kaninang umaga. Wala po yun."

"Sigurado ka ba...?"

Sumagot si Coco, "Baka kailangan lang po niya ng lakas ng loob pag nasa tubig."

"Ang tanging paraan na alam ko para gumaling ay ang magpractice."

Biglang pumasok si Filipinya sa kwarto at pinilit nyang pigilan ang kanyang mga luha, pero tumakbo siya papalapit kay Nanay at niyakap ang mga hita nito at nagtago.

"Itinulak nila ako Nanay. At may mga pating doon, tapos.... tinawanan nila ako!"

Alam ni Nanay na ang mga lalaki ay sadyang pilyo at mapang-asar, ngunit hindi siya makapaniwala tungkol sa mga pating. Niyakap niya si Filipinya at pinunasan ang kanyang mga luha. "Ligtas ka na ngayon anak."

"Gusto mo bang turuan kita kung paano lumangoy?" tanong ni Coco.

"Uhhhh... ok Coco, pero gusto ko tayo lang, hindi kasali yung mga pilyong lalaki!"

Pumayag si Nanay at sinabi, "Ayos lang yun Coco, pakisabi sa mga magulang mo pumunta ditto mamaya."

Kinabukasan bago sumikat ang araw, dali daling pumunta si Coco kila Filipinya; kumatok siya sa pinto nilang gaw sa kahoy at nagulat siya ng makita ang nakababata nitong kapatid na si Spud. "Hi bata, pwede mo bang tawagin si Filipinya?"

Ngunit bago pa man siya tawagin ni Spud si Filipinya ay nagmamadali na siyang lumabas para pumunta sa Enchanted River.

"Swimming! Tara nang lumangoy!" Lumingon si Coco at nagmamadaling hinabol si Filipinya.

Ilang hakbang lang ang ilog mula sa kanilang bahay at pareho silang sabik na makadating sa ilog.

Nauna na si Coco na sumisid sa malalim na parte ng tubig. At tulad ng dati, hanggang sa mababaw na parte lang ng ilog si Filipinya.

Tinignan siya ni Coco at sinabi, "Ihagis mo yung mga tsinelas ko. Tingnan mo. Hawakan mo to ng ganito at pagkatapos ay kumampay ka lang. Mabilis lang ito, subukan mo."

Lumubog na sa tubig si Filipinya at hinawakan ang kaniyang mga tsinelas. Ginaya niya kung paano kumampay si Coco. Tumawa si Coco ng makita ang maling paraan ng paglangoy ni Filipinya. "May malaking balyena sa likod mo, bilisan moa ng paglangoy!"sigaw ni Coco.

Nagtatalon si Filipinya para makaalis sa tubig. "Ano? Nasaan?"

Mas lalong humalakhak sa tawa si Coco.

Sumimangot si Filipinya at sinabi, "Wag ka ngang mang-asar!"

"Ok, sorry na,"sabi ni Coco. "Ulitin natin pero ayusin mo na yung pwet mo. Dapat pantay ung pwet mo sa katawan mo. Nakakatawa ka talaga, sabi ni Coco.

Nagsimula na ulit na lumangoy si Filipinya at maya maya'y maalam na itong maglangoy mag-isa. Mas magaling na siya kaysa kahapon. Sumisid si Coco at lumangoy kasama ang mga isda, at gaya ng dati, sumunod si Filipinya sa likod niya. Hindi pa kaya ni Filipinya sa malalim na parte pero labis silang nagsaya. Pagkatapos ng ilang oras, dumating ang iba nilang kaibigan para makisaya.

Simula noon, si Coco, Filipinya at ang iba pa nilang mga kaibigan ay pumupunta na sa ilog halos araw-araw. Hindi nagtagal ay nagsimula na rin silang manghuli ng isda gabit ang sibat. Si Coco at ang mga lalaki ay magaling humili ng isa. Habang si Filipinya at ang kanyang matalik na kaibigan na si Treet ay sinusubukan rin ngunit kadalasan ang mga isda ay masyadong mabilis. 



Ang Pakikipagsapalaran ni FilipinyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon