Chapter 17

23 6 4
                                    

Pagtatama sa Kasalanan

Bigla ulit nilang narinig na may kumakatok sa kanilang pintuan. Binuksan ito ni Tatay at nakita niya si Ginoong Manuel, isang magsasaka mula sa kabilang nayon.

"Hello po Ginoong Santos, kamusta po kayo?" Narinig ni Filipinya at Spud ang kanyang boses at sinabi ni Spud, "Huy Pinya.. May ginawa ka na naman bang kasalanan?" Tinakpan ni Pinya ang bibig ng kanyang kapatid para mapatahimik.

Sumagot si Tatay, "Ayos lang po kami Ginoong Manuel. Kayo po, kamusta na at ang inyong taniman? Sapat po ba ang ibinagsak na ulan ng langit para sa inyong mga tanim?"

"Oo! Mahal na mahal namin ang ulan, at mabuti naman ako."

Tumingin si Tatay kay Filipinya at sinabi, "Huhulaan ko, ngayon ay ang araw para pagtrabahuan ng mga bata ang kanilang utang sa inyo dahil sa kanilang hindi mabuting asal, tama po ba?"

"Opo Ginoong Santos, kung maaari po sana ay ngayon dahil maganda ang panahon."

"Pinya kumuha kana ng extra na gloves para sa inyong dalawa ni Treet. Spud, sabihin mo kay Nanay maghanda na ng tanghalian at meryenda para sa mga girls. Mahaba ang kanilang araw ngayon."

"Wag po kayong mag-alala Ginoong Santos, ihahatid ko po sila dito mamaya bago dumilim."

Naglakad na sina Ginoong Manuel at Filipinya para sunduin si Treet, na nauna ng naghanda dahil tinext na siya ni Filipinya.

Habang naglalakad ang tatlo papunta sa taniman, sinabi ni Treet, "Ginoong Manuel, pakiusap po, huwag niyo po sana kaming pagbunutin ng mga damo at pag-araruhin maghapon. Kakalinis ko lang po ng kuko ko kahapon!" Tiningnan ng masama ni Filipinya si Treet.

"Mag-araro? Bakit mo naman yan naisip? May iba akong ipapagawa sa inyong dalawa ngayong araw." Nagtinginan ang dalawang bata at nagsimula na silang mag-alala.

"Alam niyo ba, ilang araw ko ng pinaglalaruan ang aking mga prutas at gulay. Gumagawa ako ng masasarap na inumin. Sa tingin ko magaling kayong maghiwa at magsala ng mga prutas at gulay, tapos titikman niyo ang mga ito para makuha ang tamang lasa."

"Ibig niyo pong sabihin, hindi namin kailangang magtrabaho sa taniman, Ginoong Manuel?" tanong ni Treet.

"Kayong dalawa talaga. Masyado kayong talentado para sa ganoon kahirap na gawain, ano sa tingin nyo?" sabay kindat. Pagdating nila sa taniman, nagpunta sila sa kamalig kung saan nakahanda na ang mga prutas at gulay. Daang-daang baso ang nakahanay at gulat na gulat ang mga bata.

Bumulong si Treet kay Filipinya, "Sa tingin ko isang linggo tayong magtatrabaho dito!"

Nakita ni Ginoong Manuel ang reaksyon ng mga muka ng mga bata. "Oh paano? Sa tingin ko dapat niyo ng simulan ang pagtatrabaho? Wag kayong mag-alala, mag-eexperiment din ako ng mga kumbinasyon ng flavors. Meron tayong mansanas, mangga, pinya at ang paborito kong suha. Sa mga gulay naman, meron tayong carrots, mga dahon at mais."

Hindi mahilig ang mga bata sa gulay pero nagsimula na sila pagkatapos magbigay ni G. Manuel ng mga paalala. Hiniwa na ni Filipinya ang mga prutas habang si Treet naman ang nagpiga ng mga prutas sa mga mangkok. Meron silang apat na mangkok para sa mga katas ng prutas at tatlo naman para sa katas ng mga gulay. Pagkatapos ng isang oras, napansin ni G. Manuel na kailangan pa niya ng mas maraming mangkok at baso. "Babalik ako maya-maya. Kailangan ko lang kumuha ng mas maraming lalagyan para makagawa tayo ng mas maraming kumbinasyon."

Habang wala si G. Manuel, nagsimula ng umawit ang mga bata...

Tooty fruity, tooty fruity.

Ang Pakikipagsapalaran ni FilipinyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon