Chapter 27

21 1 0
                                    

Araw ng Kalayaan

Kadalasan, ang ika-12 ng Hunyo ay isang masayang araw kung saan walang pasok dahil ito ay ang "Araw ng Kalayaan" ng Pilipinas pero si Filipinya at si Spud ay nasa bahay dahil umuulan buong umaga. Si Filipinya ay nakatitig sa bintana, pinapanood ang mga patak ng ulan habang si Spud ay lumilibot sa loob ng bahay habang pinapanalangin na tumigil na ang ulan para makipaglaro siya sa mga kaibigan ng basketball.

Ang tatay nila ay nag-day off, tapos sina Lolo at Lola ay nasa daan na para makisalo sa isang maliit na selebrasyon ng okasyong ito. Dahil inip na inip ang mga bata sa Araw ng Kalayaan na ito, ang tatay nila ay inisip na kuwentuhan sila tungkol sa Pangalawang Digmaang Pandaigdig. "Mga anak, gusto niyo malaman ang kwento tungkol sa Pangalawang Digmaang Pandaigdig?" wiki ng Tatay.

Sina Filipinya at Spud at umupo sa salas at nagdala ang Nanay ng mga pagkain.

"Ang aking mga magulang at mga lolo at lola ay madaming nang naikuwento sa akin tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas at ang Pangalawang Digmaang Pandaigdig, isang digmaan na binago ang mundo. Noong ika-8 ng Disyembre ng taong 1941; sumugod ang mga Hapon sa Maynila at nagdala ng mararaming sundalo sa iba't ibang lugar ng Pilipinas. Sa araw bago ito nangyari, halos nawasak ng mga Hapon ang hukbong-dagat ng Amerika sa Pearl Harbor sa Hawaii. Ang mga Hapon ay nakagawa ng atake na hindi inaashan at gustong angkinin ang buong Asya dahil sa mga likas na yaman nito. Ang mga 80,000 na sundalo ni Heneral McArthur at mga sundalong Filipino ay sinubukang labanan ang mga Hapon pero umurong sila papunta sa Isla ng Corregidor at Bataan. Ginawa nila ang makakaya nila na mabantayan ang Manila Bay dahil sa posibleng pagdating ng tulong, pero hindi dumating ang inaasahan na tulong noong ika-2 ng Enero ng taong 1942. Ang resulta nito, ay nasakop ng mga Hapon ang Maynila at umurong si Heneral McArthur papuntang Australia sa kautusan ng Pangulong Roosevelt.

"Narinig ko na po ang pangalan ni Roosevelt sa isa sa mga aklat namin" wika ni Filipinya. "Siya po yung pangulo ng Estados Unidos ng Amerika ng labing-dalawang taon, at nasa isang wheelchair, diba?"

Ito'y sinagot ng Tatay, "Oo, at noong simula pa lang ng digmaan; ang mga Hapon ay nakakahigit, madaming mga sundalong Amerikano at Filipino ay napilitang sumuko at mga naging bilanggo ng digmaan, pero madaming pa rin sa kanila ay hindi sumuko."

Biglang sumalita si Spud at sinabi "Kung ako po ay isang sundalo; di ako susuko, lalaban ako hanggang sa huli!"

Sinagot ito ng Tatay, "Isang mabuting bagay ang katapangan para ipaglaban ang iyong lupang sinilangan, Spud, pero alamin mo rin ang iyong mga limitasyon."

"Nang maitatag ang Pangalawang Republika ng Pilipinas habang panahon ng pagkakasakop ng mga Hapon noong taong 1943 hanggang 1945; si Jose P. Laurel ang naging pangulo pero kontrolado siya ng mga Hapon. Halata na sa marami na gustong makuha ng Hapon ang tiwala ng mga Filipino pero madaming tao ay nagdusa sa brutalidad ng mga Hapon.

"Di ko gusto ang mga Hapon; napakasama naman nila!" wika ni Spud.

"Paalala lang mga bata, hindi lahat ng mga Hapon ay masama. Kadalasan ang gobyerno at kanilang militar ang nagpapatakbo ng kanilang bansa. May mabuti at masamang tao kahit saan at ang Diyos lang ang nakakaalam ng budhi ng bawat tao."

"Ok, naiitindihan ko na po, pero ano po ang mga sumunod na pangyayari?" wiki ni Filipinya.

"Bago bumagsak ang bansa, ang Pangulong Manuel Quezon ay gumawa ng "government-in-exile" sa Washington at nang siya ay pumanaw, si Bise-Presidente Sergio Osmeña ang naging pangulo. Siya ay bumalik sa Pilipinas kasama ang unang puwersang militar na ang pakay ay palayain ang Pilipinas. Nagulat ang mga Hapon sa pagdating nila sa Leyte noong Oktubre ng taong 1944, at isa pang pamahalaang Filipino ay naitatag sa Tacloban.

"Nakakalito naman po yan." wika ni Spud.

"Oo, anak; ang panahon ng digmaan ay parehong nakakatakot at nakakalito."

Tinuloy ni Tatay ang kanyang kinukwento. "Pagkalipas ng tatlong buwan, naganap ang pinakamalaking labanan sa dagat at ito ay ang Digmaan sa Golpo ng Leyte at ang Pangalawang Digmaan sa Dagat ng Pilipinas kung saan nawasak ang buong hukbong-dagat ng mga Hapon at ito ang nagbigay daan sa tagumpay at maipatupad ang pangako ni Heneral McArthur na siya ay babalik. Humihigit 425,000 na sundalong Hapon ay napatay sa Pilipinas sa loob ng apat na taon at sa ika-5 ng Hulyo 1945, napalaya na ang Pilipinas mula sa mga Hapon.

Nang matapos ni Tata yang kanyang kwento; ang dalawang bata ay nagsipalakpakan. Namangha si Spud sa husay ng mga pinuno at kung paano nila natalo ang mga hukbo ng mga Hapon at sinabi niya na paglaki niya, gusto niya maging isang matapang na sundalo. Si Filipinya ay nabigyan ng inspirasyon sa pagkakaisa at pagmamahal sa lupang sinilangan ng mga Filipino.

Makalipas ng ilang sandali, tumigil na din ang ulan at tuwang-tuwa ang mga bata na lumabas. TInanong ni Spud sa kanyang Nanay, "Pwede po ako makilaro sa mga kaibigan ko sa labas?"

Sagot ni Nanay, "Oo, magsaya kayo at mag-ingat!"

"Tatay, natutuwa ako na ibahagi itong kwento nyo po sa aking mga kaibigan, siguro makakabigay ito ng inspirasyon sa kanila."

Sumagot si Nanay, "Maganda yan anak, Maligayang Araw ng Kalayaan!"

Napasigaw si Filipinya, "Maligayang Araw ng Kalayaan, Nanay at sa lahat ng kapwa kong Filipino!"

Ang Pakikipagsapalaran ni FilipinyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon