Chapter 18

44 6 3
                                    

Bullying

Nakakalungkot isipin na ang paghahari-harian o pangbu-bully ay isa sa pinakamalaking problema sa mga paaralan ngayon. Ang mga batang siga ay pinahihirapan o tinutukso ang ibang mahihinang bata. Dahil sa mga batang ito, marami sa mga bata ang nawawalan ng gana na pumasok o iniiwasan ang assignaturang PE upang maiwasang mapahiya at lokohin ng mga bully.

"Magandang hapon mga bata."

"Magandang hapon din po teacher."

"Okay ang leksyon natin ngayon ay tungkol sa watawat ng Pilipinas. Alam niyo ba kung sino ang gumawa ng ating pambansang watawat?"

Wala ni isa sa mga estudyante ang nagtaas ng kanyang kamay.

Tinawag ng guro ang isang lalaking estudyante na hindi nakikinig sa leksyon.

Napakamot sa ulo ang bata at sumagot, "Mam, sa tingin ko po si Emilio Aguinaldo?"

Nagtawanan ang buong klase.

"Hindi yon ang tamang sagot", ang sabi ng guro.

Hiyang hiya ang bata.

"Mayroon ba sa inyong gustong tumulong sa kanya?" tanong ng guro.

Itinaas ni Spud ang kanyang kamay at sumagot. "Madam, si Marcela Marino de Agoncillo po ang nagtahi ng watawat ng Pilipinas. Katulong din po niya ang kanyang anak na si Lorenza at si Delfina Herbosa de Natividad".

"Very good, Spud." At nagpalakpakan ang lahat, maliban sa isang bata na hindi nakakuha ng tamang sagot. Sa halip na pumalakpak, pinagbantaan pa niya si Spud, "May araw ka rin sa akin, Spud".

" Ngayon naman, ating talakayin ang mga kulay ng ating watawat at ang sinisimbolo ng bawat kulay."

Isang estudyante ang nagulat at sinabi, "Wow, hindi lang po yun design?"

Isang estudyante naman ang sumigaw, "Uh.. duh!"

Nagtinginan sa kanya ang lahat ng estudyante at nagtawanan.

Pinatigil ng guro ang mga estudyante, "Tama na yan!" sabay kamot sa noo niya. "Bumalik na tayo sa ating leksyon. Ito ang ating Pambansang Watawat. Gaya ng nakikita niyo, mayroon itong iba't ibang kulay: bughaw, pula, puti, at dilaw. Ang bughaw ay sumisibulo ng kalayaan, kapayapaan, katotohanan at hustisya. Ang pula naman ay sumisimbolo ng katapangan at pagmamahal sa bayan. Ang puti naman ay sumisimbolo sa pagkakapantay-pantay at pagkakaisa. Ang walong sinag ng araw ay sumisimbolo sa walong probinsyang nag-alsa labang sa mga Kastila- ang Maynila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Laguna, at Batangas. Ang tatlong bituin naman ay kumakatawan sa tatlong pangunahing rehiyon- ang Luzon, Visayas at Mindanao. "

Nakita ng guro ang nakakatawang itsura ni Spud habang tinititigan niya ang nakaguhit. Tinanong siya ng guro, "Spud, ayos ka lang ba?"

Sumagot si Spud, "Ahmmn. Opo.. Opo... Mam."

Muling bumalik ang guro sa talakayan, "At ngayon naman, gusto kong gumuhit kayo ng watawat, kulayan niyo ito at gusto kong ipaliwanag ninyo isa isa dito sa unahan kung ano ang kahalagahan nito."

Gumuhit si Spud ng kanyang watawat. Pulido ang pagkakagawa niya at kabisado niya kung saan ilalagay ang mga kulay sa kanyang iginuhit. Ngunit bigla siyang nalito sa halo-halong pangkulay; sa halip na pula ang kanyang makuha ay kulay kahel ang kanyang nadampot.

Pagkatapos ng ilang minuto, natapos na ang mga estudyante sa pagguhit at oras na para isa-isang pumunta sa unahan ng klase para sabihin ang kahalagahan ng watawat. Napansin ng guro na ang lahat ng mga estudyante ay kinakabahan kaya't tinawag niya si Spud para magsimula na. Sinabi muna ni Spud ang kahalagahan ng watawat bago niya ipinakita ang kanyang iginuhit dahil natatakot siyang ipakita ito.

"Mahalaga po ang ating watawat dahil ito ay simbolo ng ating pagmamahal sa bayan. Ipinapakita nito na ipinagmamalaki natin na tayong mga Pilipino ay nakipaglaban sa mga mananakop upang makamit ang kalayaan. Nanalo tayo sa laban dahil sa ating pagkakaisa, pagmamahalan, at katapangan."

Tumango ang guro na nangangahulugan ng pagsang-ayon niya sa sinabi ni Spud. "Magaling Spud. Ngayon naman ay ipakita mo na sa amin ang iyong watawat."

Dahan-dahang itinaas ni Spud ang kanyang iginuhit at nagtawanan ang lahat ng estudyante. Maging ang isang estudyante pa ay sumigaw ng, "Hahahaha. Ano ba yan!"

Sinubukang patigilin ng guro ang mga estudyante sa pagtawa ngunit wala siyang magawa.

"Quiet!" sigaw ng guro.

Humingi naman ng tawad si Spud sa kanyang guro, "Sorry po Mam, Color blind po kasi ako."

"It's okay, maaari ka ng maupo."

Pagkatapos ng klase, bago pa man makalayo si Spud sa eskwelahan ay sinigawan siya ng isang grupo na kanyang mga kaklase, "Hoy Hipon! Saang bansa ka ba galing? Anong klaseng watawat yung iginuhit mo?!"

Nilapitan pa siya ng isang malaking bata at itinulak si Spud ng malakas ngunit hindi natumba si Spud. Ito ay isa laban sa apat. Nagkunwari si Spud na sumuntok siya at biglang kumaripas ng takbo pauwi sa bahay nila. Dahil sa bilis ni Spud, hindi na siya naabutan ng mababagal na batang siga.

Naalala kasi niya ang sinabi sa kanya ni Tatay. Sabi ni Tatay, sa buhay ay kailangan mo daw piliin ang iyong mga laban. Alam niya na kaya niyang labanan ang isa sa mga bully ngunit alam niyang lagi silang magakakasamang apat.

Pagdating ni Spud sa kanilang bahay, tumakbo ito sa kanyang kwarto at umiyak. Nakita siya ni Filipinya at itinanong kung anong nangyari. "Spud, anong nangyari?"

"Ate, sabihin mo nga sa akin kung sino kina Nanay, Tatay, Lolo at Lola ang color blind?" sigaw ni Spud.

Nagulat si Filipinya at sumagot, "Ha? Hindi ko alam."

"Naiinis ako sa mga mata ko Pinya, bakit ba ako color blind? Pinagtatawanan ako ng mga kaklase ko. Pati ung guro namin ay nadismaya sa ginawa ko ng dahil dito sa mga mata kong ito!"

"Hmmn, alam mo hindi mo dapat kainisan yang mga mata mo dahil ang kakayahan na makakita ay isang biyaya mula sa Diyos. Walang perpektong tao, ngunit mabilis ka namang matuto at saka magaling kang atleta. Wag mo na lang pansinin yung mga nanloloko sa iyo! Gusto mo ba maging ganito rin yung buhok mo?" tanong ni Filipinya. At sabay na tumawa ang magkapatid.

Narinig ni Nanay ang huling parte ng kanilang usapan at nalaman niya kung anong nangyayari. "Oo Spud, lahat naman ay tinutukso ng kung ano ano sa paaralan. Maging ako rin at si Tatay."

Sumagot naman si Spud, "Talaga po? Bakit po kayo tinutukso dati?"

"Sabi kasi nila hanggang noong grade four daw ako eh mali ang paraan ng pagbigkas ko sa letrang S, para daw itong "TH". Kinailangan kong magpraktis ng magpraktis sa bahay kasama ang inyong Lola hanggang sa natutunan ko na ring bigkasin ang Ssssssss,"

"Si Tatay naman, tinatawag siya nung mga bata na "Toro" dahil malaki siya at palagi siyang nakakasira ng kung ano anong bagay. Narinig niyo na ba yung kasabihan na, "Parang Toro sa isang tindahan sa China?"

Mukang lalong nalito ang mga bata.

"Spud, makinig ka kay Nanay. Si Coco ay tinutukso dahil sa kanyang mga tenga, si Treet naman dahil sa kanyang tangkad. Lahat naman ay tinutukso ng kung ano-ano.

Ngumiti si Nanay at umaasa na matututo si Filipinya sa kanyang payo.

Ang Pakikipagsapalaran ni FilipinyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon