Chapter 13

22 5 1
                                    

                                                                                 "Ang Kuweba"

Bilog ang buwan at kati ang tubig sa dagat kaya kitang-kita sa liwanag ang malawak na Enchanted River. At gaya ng nakasanayan, napakatahimik ng buong nayon. Kasalukuyang alas tres na ng madaling araw at andaling nakatulog maging ang mga baboy at manok. Wala na rin ang mga karaoke na tila yata napagod sa maghapong tugtugan sa masayang kapistahan. Ang mga nanay ay natulog na rin bago pa man magising ang kanilang mga sanggol. Ang mga aso ay nagsimula na ring managinip tungkol sa kanilang kakainin bukas. Bagay na bagay sa nayon ngayon ang kantang "In the Still of the Night".

Ngunit ang mga pusa ay nasa labas pa rin para manghuli ng mga daga. Paminsan-minsan ay nag-aaway ang mga pusa kaya nagigising ang mga taga-nayon. Gaya na lamang isang gabi sa bahay ng mga Santos, may dalawang pusa na na nag-away. Sa sobrang lakas ng kanilang away, ang dalawang pusa ba ay tila isang dosena sa dami.

Biglang nagising sina Filipinya at Spud.

"Ayos lang yan Spud, nag-away lang yung mga pusa."

Tinawag ni Spud si Nanay. "Shhhhshhhh, Spud matulog ka na ulit, aalis din yang mga pusa maya-maya," ang sabi ni Filipinya.

"Hindi ako makatulog, Ate..." biglang may kumatok sa dingding... "Ano yun?"

Bumulong si Coco at sinabi, "Guys, tara sa kuweba. Bilog ang buwan ngayon. Tara na, magdala kayo ng meryenda."

Humihilik si Tatay habang si Nanay naman ay mahimbing ang tulog.

Hindi makatulog sina Filipinya at Coco kaya dahan-dahan silang pumunta sa kusina at kumuha ng pagkain at tubig para sa kanilang adventure. Dahan-dahang isinara ni Pinya ang pinto at sumama kay Coco. "Tara, gisingin din natin si Treet."

At gaya ng nakasanayan, kumatok sila ng tatlong beses sa bintana ni Treet, senyales ito na si Filipinya ang tumatawag sa kanya. At kadalasan ang mga ganitong oras ay nangangahulugan ng isang bagay- ang kuweba. Ang mga mas nakakatandang bata ang nagturo kay Coco sa kapana-panabik na tradisyon na magkukwentuhan ng mga nakakatakot habang kumakain ilang taon na ang nakakalipas. Ngayon naman, pinamumunuan ni Coco ang apat papunta sa kagubatan, hanggang sa Enchanted River at hanggang sa lagusan papunta sa tabi ng bundok. Natatakpan ng mga halaman ang lagusan na ito.

Umupo sila sa naglalakihang bato, at nagsindi si Coco ng tatlong kandila. Sina Filipinya, Treet at Coco naman ay inilabas ang mga pagkain na ibinalot nila sa kumot. Bagamat nasisinagan ng liwanag ng buwan ang bukana ng kuweba, hindi ito sapat para umabot sa lugar na kinauupuan nila ang liwanag na ito.

Sinimulan na ni Coco ang pagkukwento. Huling linggo na ng Oktubre noon, at malapit na ang Undas," (biglang dumikit si Spud kay Filipinya)

"Kailangan nating mag-ingat at maghanda sa mga Aswang." Hinawakan ni Spud ang kamay ni Pinya habang si Treet naman ay tahimik na nakikinig.

Nagsimula si Coco noong 1960 sa Jagna, Bohol, Philippines.

Ang mag-asawang sina Ben at Belen ay nabiyayaan ng anak pagkatapos ng dalawang taon na pagiging mag-asawa. Kadalasan, ang mga kababaihan ay nanganganak sa tulong ng "hilot" o kumadrona.

At dumating na nga ang araw na pinakahihintay ni Belen. Kadalasan, ang hilot at isang katulong ay nasa kwarto. Ngunit sa araw na ito, nag-iisa lamang ang hilot. Pagkatapos ng ilang oras na labor, isinilang ni belen ang isang malusog na batang lalaki ngunit may kakaibang nangyari.

Pumasok si Ben sa kwarto upang kuhanin ang mga kumot na ginamit sa panganganak ni Belen, ngunit nagulat siya ng walang makitang bahid ng dugo.

Sandaling tumigil si Coco at nakita niyang nakatitig ang mga kaibigan niya sa kanya, at ipinagpatuloy ang pagkukwento.

Tinanong ni Ben ang hilot at tinanong kung anong nangyari. Itinaas ng hilot ang kanyang balikat at walang sinabi ni isang salita. Hindi nagtaka si Ben dahil tiwala ito sa hilot. Hindi niya ito binanggit sa kanyang pamilya.

Hindi nagtagal, unti-unti ng nanghina si Belen at naging maputla. Araw-araw pa ring bumibisita ang hilot sa kanilang bahay upang tingnan ang kalagayan ni Belen at ng kanyang anak. Hindi gaanong nagsasalita si Belen at hinang-hina ito pagkatapos manganak ngunit sabi ng hilot, ito ay normal para sa mga bagong ina.

Kinabukasan, nakita ni Ben ang kanyang asawa na hindi na gumagalaw o humihinga. Mapayapa siyang namatay kasabay ng pagkamatay ng kanilang anak.

Hindi na mahanap kung nasaan ang hilot. Kumalat ang mga balita sa nayon na ang hilot daw ay isang Aswang! Pinaniniwalaang ang aswang ang siyang sumisipsip sa dugo ni Belen at ng sanggol. Ang aswang ay nagpapanggap lamang na isang hilot.

Takot na takot sina Treet, Spud at Filipinya, magkakadikit na silang tatlo ng biglang sumigaw si Coco, "Huy tingnan nyo, ano yung nasa likod?"

Sumigaw si Spud at niyakap ni Pinya ang kanyang kapatid at sinabing nananakot lamang si Spud. Sinabi din niyang ang aswang ay wala sa kuweba o kung saan mang malapit na lugar.

Biglang nagsalita si Treet, "Hindi ako naniniwala sa Aswang! Gumagawa ka lang ng storya, Coco!"

"Hindi, narinig ko ang kwentong ito sa mas nakatatanda kong pinsan."

"Nandon ba siya nung nangyari yun? Nakita ba niya ung Aswang?" tanong ni Filipinya.

"Hindi pero ang sabi niya sa akin, ikinwento daw yun ng kanyang kuya."

"Whatever Coco. Walang Aswang." sabi ni Filipinya. "Mayroon akong kwento tungkol sa isang Encantada. Isang maputing babae na may ginintuang buhok na nagpapakita sa Enchanted River.

"Wala pa akong nakikitang ganyang klaseng babae, Pinya," sagot ni Coco.

"Hindi ka pa rin nakakakita ng Aswang diba? Nakita siya ng Lolo ko isang gabi sa tabi ng ilog. Ang sabi niya sa akin, nalunod daw yung Encantada kaya nagpapakita ito paminsan-minsan. Kumikinang daw ang buhok at balat nito sa ilalim ng buwan.

"Multo yun! Hindi ako naniniwala sa multo!" ang sabi ni Coco.

"Pero naniniwala ka sa aswang na nagpapanggap na kumadrona?"

Tumawa sina Filipinya at Treet habang si Spud naman ay naguguluhan kung alin ang paniniwalaan.

"Halika, pumunta tayo ngayon don. Bilog ang buwan."

Sinabi ni Spud, "Gusto ko ng umuwi, Ate. Tara na sa bahay."

"Oo nga, pagod na rin ako. Sa susunod na buwan nalang," sagot ni Treet.

Umuwi na ang apat na magkakaibigan. Dahan-dahan silang bumalik sa pagkakatulog, nagdadasal na sana'y hindi sila managinip ng nakakatakot.


Ang Pakikipagsapalaran ni FilipinyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon