Chapter 29

8 0 0
                                    

Unang Beses sa Mall


Malapit na naman ang pasukan kaya't ang mga magulang at guro ay nagsimula na sa "Brigada Eskwela".

Habang naglilinis ang mga magulang, napag-usapan nila na isang magandang sorpresa para sa mga bata bago sila bumalik sa paaralan. Naisip ni Nanay Santos na dalhin ang mga bata sa mall para mamili ng mga gamit sa paaralan. Nagpasya naman ang ibang magulang na sumama dahil ang iba sa kanila ay hindi pa nakakapunta sa mall. Tatlumpung minuto ang byahe sa bus para makapunta sa mall.

Napagpasyahan nila na sa darating na Biyernes umalis. Pagdating na pagdating ni Nanay sa bahay, excited siyang sinabi kina Filipinya at Spud ang kanilang plano. Maligayang maligaya naman ang mga bata.

"Mga bata, matulog na kayo at maaga tayong aalis bukas."

"Nanay hindi na po kami mga bata. Grade 7 na po ako sa pasukan. Si Spud na lang ang bata sa amin," panunukso ni Filipinya.

"Whatever, Pinya. Tingnan na lang natin bukas kung sino talaga ang bata?"

Kinabukasan, maagang nagising sina Spud at Filipinya para maghanda sa kanilang pamamasyal sa mall. Si Nanay naman ay gumawa ng mga sandwich at meryenda. Nagdala rin siya ng sobra para kay Treet.

Pagdating nila sa mall, nairita ang mga batang babae dahil ang ingay na dulot ng arcade sa may entrance ng mall. Maririnig agad ang malalakas na tunog ng kotse, baril at mga suntukan sa nilalaro ng mga batang lalaki. Ngunit kabaligtaran ang naramdaman ng mga batang lalaki, lalong lalo na si Spud. Tuwang tuwa agad siya ng makita ito. Pinanood niya kung paano ito pinapagana. Nakita niya na naghuhulog ng barya sa butas ng machine. Akala ni Spud ay ito ay katulad ng ordinaryong piso na ginagamit niya sa pagbili sa sari-sari store. Nakita ni Tatay ang kanyang anak at sinabi, "Halika Spud, sumama ka sa akin at bibili tayo ng token para makapaglaro ka."

Bumili si Tatay ng P100 na tokens at sinubukan nila ni Spud ang karera ng mga kotse, basketball at maging ang dance pad. At gaya ng inaasahan, natalo ni Spud si Tatay sa lahat ng laro. Nagsilbi itong bonding para sa mag-ama. Masaya si Nanay na pinagmamasdan ang mag-ama.

Pagkatapos nilang maglibot sa unang palapag ng mall at kumuha ng mga litrato, nagpasya sila na umakyat sa ikalawang palapag. Nakita ni Filipinya at Spud na sumasakay ang mga tao sa umaakyat na hagdan. Humakbang na sina Nanay at Tatay para sumakay ng escalator ngunit hindi sumunod sa kanila ang mga bata. Takot na takot ang mga bata kaya sinabihan sila ni Tatay na "ihakbang niyo lang ang isa niyong paa, tapos isunod niyo yung isa namang paa. Tumayo lang kayo at kumapit hanggang sa makarating sa ikalawang palapag."

Sinunod naman siya ng mga bata at nakarating sila sa ikalawang palapag ng matiwasay. Walang nabalian ng paa o nabungi. "Pero mag-iingat pa rin kayo at kumapit kayo palagi upang maiwasan ang aksidente. Wag niyo lang kalimutan ang inyong balance at focus lalong lalo na pagbaba natin mamaya. Hindi kayo dapat malaglag sa escalator!"

Sa ikalawang palapag, nakita nila ang bookstore at nagsimula na silang maghanap ng mga libro na nasa listahan. Abalang abala si Nanay sa pagkumpleto ng kanyang listahan para sa mga bata. Hinayaan niyang mamili ang mga bata ng kanilang nais na disenyo para sa kanilang mga notebook, lapis, bolpen, pencil case, folder at ang pinakaimportante sa lahat—ang kanilang backpack.

Pagkatapos nilang mamili, nasasabik na ang mga bata sa pasukan upang magamit ang kanilang mga bagong gamit. Kumain sila ng kanilang paboritong chicken, spaghetti at sundae. Pagkatapos non ay nagsimula na ulit silang maglibot sa mall. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay napahiwalay sila sa kanilang mga magulang.

"Pinya, asan na tayo?" natatakot na tanong ni Spud sa kanyang ate. Si Spud ay kilala sa kanyang pagiging adbenturero ngunit ng makita niya ang libo libong tao sa paligid niya. "Sa naaalala ko sinabi nila na pumunta tayo sa entablado sa unang palapag diba?" Dali-daling bumaba ang magkapatid sakay ng escalator. At nakita na nga nila sina Nanay at Tatay. Yumakap agad ang magkapatid sa kanilang mga magulang na tila ba nabunutan sila ng tinik sa dibdib.

"Nag-alala kami sa inyo mga bata. Sinabi ko na sa inyo na wag kayong lalayo sa amin," pagpapangaral ni Nanay.

"Sorry po Nanay. Hindi na po naming uulitin, pangako"sagot ni Filipinya.

Nung oras na para umuwi, napagdesisiyunan nila na sa elevator sumakay para mas mabilis ngunit pinindot ni Spud lahat ng palapag kaya patigil tigil din sila. Pagod na pagod ang lahat.

Naisip nila Nanay na tama na isinasama nila ang mga bata sa kanilang pamimili para makita nila kung gaano kamahal ang mga bilihin. Isang paraan din ito para ingatan at pahalagahan nina Spud at Filipinya ang kanilang mga gamit. Makakatulong din ito para magsilbing motibasyon ng mga bata para mag-aral ng mas mabuti.

Bumili rin si Nanay ng dalawang set ng extra na mga gamit sa paaralan para ibigay sa mga batang kapos-palad.

Nung bumukas ang pintuan ng elevator sa ikalawang palapag, napatulala si Filipinya ng makita niya ang isang matangkad na lalaki na may ginintuang buhok at asul na mata. Tumitig din ang lalaki sa kanya at ngumiti. Tumuntong siya papasok sa elevator at tumayo sa tabi ni Filipinya. Pagdating nila sa unang palapag, nakita nila ang isang mag-asawa na naghihintay at nagsalita sa Australian accent, "Oh, Kiki, we have been waiting for you."

Bago lumabas ng elevator si Kiki, lumingon siya at kumindat kay Filipinya.

Nakita ito ni Tatay at sinabi, "Nanay nakita mo bang kumindat yung batang lalaki kay Pinya? Ano bang nasa isip niya?"

Bumulong si Nanay at sinabi, "Ang ating munting anak ay nagdadalaga na."

Bumilis ang tibok ng puso ni Filipinya at ang tiyan niya at tila ba puno ng mga paru-parong nagliliparan. 

Ang Pakikipagsapalaran ni FilipinyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon