Chapter 30

10 0 0
                                    

Araw ng mga Puso

Ang Araw ng mga Puso ay isang mahalagang araw para sa mga Pilipino at ito rin ang araw kung saan ang lahat ay abala sa pagtatago ng kanilang sorpresa sa kanilang mga minamahal. Kadalasan ito ay mga bulaklak, pulang lobo, tsokolate at teddy bear. Naglipana rin ang mga mag-irog sa mga kainan at hotel. Pero para sa mga single, ang Araw ng mga Puso ay isang malungkot at mapait na araw.

Gaya ng nakasanayan, sina Tatay at Nanay ay naghapunan sa hardin na puno ng kandila. Mas pinili nila ang ganitong selebrasyon para makaiwas sa mataong at siksikang lugar. Si Nana yang nagluto ng pagkain habang si Tatay naman ang naggayak ng hardin para makatipid.

Si Lolo at Lola ay piniling maglakad sa taniman ng sampaguita upang alalahanin ang masasaya nilang alaala nung mga nakaraang dekada. Naghanda si Lolo ng isang tula at umawit ito sa harap ng kanyang mahal. Si Lolo ay may nakatagong gitara sa likod ng puno at ibinigay niya ang kanyang regalo para kay Lola- isang malaking kwintas ng sampaguita. Nanlaki ang mata ni Lola ng makita ang kanyang asawa na may hawak na gitara. Nagsimula na siyang tumugtog at binasa ang kanyang komposisyon para kay Lola. Hindi naiwasang mapaluha ni Lola dahil pakiramdam nila ay sila ay bumalik sa kanilang kabataan.

Pagkatapos ng tula ay hinalikan ni Lolo si Lola, hinawakan ang kanyang kamay at sinamahan siya sa bagong daan. Akala ni Lola ay may itinatago si Lolo na isa pangmalaking kwintas ng sampaguita, ngunit ang nasa paligid lamang ay isang malawak na taniman. Napansin ni Lolo na napapaisip si Lola.

"Mahal ko, hayaan mo akong magpaliwanag. Kaya kong kumuha ng isang daang bulaklak ng sampaguita para maigawa ka ng isa pang kwintas ngunit malalanta rin ito pagkatapos ng ilang araw. Pagmasdan mo itong bagong taniman ng sampaguita. Alam kong darating ang araw na mamumunga ang taniman na ito ng maraming sampaguita. Taon taon itong mamumunga at masasaksihan ito ng ibang tao kahit na tayo ay lumisan na.

Mapapakinabangan pa ito ng ating mga mahal sa buhay. Maaalala nila tayo at ang pagmamahalan natin na hindi nawawala kailanman.

Napaluha si Lolo at sinabing, "Happy Valentine's Day."

"Hindi, mahal ko, Happy Valentine's Life," sagot ni Lola sabay yakap sa pinakamamahal na asawa. Para sa mga kabataan, ang Valentine's Day ay hindi araw para kiligin kundi para sa mga emosyonal, bitter at sawi. Kaya naisipan nina Treet at Pinya namagpalit ng ayos ng buhok at pananamit para makaakit ng mas maraming lalaki at mas maraming matanggap na card, bulaklak at tsokolate.

Walang pakialam si Spud sa Araw ng mga Puso kaya naman pagdating niya sa paaralan ay wala siyang kahit anong dala. Sinabi ng isa niyang kaklase. "Duhhh. Valentine's Day kaya ngayon, nakalimutan mo ba Spud?"

" Oo. Nakalimutan ko. Dapat pala bumili ako ng regalo para sa girlfriend ko."

Ang lahat ay nagtawanan sa sinabi ni Spud, " Wala ka namang girlfriend Spud. Wag kang mangarap!"

"Meron akong girlfriend! Taga ibang school nga lang siya."

Sumigaw ang isa niyang kaklase, "Ehh talaga? Anong pangalan?"

Bigla namang tumunog ang bell ng paaralan hudyat na simula na ng flag ceremony.

Sa isip ni Spud, Wew, salamat naman at ako'y iniligtas ng bell.

Sabay na kumain ng tanghalian sina Filipinya at Treet. Nag-uusap sila kung anong regalo ang matatanggap nila at kung kanino ito manggagaling. Bigla namang lumapit si Kiki kay Filipinya!

" Hi ulit Filipinya. Binili ko nga pala ito para sayo." iniabot ng batang lalaki ang isang kahon ng tsokolate para kay Filipinya at dali dali na itong umalis.

Ang Pakikipagsapalaran ni FilipinyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon