Chapter 15

23 5 1
                                    

"Ang Pasko sa Nayon"

Alam natin na ang alamat ni Santa Claus ay patuloy na nabubuhay sa mga puso at isip ng mga bata. At gaya ng nakasanayan, ang mga bata ay nag-aasam ng maraming regalo taon-taon. At kung hindi man marami ang matanggap nila, umaasa sila na baka sakaling sa susunod na Pasko ay mas marami na ito. Pinaniniwalaang si Santa Claus ay nakasakay sa paragos o sleigh na hila-hila ng mga lumilipad na raindeer. Naglilibot ito sa buong mundo tuwing bisperas ng pasko, December 24, habang natutulog ang mga bata para gigising sila sa araw ng Pasko na maraming nag-aabang na regalo at sorpresa.

Naniniwala sina Spud at Filipinya kay Santa Claus dahil taun-taon ay paulit ulit ang mga kwento ni Tatay tungkol dito. "Isabit ninyo ang inyong mga medyas para pupunuin yan ng regalo ni Santa at ng mga alagad niya!" Sabik na sabik ang mga bata sa tuwing sasabihin ito ni Tatay, sa katunayang nga ay sa unang araw pa lang ng Disyembre ay isinasabit na nila ito.

Lalo ng nasabik si Spud ng marinig niya ang mga salitang "HO HO HO... Merry Christmas!" habang siya ay natutulog. Gabi-gabi tuwing Disyembre ay tinitingnan niya ang kanyang medyas pero lagi itong walang laman. Kaya naman naisipan niyang humiling sa mga tala ng isang medyas na puno ng regalo at kendi, at maraming regalo sa ilalim ng Christmas tree.

"Wag kang mag-alala Spud, habaan mo pa ang iyong pasensya. Palaging dumadating si Santa Claus tuwing bisperas ng Pasko. Hindi mo pwedeng baguhin ang kanyang schedule dahil marami rin siyang ginagawa," ang sabi ni Filipinya.

Kalimitan sa mga taga Nayon ay nagsisimbang gabi- ito ay ang siyam na araw na misa bago sumapit ang Pasko. Tuwing ika-23 ng Disyembre, ang buong pamilya Santos ay naghahanda ng kanilang tradisyonal na putahe tuwing Noche Buena- hamon, kanin at gulay. Pagsapit ng alas dose ng madaling araw, nagsisimula na ang chibugan! Ang buong nayon ay nasasabik at nagkakagulo sa masaganang araw na ito.

Nung gabing iyon din ay nanatiling gising sina Spud at Filipinya at bigla silang may narinig na kalabog mula sa bubong. "Ate, ano yun? Si Santa ba yon?" Kumabog ang dibdib ni Spud. Tumingin si Filipinya sa labas ng bintana at nakita ang kumakaway na si Coco. Nagbabahay-bahay si Coco at naghahagis ng bato sa mga bubong para lokohin ang mga kapwa nya bata. "Hindi Spud, si Coco lang yun. Nanloloko siya. Matulog ka na."

Pagkalipas ng ilang oras, hindi pa rin mapakali ang mga bata. Tinapik ni Spud sa noo at sinabi, "Gising ka ba, Pinya?"

"Nagising na ako, Spud! Bakit?"

"Halika, tingnan natin yun!" hinila ni Spud ang kanyang kamay. Dahan-dahang bumaba ang mga bata sa hagdan at nakitang puno na ang kanilang mga medyas. Kinuha ni Spud ang ilang piraso ng prutas at sumimangot, "Hindi naman mansanas, lanzones at grapes ang hiniling ko kay Santa! Ate, gusto ko ng maraming maraming kendi. Yun ang hiniling ko".

"Pero wala akong magagawa doon, Spud."

"Sa tingin mo ba narinig ni Santa ung mga hiling ko?"

"Hindi ko alam Spud, pero yung iba kong mga kaibigan ay nagsusulat ng liham para sa kanya. Baka dapat magsulat din tayo?"

"Tama! Mahaba ang listahan ko!" sagot ni Spud.

"Sandali, may naisip ako Spud. Baka dapat hindi tayo matulog magdamag para kapag bumalik si Santa para ibigay yung mga regalo para sa atin, makakapili tayo dun sa laman nung malaki niyang bag! Makukuha na natin yung gusto nating regalo!"

"Ate, saan ba nanggaling ang mga Christmas tree?"

"Hindi ko alam Spud. Ang dami mong tanong!"

Humiga ang dalawang bata sa sofa para antaying ang masayahing matabang lalaki na mayroon mahabang balbas at nakasuot ng pulang damit. Gusto rin ni Filipinya na makita at himasin ang mga raindeer dahil wala pa ni isa sa mga taga nayon ang nakakita rito. Sinubukan ng dalawa na hindi matulog, ngunit unti-unti ng bumigat ang kanilang mga bata at tuluyan ng pumikit pagkatapos ng ilang minuto.

Ang Pakikipagsapalaran ni FilipinyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon