Chapter 26

48 1 0
                                    

Ang Proyekto ni Filipinya sa mga Tula

Isang Biyernes ng gabi, napansin ni Spud na si Filipinya ay nag-aalala at balisang-balisa.

"Ahmm... Pinya, okay ka lang ba?"

Sinabi ni Filipinya ang bumabagabag sa kanya. "Ang aaralin kasi namin sa English ay tungkol sa mga tula. Binigyan pa nga kami ng aming guro ng proyekto, at hindi ko ito maintindihan."

"Ano!? Pero ang galling mo sa English! Isa ka sa mga pinaka-magagaling na estudyante!"

"Oo, pero ang mga tula ay iba sa gramatika. Ang pagbabasa, pagsusulat at pagsasalita ay mga madadaling leksiyon, pero ang mga tula?"

"Matalino ka naman, e di maghanap ka lang ng mga halimbawa."

"Kaya kong magbasa ng mga tula kaso hindi ko alam kung paano magsulat ng isa."

"Ang proyekto mo ay magsusulat ka ng tula?"

"Oo, pero hindi siya madali kasi may paksa na ibinigay sa amin."

"Hmmm... Ate, may nakalimutan ka. Si Lolo ay nagsusulat ng mga tula!"

"Oo nga! Pupunta ako kay Lolo bukas para tulungan ako."

Sabi ni Spud, "Ano? Bakit hindi na lang magpagawa sa kanya ng isang tula para sa iyo?"

"Spud, proyekto ko to, dapat ako ang gagawa nito kasi gusto ko pang matuto kung paano sumulat ng mga tula."

Noong sumunod na araw, dumating si Lolo Santos para tulungan si Filipinya sa kanyang proyekto. Sinabi ni Lola ang lahat tungkol sa proyekto ni Filipinya and nakita niya na tuwang-tuwa si Lolo dahil tutulungan niya ang kanyang apo sa kanyang proyekto sa tula. "Totoo? Gusto ko talagang ipamana itong talent sa isa sa aking mga apo at natutuwa ako si Filipinya ang magmamana nito.

"Sinabi na ng Lola mo ang tungkol sa iyong proyekto, at oo, nasasabik akong turuan ka. Punta tayo sa hapag mamaya pagkatapos nito malinisan.

Pagkatapos ng tatlumpung minuto, si Lolo at si Filipinya ay nakaupo sa may hapag. "Pinya, handa ka na ba maglikha ng iyong unang tula?"

"Opo, at nasasabik akong matuto!"

Ang tula ay ang komunikasyon ng mga ideya, mga pangyayari at mga emosyonal na karanasan sa pamamagitan ng sukat, tugma at paglalarawan sa isang mapilit na binuong balangkas na may sukat batay sa pamamaraan ng paggamit ng ritmo.

"Uh, pero parang komplikado po naman niyan, Lolo!"

"Di naman talaga. Una, dapat alam na alam moa ng iyong paksa. May mga nagsusulat ng tula na isinusulat muna ang pamagat bago ang mga nilalaman nito para ang tula ay naaayon sa pamagat. Pero, paminsan; mas maganda na isulat mo muna ang tula bago mo isulat ang pamagat nito." Sabi ni Lolo.

"Lolo, pwede po bang paikliin niyo na lang po ang pagpapaliwanag para masimulan ko na po?"

"Dapat gamitin mo ang iyong inspirasyon na hango sa iyong mga karanasan sa buhay at ang iyong imahinasyon; lagyan mo ng simbolismo ang iyong mga kuwento at gumamit ng mga salita na tumutugma para mabuo mo ang mga salita sa bawat pangungusap, bigyan mo ng emosyon ang iyong mga tula at wag mag-alala dahil pwede mo naman baguhin ang iyong tula hanggang ikaw ay masaya na sa nilalaman ng iyong tula.

"Parang masaya po yan, Lolo!"

"Oo, ipapakita nito ang iyong pagiging malikhain. Pero, hindi naman lahat ng mga tula ay kinakailangan na magkatugma o kinakailangan na may sinusundan na anyo. Ang tawag naman ditto ay ang mga "free verse poem" o mga malayang taludturan.

Ang Pakikipagsapalaran ni FilipinyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon