Chapter 6

45 8 1
                                    

Ang Unang Araw sa Paaralan

"Ate, hindi ako makatulog. Ayokong pumasok sa school bukas," bumulong si Spud.

"Wag kang mag-alala Spud, magiging okay ka lang. Makakakilala ka ng maraming kaibigan don, makikita mo. Kaya matulog kana," Pinakalma ni Filipinya ang kanyang nakababatang kapatid.

"Pero Ate Pinya..."

"Wala ng pero pero Spud, sabay tayong maglalakad papasok sa school bukas at panigurado magiging masaya tayo bukas. Kilala ko yung guro mo na si Ms. Sanchez, sobrang bait non."

"Ewan ko. Pero natatakot pa rin ako."

"Eh sabay naman tayong kakain sa tanghalian. Tapos kasabay rin natin si Coco pauwi. Magtiwala ka sakin, magiging maayos ang lahat."

Mukang mas maingay ang nayon ngayong gabi dahil sa kahabaan ng gabi. Si Filipinya ay nasasabik sa kanyang unang araw sa Unang Baitang, bagong guro at mga bagong kaklase. Nung summer class ay nagkaroon na si Filipinya ng ilang mga bagong kaibigan, at alam niya na nasa tabi niya lang si Treet. Ngunit si Pinya ay nababahala sa kanyang Ingles, nahihirapan siya dito at madalas iniisip niya kung bakit kailangan niya itong pag-aralan. Palagi na niyang naririnig ang Ingles, ngunit maging sa pagsasaulo ng Tagalog, ang pambansang lenggwahe ay nahihirapan siya. "Bakit kasi hindi nalang Bisaya ang maging salita ng lahat", madalas niyang tanong sa sarili.

Ngunit ang isang mahabang gabi ay nagtapos na ng magising ang mga bata sa tawag ni Nanay, "Mga bata, gumising na kayo at maghilamos. Handa na ang agahan, oras na para pumasok sa paaralan."

Nakakain na si Tatay ng agahan, nainom na rin niya ang kape. Handa na ang kaniyang tanghalian na dadalhin niya sa trabaho. Madalas, nakaalis na si Tatay bago pa man bumaba ang mga bata para sa almusal.

Nung bumaba si Spud, bumulong siya kay Nanay. "Nanay, pwede niyo po ba akong samahan sa school ngayon?"

"Hayy Spud, tapos na akong mag-aral. Ngayon, oras mo naman para ikaw ang mag-aral. Magugustuhan mo din yun, gaya ng ate mo. Oh mga anak, eto na yung bago niyong backpack. Kumpleto na ang mga gamit niyo dyan at meron na ring pagkain sa loob para sa meryenda niyo."

Hindi na lalo maipinta ang saya sa mukha ni Filipinya, lalo na siyang nasabik na pumasok, "Wow, Spud tingnan mo tong mga to! Salamat po Nanay!"

"Walang anuman, Pinya."

Hinawakan ni Filipinya ang kamay ni Spud at pinangako na magiging masaya ang araw na ito. Naghanda na ang mga bata at lumabas na ng pinto.

Hindi lang si Spud ang kinakabahan sa unang araw niya sa paaralan. Habang naglalakad si Filipinya at Spud papunta sa paaralan, nakita nilang tumatakbo si Coco para makahabol sa kanila. Seryoso ang mukha niya.

Tinanong siya ni Filipinya, "Ayos ka lang ba Coco?"

"Narinig ko kasi na ang bagong guro ko ay sobrang strikta tapos ang dami rin nyang binibigay na homework, lalong lalo na sa English."

"Alam mo Coco, lahat tayo kailangan nating pumasok sa school para matuto ng maraming bagay at para makakuha rin tayo ng magandang trabaho balang araw."

"Hindi ko naman kailangan magtrabaho. Balang araw, magkakaron ako ng sarili kong banda!" ang sabi ni Coco.

Tumawa ang mga bata.

"Makikita niyo! Balang araw, panonoorin niyo ko sa entablado!" malakas na sinabi ni Coco.

"Talaga, parang si Michael Jackson?" panunukso ni Filipinya.

Nagsimula ng magsayaw ng "moonwalk" si Coco sa kalsada, "Oo, katulad ni Michael Jackson!"

"Huy ayan na may tricycle na! Sumakay na tayo," sabi ni Filipinya, "o baka gusto mong mag-moonwalk hanggang sa school, King of Pop?"

Ang Pakikipagsapalaran ni FilipinyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon