Chapter 20

31 6 1
                                    


Reyna Filipinya?

Ang mga taga-nayon ay naghahanda na para sa "Flores de Mayo". Ito ay isang tradisyon ng mga Katoliko para magbigay galang sa Mahal na Birheng Maria. Tuwing buwan ng Mayo, nag-aalay ng mga bulaklak ang mga Katoliko sa Birheng Maria. Sa Espanyol, ang salitang flores ay nangangahulugang bulaklak.

Maya maya'y biglang nagdilim ang kalangitan na tila ba uulan. Nagsimula ng umambon at tila ba bumubukas na ang langit. Sa katunayan nga ay tila ba nag-iipon ang Diyos ng maraming maraming tubig mula sa karagatan at ibinuhos ito lahat sa nayon.

Pinaniniwalaang ang unang ulan tuwing Mayo ay may bendisyon o banal. Kung gayon, napakaswerte ng mga taga nayon dahil bumubuhos ang ulan ngayong "Agua de Mayo".

Nang humihina na ang ulan, nagsimula ng lumabas ang mga taga nayon sa kalsada at naligo sa ulan ang mga bata gaya ng nakasanayan. Masayang nagsasayaw ang mga bata at matanda sa ulan. Alam nating lahat na ang ulan ay bumubuhay ng mga puno, halaman, bulaklak; at naglilinis ng hangin at mga daan, at nagbibigay ng malinis na tubig. Ang ulan ay nagsisilbing buhay. Ngunit alam din natin na ang labis na pag-ulan ay delikado rin. Ang labis na pag-ulan ay maaaring magdulot ng matindi at nakababahalang pag-baha.

Nagsimula ng maglista ang mga hermano at hermana ng mga pangalan ng gustong mag-ambag ng pagkain o pera. Iniutos ng punong abala na isulat ito sa isang buong papel. Ang mga hermano at hermana rin ay may iba't ibang papel para sa pagdiriwang. Mayroong mag-aayos ng mga pagkain at palaro, kukuha ng mga reyna at maggagawa ng mga dekorasyon at palamuti sa kalsada.

Sa unang araw ng pagdiriwang, dinasalan ng matatanda ang pagkain at nagsimula na silang magkwentuhan at magbigay ng mga opinyon at ideya na makakatulong sa pagpapaganda ng pagdiriwang.

Kumakain sina Filipinya, Coco, Treet at Spud nang biglang lumapit sa kanila ang isa sa mga hermana.

"Hi Filipinya and Treet, gusto niyo bang maging reyna para sa darating na Flores de Mayo?"

Nag-aalangan si Filipinya habang tuwang tuwa naman si Treet ng marinig ang tanong sa kanila. Dali daling sumagot si Treet ng "Opo. Pwede po kaming maging mga reyna!"

"Magaling! Ngunit kailangan ko munang humanap ng kapareha ninyong dalawa," ang sabi ng hermana. Tumingin siya sa paligid ngunit wala siyang makitang nababagay na kapareha para sa dalawa. Napatingin si Treet sa mesa na mayroong mga inumin, at sakto namang naandon si Coco. Napansin ito ng hermana at sinabi, "Sige tatanungin ko yung batang lalaki na iyon." Nilapitan niya si Coco at hinawakan sa balikat. Bumulong ito kay Coco at tumingin siya sa mesa na kinauupuan ng dalawang babae.

Nakita naman ito ng mga dalawang batang babae at kinawayan si Coco bagamat hindi sila sigurado kung sa kanila nga nakatingin si Coco.

Nasasabik sina Treet at Filipinya na ibalita sa kani-kanilang mga nanay ang magandang balita ngunit abala ang mga nanay nila sa pakikipagkwentuhan.

"Nanay, isa po ako sa mga napiling reyna para sa Flores de Mayo! Bumili na po tayo ng magandang gown!" ang sabi ni Treet.

"Ako din po", dagdag ni Filipinya.

"Wow! Magandang balita yan mga bata" ang sabi ni Nanay Santos. "Pinya, anong gusto mong kulay para sa iyong gown?"

Tahimik lang si Filipinya at tumingin ito sa sahig. "Hindi ko po alam Nanay. Maaari na po ba tayong umuwi ng bahay ngayon?" tanong niya.

"Sige Pinya, uuwi na tayo. Masama ba ang pakiramdam mo?"

"Hindi po, ayos lang po ako. Gusto ko lang po talagang umuwi" sagot ni Filipinya.

Ang Pakikipagsapalaran ni FilipinyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon