Chapter 22

20 8 1
                                    


Isang Araw sa Dalampasigan

Isa na namang mainit na araw sa Enchanted River, ngunit sa araw na ito, napagpasyahan ng mga bata na pumunta sa dalampasigan na may puting buhangin. Para kay Filipinya at sa kanyang mga kaibigan, ang puting buhangin ay nangangahulugang pagbuo ng mga kastilyong buhangin. At siyempre, kasama nila ang kanilang mga magulang papunta sa dalampasigan para alalayan sila sa pagsakay sa bangka. Ang mga magulang rin nila ang magsisilbing hurado sa pagpili ng pinakamagandang kastilyong buhangin.

Gumawa si Spud ng isang tulay at sinabi niya na ang sino mang dadaan sa kanyang tulay, ay kailangang magbayad. Tinawag niya itong "Tulay Patungo sa Kinabukasan". Si Treet naman ay gumawa ng isang kagubatan na maraming puno. Mayroon din itong isang maliit na ilog na dumadaloy sa kanyang kagubatan. Si Coco naman ay gumawa ng replika ng "The Hollywood Bowl"ng California. Sinabi pa niya na balang araw, "Lahat kayo ay bibili ng mga ticket para manood sa pagtugtog ng banda ko". Si Filipinya naman ay gumawa ng tradisyunal na kastilyong buhangin na mayroong apat na tore sa bawa sulok, pinalibutan niya ito ng tubig upang hindi makapasok ang mga kaaway.

Binuksan ni Nanay ang apat na malalaking kahon ng pagkain. Inihain niya ang lechong baboy, at ang paborito ni Filipinyang oxtail, fruit at macaroni salad, inihaw na isda, kinilaw na isda, nilabong kamote, nilabong mais, sweet and sour na alimango, saging, niyog at maraming maraming kanin. Ang mga pagkaing ito ay kasya sa halos 30 na tao ngunit 12 lang naman sila noong araw na iyon.

Pinangunahan ni Tatay ang panalangin bago kumain. "Oh Panginoon namin, marami pong salamat sa lahat ng biyayang ibinibigay Ninyo sa amin. Salamat po sa magagandang bagay na Inyong nilikha gaya ng magandang dagat na ito na punong puno ng mga isda. Nawa po ay maabutan pa ito ng mga susunod na henerasyon gaya ng aming nasaksihan ngayon. At higit sa lahat, marami pong salamat sa sweet and sour na alimango! At sumagot ang lahat ng, "Amen."

Pagkatapos ng isang oras, matapos ayusin ang mga plato, basura at ang mga natirang pagkain, nag-aya si Nanay na maglaro ng "Hanapan" o scavenger hunt. Sumigaw naman ang mga bata, "Oo nga! Maglaro tayo noon!"

"Ok hatiin natin sa dalawang grupo. Nagdala ako ng mga star para sa Team Star, at eto namang mga araw ay para sa Team Sun. Sinong gustong sumama sa team ko?"

Sabi ni Tatay, "Eh kung gawin nalang natin na men vs women? Tara boys! Talunin natin yang mga munting babae na yan!"

"Bring it on Santos!" ang sagot ni Nanay habang minamaliit si Tatay.

At napagkasunduan nga na anim na lalaki versus anim na babae. Na kina Lolo, Tatay, Coco, ilang mga kaibigan, at Spud ang lakas. Ngunit sina Lola, Nanay, Treet, Filipinya, at ilang mga kaibigang babae ay matatalino.

Ibinigay na ni Nanay ang listahan ng mga kailangang hanapin at sinabi niya na ang mananalong team ay magiging hari o reyna para sa araw na iyon. At ang mga talunan naman ay magiging alipin. Pumayag ang lahat at nagkasundo.

Dagdag pa ni Nanay, "Isang batas ay bawal ninyong sundan ang inyong mga kalaban. Kailangang pumunta ang dalawang team sa magkabilang direksyon. Magsisimula ang laban kapag pumito na si Spud at kailangan nating bumalik dito pagkatapos ng 45 minuto. Ang may pinakamaraming mahanap na bagay na nasa listahan ay magiging reyna sa buong araw."

"Uh, baka Hari sa buong araw ang ibig mong sabihin Nanay!" pilit na kumontra si Tatay.

"Whatever Santos!" sagot ni Nanay. "Spud, simulan na natin ang laban!"

Pumito na si Spud at binasa na ng mga team ang kanilang listahan: sanga ng kahoy, starfish, oyster shell, seaweed, butil ng itim na buhangin, isang puti, brown at gray na bato; tuyong sanga ng puno ng niyog, saging, bulo at isang alimango.

Sumigaw si Spud ng "Ready, set..." at sinubukan niyang pumito ngunit walang tunog na lumabas sa pito, puro hangin lang.

Tumigil ang dalawang team at nagulat.

"Subukan mo ulit, Spud" sabi ni Tatay.

"Ready, set..." Sinubukan ni Spud na pumito ng mas malakas ngunit wala talagang tunog.

Napahiya si Spud at biglang namula ang kanyang mukha.

"Akin na yan Spud, ako na ang gagawa niyan," sabi ni Lola.

Hinipan ni Lola ang pito at sumigaw si Lola ng" "Ready, set..." at pagkatapos ay inilagay ni Lola ang kanyang mga daliri sa kanyang bibig upang makagawa ng malakas na pito at sumigaw, "Tara na Team Sun!" Naghiwalay na ang dalawang team at tumakbo para hanapin ang mga kailangan.

Nilibot at naghukay sila sa dalampasigan para makakuha ng kailangan ngunit kinailangan din nilang maghanap sa mga puno para makahanap ng mga prutas. Ang pinakamahirap sa lahat ay ang starfish, at isa pa, tumatakbo ang oras.

Sinabi ni Filipinya sa mga kasama na baka kailangan nilang bumalik sa lugar kung saan sila nagsiga ng kahoy para dalhin ang mga nakolekta nilang gamit maliban sa starfish na malamang ay hindi pa rin nahahanap ng Team Star. Nagkasundo ang mga babae at dali-daling naglakad pabalik. Pagdating nila don, nakita nila na nakaupo na ang mga lalaki.

"Bakit ang tagal niyo girls?" tanong ni Tatay.

"Oo, tingnan natin kung sino ang mananalo", sagot ni Nanay.

Isa isa nilang inilabas ang kanilang mga nakuha mula sa kanilang bag. Nung una ay parehong pareho sila ng mga nakolekta hanggang sa maubos ang laman ng bag ng mga babae. Ngumiti si Spud at inilabas ang tatlong starfish! "Mukhang nanalo ata ang mga hari ngayon!"

Tanong ni Filipinya, "Paano kayo nakahanap ng starfish, at tatlo pa talaga!"

"Ang totoo niyan, ito yung una naming nakita. Maraming nakakalat na starfish sa paligid ng dalampasigan," ang sabi ni Coco habang itinuturo ang dulo ng isla.

Biglang yumanig ang lupa.

"Lumilindol!" ang sabi ni Lolo.

Tumagal ito ng 30 segundo, nag-aalala sina Tatay at Lolo.

Sabi ni Tatay, "Hindi natin alam kung saan ang sentro ng lindol..."

Nagsimula na ring tumunog ang mga sirena malapit sa kanilang nayon hanggang sa ilang parte ng Surigao del Sur. Alam na ng buong pamilya Santos ang ibig sabihin nito. Mayroong alert para sa tsunami.

"Lahat kayo ay sumakay sa bangka! Iligpit na ang inyong mga gamit at magmadali na tayong umuwi sa bahay. Tara na!"

Ang buong pamilya Santos at ang kanilang mga kaibigan ay dali daling sumakay sa bangka para umuwi sa kanilang nayon. Pagkadating nila sa bahay, nalaman nila na halos lahat ng kanilang mga kapitbahay ay nagsilikas na sa isang paaralan. Nakinig sila sa mga radyo at cellphone para makibalita tungkol sa lindol at tsunami warning.

Pagkatapos ng Great Tsunami sa Indonesia nong 2004, alam ng lahat na mas mabuti ang naghahanda bago mahuli ang lahat. Alam din nila na pabago-bago ang kundisyon ng dagat. Mabuti na lamang, narinig nila na ang 6.8 magnitude na lindol ay nakasentro 115 km mula sa eastern coast ng Mindanao at walang nasaktan o namatay na malapit sa tabing dagat. Biglang nahimasmasan ang mga Hari ng malaman nila na ang lahat ay ligtas at ang nayon ay malayo rin sa ano mang panganib. Dahil sa pangyayari, nakalimutan na nila ang pagkapanalo ng Team Star. 

Ang Pakikipagsapalaran ni FilipinyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon