Chapter 5

46 9 1
                                    

"Agahan"

Naghanda si Nanay ng paboritong agahan ng mga bata, hotdog and egg with fried rice at sinigang.

"Filipinya! Spud! Tatay! Gising! Gising! Agahan na!"

Si Spud ang unang nakarinig ng tawag ni Nanay, binuksan niya ang kanyang mga mata, kinusot ito at nakaramdam na ng gutom.

"Agahan na, at walang pasok ngayon, laro buong araw! Ate, Tatay! Tatay!"

"Hmmn Ano?"

"Magandang umaga po, tinatawag na po tayo ni Nanay para sa agahan."

Nahihilo pa si Tatay, sinusubukan niyang gumising, "Ahhh... maya maya sususnod ako."

Pagka baba nila Filipinya at Spud mula sa hagdanan nakita nila kung ano ang nakahanda sa mesa.

"Wow, thanks Nanay!"

"Paborito ninyo?"

Sumagot si Spud, "Opo Nanay."

Hinalikan ni Filipinya at Spud si Nanay sa pisngi at binati ng, "Magandang umaga po."

"Magandang umaga din sa inyong dalawa, nasaan ang Tatay ninyo?"

"Sa tingin ko po gising na si Tatay."

Lumipas ang limang minuto, ngunit nasa loob parin ng kwarto si Tatay.

"Nanay, gutom na gutom na po ako!" ang sabi ni Spud.

Tumayo si Nanay para gisingin si Tatay, pero pinigilan siya ni Filipinya, "Ako na po ang gigising sa kanya."

Pumasok si Filipinya sa kwarto ni Tatay at Nanay, tumalon sa dibdib ng kanyang ama at sinabing, "Tatay! Tatay! gising na!"

"Hmmn Ano?"

"Oras na po ng agahan, gutom na po kami!"

"Pagod ako, Pinya. Hindi ako masyadong nakatulog. Mamaya na ko."

"Pero Tatay?"

"Umuna na kayo, Kailangan ko pa ng 30 minutes na tulog."

Tumayo si Filipinya at sinabing, "Sige po Tatay, babalik po ko dito maya maya, I love you!"

Nang makabalik si Filipinya agad na nagtanong si Nanay, "Bababa na ba siya?"

"Uhmmn mamaya na daw po."

"Haist! Okay, kumain na tayo."

Magsisimula na sanang galawin ni Nanay ang kanyang pagkain, ngunit hinawakan ni Filipinya ang isa niyang kamay at sinabing, "Hindi pa po tayo nagdadasal."

"Bakit? Wala naman tayong lahat dito."

"Kailangan pa rin po nating magdasal bago kumain, sagot ni Filipinya."

Napangiti si Nanay at sinabing, "Tama ka Pinya 

''Dear Father in heaven, thank you for this food that we are about to receive, and all of our many blessings, Amen."

Maya maya ay bumaba na si Tatay, "Nasaan ang mga chickies ko?"

Agad na tumayo ang mga bata mula sa kanilang upuaan at tumakbo upang hindi mahuli ni Tatay, "Halikayo mga chickies, halikayo."

"Huwag po , iligtistas niyo po kami sa tandang, Nanay."

Nagtakbuhan ang mga bata sa loob ng bahay habang hinahabol ng makulit na tandang.

"Halikayo dito patatawanin ko kayo, akin na mga kili kili ninyo."

Nagtakbuhan ang mga bata, naglayo upang hindi mahuli ni Tatay Rooster.

"Cock-doodle-do! Mga chickies ko kayo kaya aalagaan ko kayo."

Nadapa si Filipinya ng habulin siya ng kanyang Tatay Rooster sa paligid ng mesa, ng makatayo siya, nahawakan siya ni Tatay Rooster sa isang kamay, "Huli ka!"

Inilagay niya ang muka ni Filipinya sa kanyang kili kili.

"Ewwww! Rooster, ang baho na ng kili kili mo, maligo ka na, nakakasuka."

Masayang nagtatawa si Nanay habang pinanonood ang mag aamang nag lalaro, pero inantala na niya ang kasiyahan upang kumain, "Tama na Tatay Rooster ibaba mo na muna ang pakpak mo at kumain na muna tayo, halika na Spud"

Ipinasa na nila ang bawat putahe para pagsaluhan ng bawat isa. 

Pagkatapos ay inihain ni Nanay ang isang espesyal na putahe- ang piniritong paa ng manok!

Biglang natahimik ang lahat at nagsimulang magtawanan.

Nagtanong si Tatay, "Nanay, paano nangyaring....paano mo nagawang....."

Kinindatan niya si Tatay, nginitian at niyakap, "I love you Tatay, at hinding-hindi ko puputulin ang mga paa mo."

Ang totoo ay mahal na mahal ni Nanay si Tatay sa maraming dahilan. Ngunit ang pinakauna sa listahan ay dahil mahilig si Tatay na makipaglaro sa kanilang mga anak. Alam ni Nanay kung gaano kahalaga ang pakikipaglaro sa mga anak habang sila ay bata pa. Habambuhay nilang dadalhin ang masasayang alaala gaya nito hanggang sa sila ay tumanda.

At nagsimula na silang kumain, habang kumakain naitanong ni Filipinya, "Tatay saan ninyo po natutunang maging Rooster?"

"Malaking tanong iyan sa Lolo mo balang araw," sinabi niya habang tumatawa.

Biglang naalala ni Tatay sa paborito niyang halo-halo. "Nanay, namimiss ko na yung special halo-halo mo. Baka pwedeng mag-request sayo na ipaggawa mo ako bukas?"

Ang hindi nila alam ay may inihanda na palang sorpresa si Nanay na ikatutuwa ng lahat. Inihain niya ang apat na halo-halo!

Biglang nagsalita si Filipinya, "Wow, Nanay, you are the best! May dessert para sa agahan!"

"Yeah, Nanay, you rock!"

"Gusto ko po ng maraming gatas Nanay!", sabi ni Spud.

"Gusto ko po ng maraming saging, kamote, nata, kaong, mais, gulaman, melon, monggo at ube Nanay!", ang sabi ni Filipinya.

"Anak, dapat sinabi mo na lang na mas malaki yung halo-halo mo kaysa inisa-isa mo ang mga lahok!" Malakas na tawa ni Tatay.

"Mahal ko, gusto ko lang na simple pero espesyal ang halo halo ko kagaya mo. Ang gusto ko ay may leche flan at sorbetes sa ibabaw", ang sabi ni Tatay.

"Yuck Tatay! Ang aga-aga pa po para sa lambingan! Kumain na lang po tayo ng halo-halo!" ang sabi ni Spud.

Ang Pakikipagsapalaran ni FilipinyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon