Chapter 24

17 4 1
                                    

Sa Paaralan

Sa bagong paaralan sa burol ay makikita ang malawak na lawa kung saan nagtatapos ang Enchanted River. Nagsisilbi rin itong evacuation center. Makikita rin dito ang nagtataasang puno ng niyog, kawayan, narra at talisay. Mayroon ding makakapal na palumpong at halaman. Ang kalangitan ay napalilibutan ng maliwanag na puting ulap na bahagyang humahalo sa maitim na ulap dulot ng bagyo. Kapansin-pansin din ang usok mula sa niluluto ng mga magsasaka.

At gaya ng araw-araw na pagbati ng mga tandang tuwing umaga, nagsimula na silang umawit ng "Kokorokok!". Maya-maya'y sumabay na rin ang pag- oink oink ng mga biik at inahin. Nag-iiyakan na rin ang mga sanggol na gutom at naghahanap ng gatas mula sa kanilang mga ina. Maririnig na rin ang tunog ng mga bangka para pumalaot sa dagat at maging ang mga motor na nagsisilbing service ng mga tao. Ganito ang araw-araw na eksena sa isang nayon malapit sa Enchanted River.

Limang araw sa isang linggo, siyam na buwan sa isang taon, ganito rin ang karaniwang gawain ng mga batang pumapasok sa eskwelahan.

Isang umaga pagdating ng mga bata sa paaralan, sinabi ni Filipinya, "Halika na Spud, pumunta ka na sa iyong linya."

"OK, Ate."

"At magpakabait ka sa klase, makinig kang mabuti."

Pumunta na si Spud at Filipinya sa kani-kanilang linya dahil magsisimula na ang seremonya nila tuwing umaga. Magsisimula na ang panalangin, Lupang Hinirang at Panatang Makabayan. Nagmasid sa paligid si Treet para hanapin si Coco, ngunit wala ito.

"Pinya, nakita mo ba si Coco?"

Biglang sumulpot si Coco na dali-daling tumakbo para makaabot sa kanyang unang klase.

Nakita ni Coci na nag-uusap ang mga babae kaya sinigawan niya ang mga ito. "Hoy! Pssst!" Narinig din ito ng ibang mga estudyante kaya pinagtinginan siya ng lahat.

"Ooopsss... sorry," itinaas niya ang kanyang dalawang daliri na nangangahulugang "peace".

Nakita nina Filipinya at Treet si Coco ngunit narinig na nila ang tunog ng bell. Alam na nila ang ibig sabihin nito.

"Tara na girls, baka mahuli tayo sa ating klase!"

Papasok na sana si Filipinya sa loob ng silid-aralan ngunit nalaglag ang kanyang wallet na may lamang family picture nila. Pinulot ito ng kanyang mga kaklase at binuksan ang wallet. Kinuha nito ang kanyang family picture.

"Hoy, ibalik mo sa akin yan."

Sumagot ang babae, "Ito bang wallet mo?? Oo ba! Eto oh."

Sumagot naman si Filipinya, "Pati yung family picture ko!"

"Ah eto ba? Nalimutan kong ibigay." Pagkatapos ay tumawa ito.

"Ibabalik ko sa iyo itong picture mo pero mangako ka sa akin ng isang bagay."

"Ano yun?"

"Dahil isa ka sa pinakamagagaling sa klase, pakopyahin mo ko ng sagot sa Periodical Exam natin sa History."

Nagulat si Filipinya sa kanyang narinig, "Anong sinabi mo?!"

"Bakit hindi? Napakasimple ng hinihingi ko. Ibabalik ko sa iyo itong picture pagkatapos ng exam."

Sumagot si Filipinya, "Pero hindi ko yun kayang gawin! At sa akin yang picture na yan!"

"Alam kong kaya mo!" sabay tulak kay Filipinya.

"Kung ayaw mo, pupunitin ko na lang itong picture mo, pwera na lang kung wala kang pakialam dito!"

Sumigaw si Filipinya, "Wag! Pakiusap!"

"So papakopyahin mo na ako?"

"Pero hindi yun tama! At wala kang matututunan!"

"Bibilang ako ng tatlo at pagkatapos, pupunitin ko na ito. 1....2..."

"Teka lang, teka!"

Sumagot ang malditang bata,"Yes?"

"Ok, Ok, puma...pumapayag na ako.." sagot ni Filipinya.

Hindi nila alam na narinig pala ni Coco ang pagbabanta ng malditang babae at hinigit niya ang picture. "Anong ginagawa mo?" tanong ni Coco sa malditang bata.

Tumakbo si Filipinya sa likod ni Coco.

Natahimik ang batang babae at napahiya.

Dagdag pa ni Coco, "Gusto mo bang isumbong kita sa principal?"

Tahimik na lumayo ang batang babae.

Pinagsabihan ni Coco si Filipinya, "Eto na. Sa susunod ingatan mo ang iyong wallet Pinya."

"Salamat Coco," nakangiting sabi ni Filipinya. "Salamat talaga."

Pag-uwi ni Filipinya galing sa paaralan, sinabi niya kay Nanay ang nangyari.

"Hayy Filipinya, Pasensya ka na pero mayroon talagang batang mahilig mandaya. Hindi nila naiintindihan na sarili din nila ang sinasaktan nila. Akala nila ayos lang na mandaya para makakuha ng mataas na marka, pero sinasaktan lang nila ang sarili nila. Isipin mo kung habambuhay silang mandadaya, saan sila pupulutin? Sarili lang nila ang dinadaya nila."

Narinig ni Lolo ang kanilang buong usapan at sinabi, "Makinig ka sa Nanay mo Pinya. Maging nung ako ang nasa ganyang edad ay may mga kaklase rin akong nandadaya."

"May paaralan na kayo noon, Lolo?" pabirong tanong ni Filipinya.

"Nakakatawa kang bata ka. Oo, lahat kami ay napasok sa paaralan. Mayroon din kaming guro, pisara at maging mga libro!"

"Talaga? Akala ko po kasi sa stone table kayo natuto," tumawa ng malakas si Filipinya.

"Halika nga dito Pinya, oras na para kilitiin ka! Hahabulin kita!"

Ngnunit mabilis na nakatakbo so Fili[inya. Tumakbo ito palabas ng bahay.

"Hayy naku, saan ba nakuha ni Filipinya ang kanyang galing sa pagpapatawa? Napa-buntong hininga si Lolo, humawak sa kanyang bewang at tinitigan si Lola. 

Ang Pakikipagsapalaran ni FilipinyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon