Chapter 2

87 12 5
                                    

"Ang Pamilyang Punong Puno ng Pagmamahal"

Bumulong si Tatay at kinantahan ang natutulog na si Filipinya.

My darling Filipinya

You bless me so

Your father and mother

Life's lesson to you we'll show.

Teach you good manners

And values, and respect.

Speaking "po and opo "

Always honor Lolos with "mano po".

Our family will eat together

And share with one another

Saying "peace be with you" at Church each week,

Our loving God, we will seek.

Call me "Tatay", your mother, "Nanay"

Sleep, my precious Pinya

So you can grow, and think, and love,

Our incredible gift from above.

Biglang nagising si Filipinya at umiyak. Natataranta si Tatay dahil baka magising si Nanay.

"Shhhhh, shhhhsss", pinatatahan ni Tatay si Filipinya.

Andito lang lagi si Tatay sa tabi mo. Tahan na.

Matulog ka na mahal kong anak.

Habulin mo ang mga tupa. "Shhhhhhhs, shhhhhssss".

Sa isip ni Tatay, "Ano kaya yung amoy na yun? Hayyy. Di ko maisip kung paano nagagawa ng napakagandang batang ito ang magpasabog ng ganito katinding amoy. Santol! Dyosa ng Durian?!"

Patuloy na umiiyak si Filipinya.

"Tatay, bakit mo siya ginising? Ohhhhh, linisan mo na siya Tatay!", sabi ni Nanay habang tinatakpan ang kanyang ilong.

"Kailangan ko nang ihanda yung mga lambat, Mahal!"

"Teka, bakit palagi kang nangingisda kapag kailangan mong linisin yung dumi ng anak mo?"

"Pareho natin siyang anak."

"Mukhang sayo siya buong araw pero kapag nagpasabog na siya, binibigay mo na siya sa akin!"

"Pangako, lagi ko siyang tuturuan, ipagtatanggol at susuportahan. Pero sa paglilinis sa kanya, mas magaling ka dyan kesa sakin, Mahal!"sabi ni Tatay.

"Haist! Umalis ka na nga. Shhhhsss magtrabaho ka na. Magdala ka ng maraming sea weed at kabibe. Saka pulot at bulaklak!"Hinalikan ni Nanay si Tatay bago umalis.

Kinuha ni Tatay ang mga gamit niya at umalis na para magtrabaho.

Pinunasan na ni Nanay si Filipinya. Binuksan nya ang mga bintana at pinagpag ang kumot. Nagsindi si Nanay ng kandila para mawala ang amoy ng bomba ni Filipinya.

Nakatulog na ulit si Filipinya.

Kumanta si Nanay ng isang malumanay na awitin:

Little girl take the Fruits.

I put them in your Spirit.

Love, joy, peace, patience,

Kindness, goodness, faithfulness, gentleness....

And the hardest one......self-control!

Bumulong si Nanay at sinabi sa kanyang sarili, "Nakakairita minsan ang Tatay mo!" at tinuloy ang pagkanta.

Love, joy, peace, patience,

Kindness, goodness, faithfulness, gentleness....

And self-control....

Bumulong ulit si Nanay,

Hearts are waiting for you to touch, you will have plenty to share.

The world needs you so much, little girl! And don't believe the boys, they really don't care.

Pumasok si Lolo sa kwarto.

Bumulong si Lolo, "Ano bang pinapakain mo sa batang ito?"

Napahiya si Nanay at biglang ngumiti sa kanyang ama.

"Kamusta na ang aking paboritong apo?"

Sumagot si Nanay, "Shhhhhsss, bumulong ka lang Tatay, hayaan niyo po siyang matulog!"

"Pwede ko ba siyang kargahin?"

"Eto po. Ingatan niyo po siya Tatay."

"Sa tingin mo ba nakalimutan ko na kung paano humawak ng bata, anak?"

Nagtinginan ang dalawa at biglang naalala ni Nanay ang kanyang pagkabata.

"Sandali lang po Tatay. May kailangan lang akong gawin. Babalik ako agad. Parating na po ba si Nanay?"

"Wala ka bang tiwala sa akin? Umalis ka na."

Bumulong si Lolo kay Filipinya, "Makinig ka sa akin munting bata, importante ito. Iisa lang ang Diyos, and Diyos ni Abraham mula sa lumang aklat. Hindi tayo sumasamba ng ibang kahit ano o kahit sino pa man. Hindi natin ginagamit ang pangalan ng Diyos, dapat natin itong irespeto. Sa loob ng isang linggo, isang araw ang kailangang ilaan para sa pahinga at kailangang hanapin ang Diyos. Hindi tayo pwedeng magnakaw, pumatay o matulog kasama ang ibang tao. Pero diba alam mo naman na pwede tayong matulog pero.... Kausapin mo na lang ang Nanay mo tungkol sa bagay na yan. Bukod doon, bawal magsinungaling at kailangang maging kuntento tayo sa kung ano yung binibigay ng Diyos sa atin. Pero higit sa lahat, palagi mong igalang ang iyong Nanay at Tatay. Maaaring hindi mo ako maintindihan pero maniwala ka sa akin, kung anong ginawa mo sa mga magulang mo ay siya ring babalik sa iyo balang araw!"

Pumasok naman si Lola sa kwarto. "Pakarga ako sa aking apo, Lolo." Kinuha ni Lola si Filipinya at inihele ito sa kanyang mga bisig. "Ang ganda mo at ang liit mo."

Ngumiti si Lola sa nakakatawang buhok ni Filipinya. "Magaling at maganda ang pagkakagawa sayo, at alam kong balang araw, magiging isang magaling na lider ka katulad na iyong Lolo. Isa kang milagro, Filipinya, wag mong kakalimutan yan. Ikaw ay isang Pilipino!"

Nagsimula ng kumanta si Lola,

Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang aking lupang sinilangan
Ito ang tahanan ng aking lahi
(Lolo joins in)
Ako'y kanyang kinukupkop at tinutulungan
Upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang
Bilang ganti, diringgin ko ang payo ng aking mga magulang
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan
(Nanay enters room, and joins)
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas
Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at ng buong katapatan
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa.

Nakikinig pala si Coco habang sumisilip sa butas sa pader na kahoy. Naisip ni Coco, "Anong espesyal sa batang yun? Isa lang naman siyang ordinaryong babae. Ayokong magkaron ng kapatid na babae!"

Nagising si Filipinya at nakita niya ang tatlo na nakatayo sa harap niya. Kahit hindi pa niya alam ang ibig sabihin ng tatlo, kuntento na siya at ngumiti sa kanila.

"Ngumiti ba siya? Ngiti ba yun, Lola?"

Sa tingin ko umutot lang siya.

Nagsimula na namang umiyak si Filipinya.

Sinabi ni Lola, "Sa ngayon Filipinya, ang lahat ay mukhang impossible. Pero pag tanda mo, maaari kang maging kahit anong gusto mo. Walag imposible!"

"Nanay, sa tingin ko gutom na siya!"

Kinuha ni Nanay si Filipinya at inilapit ang kanyang dibdib sa bata. Nagsimula na siyang kumanta ng Fruits of the Spirit.

"Love, joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness, gentleness....

and self-control...."


Ang Pakikipagsapalaran ni FilipinyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon