Chapter 23

22 8 2
                                    

     Ang Matandang Rocker

Ang mga kabanda ni Coco ay naglalakad pababa ng hagdan papunta sa maliit na entablado sa kakahuyan, ngunit sa dulo ng bayan ay may dumating na mapayat at matandang lalaki na nakasuot ng sira-sirang damit.

Ang sabi ng drummer nila, "Hoy matandang lalaki! Busy ka ba ngayon? May trabaho ka ba? Bakit hindi ka lumapit dito at linisin mo ang aking sapatos!" Nagtawanan ang mga lalaki sa matanda, ngunit nagalit si Coco at napahiya.

Dagdag pa ng kanilang base guitarist, "Hoy Lolo, gusto mo bang sumali sa banda natin? Anong itatawag namin sayo? Lolo Solo?!" tuloy pa rin ang pang-aasar ng mga lalaki.

"Marunong akong tumugtog ng kaunti, noong araw" ang sagot niya.

"Alam ko! Malamang naglalaro ka ng jacks and dice!" Nagtawanan ulit ang lahat.

Umirap ang matanda at umismid. "Gusto niyo bang turuan ko kayo mga bata?"

"Turuan mo kami? Wala kang alam Lolo. Nakaupo ka lang buong araw."

Narinig ng ilang mga taga-nayon ang pagtatalo kaya nagpasya silang lumapit para makinig.

Mahahalata na ang matanda ay naiinis na at nararamdaman ng mga tao na may magaganap na malaking away.

"Kailangan kitang turuan kung paano rumespeto, sonny boy" sabi ng matanda sabay taas sa kanyang braso. Akala ng lahat ay susuntukin na siya ng matanda ngunit lumagpas ang mga kamay nito sa kanya para kuhanin ang gitara na hawak ng isa nilang miyembro.

"Unahin muna natin ang lesson bago ang respeto. Ready boys."

Nagtawanan ang lahat at sumigaw sa buong nayon, "Hoy kayong lahat! Gusto niyo bang manood ng comedy show? Lumapit kayo dito sa entablado!"

Habang papalapit sila sa entablado, nagsunuran naman ang mga manonood na humigit kumulang isang daang bata na nasa iba't ibang edad.

Sinundan ng banda ang matanda papunta sa entablado, "Mag-paplug ka ba Lolo? Alam mo ba kung anong ibig sabihin non?" ang sabi ng banda habang patuloy nilang inaasar si Lolo.

"Maaaring hindi ko na naaalala lahat sonny, ngunit may mga bagay na hindi mo kailanman makakalimutan." ang sabi ni Lolo habang nakangiting ipinapakita ang kanyang mga bungal na ngipin.

Sinimulan na ng matanda na mag-strum ng gitara. Dahan-dahan niyang kinapa ang ilang mga kwerdas habang nanonood ang mga tao, ang ilan ay pinag-uusapan ang mga mangyayari. Sinubukan niya ang sounds.

"errrrrrrrreeeeeeeee.....irrrrrrrrrrr........errrrrreeeeeeee.........irrrrrrrrrr" gumawa ng malakas na tunog ang sound system.

Pinikit ng matanda ang kanyang mga mata. Tahimik na nanonood ang mga bisita. Inalala ng matanda ang kanyang buhay 40 taon na ang nakalilipas. Naaalala niya ang panahong siya ay malakas, gwapo at punong puno pa ng sigla.

Tinugtog niya ang into ng "Don't Stop Believing" ng Journey. Napaindak ang mga tao sa tugtog. Hindi lahat ay pamilyar sa kantang ito, ngunit ang lahat ay natuwa,

Strangers waiting, up and down the boulevard
Their shadows searching in the nights
Streetlights people, living just to find emotion
Hiding, somewhere in the night.

Working hard to get my fill,
Everybody wants a thrill
Payin' anything to roll the dice,
Just one more time


Some will win, some will lose
Some are born to sing the blues
Oh, the movie never ends
It goes on and on and on and on......

Gulat na gulat ang banda, napakamot sila sa ulo dahil hindi sila makapaniwala.

Saglit na tumigil sa pagtugtog ang matanda para iunat ang kanyang naninigas na mga daliri, ang isa pa sa daliri niya ay baliko na. Nagsisimula pa lamang pala siya. Lalong ginanahan ang matanda at nagsimula na itong mag-jam. Nagsimula na ring pumalakpak ang mga tao kasabay sa tiyempo ng kanta.

Sumigaw ang matanda kahit nangangatog na ang boses nito dahil sa katandaan, "Maaaring hindi ko na kayang kumanta ngayon pero nag-eenjoy ba kayo dito?"

Sumigaw ang mga manonood at pumalakpak bilang tanda ng pagsang-ayon sa matanda. Nagtuluy-tuloy pa ang nakakaaliw na palabas ng matanda.

Natapos ang kanyang kanta sa pamamagitan ng pagtugtog ng huling kwerdas na tumagal ng 30 segundo. Naantig ang damdamin ng mga manonood at ang iba ay napaluha pa.

"Don't stop believing, my friends, and never stop dreaming."

Nakatayo sa likod ng mga manonod si Lolo Santos, humanga rin siya sa ipinakita ng matand, kumaway siya para makuha ang atensyon ng matanda na nasa gitna ng entablado. Inilagay ng matanda ang kanyang isang kamay sa kanyang tenga para marinig ang sinasabi ni Lolo Santos.

Sabi ni Lolo Santos, "patugtugin mo ang Stairway to Heaven Sir!"

Tumango ang matanda at pinatugtog ang limang minutong prelude. Halos perpekto ang pagtugtog niya. Nagsimula ng kumanta si Lolo,

There's a lady who's sure all that glitters is gold
And she's buying a stairway to Heaven
When she gets there, she knows if the stores are all closed
With a word she can get what she came for
Ooh-ooh-hoo, hoo-ooh-ooh-ooh-ooh
And she's buying a stairway to Heaven.....

Pagkatapos ng pagtatanghal, agad nilapitan ni Coco ang matanda para tulungan siyang bumaba ng entablado. Maging ang iba niyang mga kabanda ay natuto ring magpakumbaba at sinabi, "Mano po, saan niyo po natutunan kung paano tumugtog ng ganon kagaling?"

"Itanong mo sa mga magulang mo, sonny" Lakas loob na ngumiti ang matanda.

Isa pa sa mga kabanda nila ang nagtanong, "Ano pong pangalan niyo?"

"Pangalan? Ang pangalan ko?" nag-isip sila ng ilang segundo. "Hindi mahalaga ang pangalan, sonny. Ang mahalaga ay ang musika."

Pagkatapos ay lumapit siya kay Lolo Santos na umakbay sa kanya at naglakad papunta sa nayon. "Tara aking kaibigan, gusto kong sumalo ka sa aking pamilya para sa isang mainit na tanghalian."

Ang Pakikipagsapalaran ni FilipinyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon