Chapter 28

22 1 0
                                    

Isang araw, inutusan ni Nanay ang mga bata na maglinis ng bahay ngunit abala sila sa paglalaro ng video games.

"Yun! Patay ka na ate! Ako ang Hari ng Camelot!" sigaw ni Spud habang nagyayabang.

"Sinwerte ka lang ngayon! Maglaro ulit tayo" sagot ni Pinya.

"Mga bata, masakit ang likod ko, kailangan ko ng tulong ninyo."

Ngunit tila walang narinig ang mga bata, at nagsimula pa sila ng round.

Pumasok si Lola sa pinto at nakita niya si Nanay sa kusina at hawak niya ang kanyang likod. Nakita rin niya ang mga bata na naglalaro. "Hello mga bata. May gusto akong ikwento sa inyo."

"Sige po Lola," sagot ng mga bata.

"Isang araw, may isang magandang bata na ang pangalan ay Pina, siya ay spoiled at nasusunod lahat ng gusto niya. Lahat ng gusto niya ay ibinibigay ng kanyang ina, ni hindi man lang ito tumutulong sa mga gawaing bahay. Ngunit isang araw, nagkasakit ang kanyang ina at kinailangan nito ang tulong ni Pina. Inutusan niya si Pina na magsaing para sila'y may makain. At dahil hindi marunong magsaing si Pina, binigyan siya ng kanyang ina ng instructions. Ngunit hindi makita ni Pina kung nasan ang palayok at bigas. Hindi rin niya makita kung nasan ang sandok. Hindi rin niya alam kung paano magpakulo ng tubig. Sinabi niya sa kanyang nanay na tinatamad siya at ayaw niya itong gawin. Kaya nagalit ang kanyang nanay at sinabi na sana daw siya ay tubuan ng isang libong mga mata para makita niya ang kanyang mga hinahanap. Kinabukasan, magaling na ang kanyang ina. Nagulat siya dahil tahimik ang buong bahay. Wala siyang naririnig na nagdadabog, umiiyak, nag-uutos at wala rin kahit ingay ng video games."

Tahimik pa ring nakikinig ang mga bata kaya ipinagpatuloy ni Lola ang kanyang kwento. "Nagdaan pa ang ilang araw at hindi na nila makita si Pina sa kahit saan. Habang nagwawalis ang kanyang ina sa bakuran, nakita niya ang isang kakaibang prutas na bigla na lang tumubo sa kanilang bakuran. Ito ay kulay dilaw, may mga dahong patusok at may isang libong mata!

Naalala niya ang kanyang sinabi na sana ay tubuan si Pina ng isang libong mata at naisip niya na baka ito ay sumpa sa kanyang anak. Nami-miss na niya ang kanyang anak at para magsilbi itong alaala ng kanyang nawalang anak, naisip niya na itanim at paramihin ang prutas na maraming mata. Maraming naging bunga ang kanyang tanim at ipinamudmod niya ito sa kanilang mga kapitbahay.

Si Pina man ay isang tamad at sutil na anak, nagsilbi pa rin siyang blessing sa ibang tao. Kaya tinawag nila ang dilaw na prutas na "pinya".

Tahimik pa ring nakaupo sina Spud at Filipinya hanggang matapos ang kwento ni Lola. Pagkatapos ay tinukso ni Spud si Pinya, "Pinya, parang ikaw si Pina. Pareho kayong spoiled!"

Sumagot si Lola, "hindi doon galing ang pangalan ni Pinya. Nagkataon lang na ang buhok nya ay parang dahon ng pinya. At hindi naman katulad ng nanay ng Pina ang inyong nanay. Kaya dapat tumulong kayo sa gawaing bahay, at sa tingin ko ay kailangan niyong humingi ng pasensya sa nanay niyo. Napayuko ang mga bata at tila ba nagsisisi sila sa kanilang kasalanan.

Sagot ni Filipinya, "Naiintindihan kop o Lola. Tutulong na po ako ngayon. Pero may tanong po ako."

"Ano yun Pinya?"

"Diba po ang kwento niyo ay alamat ng pinya?"

"Oo."

"Diba po ang mga alamat ay mga kwento na isang daang taon na ang nakalipas?"

"Oo, tama ka."

"Pero sabi niyo po nung tahimik ang bahay nila Pina, walang marinig ang nanay niya kahit tunog ng video games? Eh diba po wala pang TV, computer at kahit ano noon?"

Napa-ngiti si Lola sabay kindat kay Pinya. "Para talaga yun sa inyo ni Spud. Ang kwento ni Pina ay para sa lahat ng bata, hindi lang para sa mga batang babae." dagdag pa ni Lola.

Sumagot si Filipinya, "Sorry po Lola. Isasama ko na po si Nanay sa sala para masahihin ang kanyang likod ng langis."

"Pagkatapos non, Spud maaari mo bang linisin ang banyo para umayos ang pakiramdam ni Nanay? Kayong dalawa, lagi niyong tatandaan na kailangang laging bukas ang inyong mga mata at pagmasdan niyo ang pinagdadaanan ng bawat tao sa paligid ninyo."

Si Tatay naman ay patungo sa kanilang Bee at Flower Farm. Buhat buhat ng kanilang kalabaw na si English ang kanilang mga kailangan. Pagdating ng dalawa, napansin ni Tatay na mabagal kumilos si English.

"Anong problema English? Puyat ka ba kagabi?" pabirong tanong ni Tatay.

Napa-singhal si English at tila ba ito ay antok na antok na.

"Oo alam kong tumatanda ka na rin aking kaibigan. Pero aminin mo, mas madali ang magpabalik balik para maghatid ng mga kailangan natin dito sa bukid kesa mag-araro ng sakahan buong araw. Tara, ikukuha kita ng malinis na tubig."

Isinama ni Tatay si English sa lawa ng tubig at putikan. Agad na uminom si English sa tubig. Pagkatapos ay lumusong ang kalabaw sa putikan para maligo.

Pagkatapos ng isang oras na pag-aasikaso sa mga bubuyog, pagkolekta ng sariwang honey at pagpupuno sa apat na basket ng magagandang bulaklak, uuwi na si Tatay. Sinundo na ni Tatay si English at binuhusan ng tubig. Kinuskos rin niya ang katawan nito at nilinis ang apat na paang maputik. Sandaling umalis si Tatay para kumuha ng blanket na ilalagay sa likod ni English ngunit napabuntong-hininga ito at biglang natumba.

"English! English!" hinimas ni Tatay ang likod ng kanyang kaibigang kalabaw ngunit tumigil na ito sa paghinga.

"Hayy English, napakabuti mo sa akin. Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa. Magkasama tayo sa loob ng 25 na taon. Maaari ka ng magpahinga, aking kaibigan."

Alam na ni Tatay ang kanyang gagawin. Naghukay siya ng malaking libingan malapit sa kanyang taniman ng mga bulaklak. Umuwi siya sa bahay para tawagin ang kanyang mga kapamilya, at para humanap ng ibang kalabaw na maaaaring maghakot pauwi sa kanyang mga kalakal. Nakakuha si Tatay ng anim na taga nayon para tulungan siya sa paglilibing kay English.

Nang mailibing na si English, nagbahagi si Tatay ng nakakatawa at masasayang kwento tungkol kay English. Si English ay parte na ng kanilang pamilya kaya naman bumuhos talaga ang luha ng bawat miyembro ng pamilya. Lalong lalo na sina Spud, Filipinya at Tatay.

"Mga bata, lagi ninyong tatandaan na ang kamatayan ay parte ng buhay. Alam natin na namuhay si English ng masaya at tinulungan niya tayo hanggang sa huli niyang hininga. Ngayon, namamahinga na ang kanyang mahina at matandang katawan. Alam kong mami-miss natin siyang lahat.


Ang Pakikipagsapalaran ni FilipinyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon