Hindi ka ba nagtataka,
kung bakit ka nabubuhay pa?
Sa mundong hindi mo naman alam
ang iyong kahahantungan,
Na sa tuwing gigising ka sa umaga, babangon,
hihigop ng mainit na kape,
At pandesal na iyo ng almusal sa pangaraw-araw,
Ay patuloy lang ang buhay mo at
patuloy ka lang nabubuhay para mamatay.
Ano ba ang silbi ko sa mundong ito?
Iyan ang madalas kong itanong sa sarili ko.
Ilang taon ang ginugugol sa pag-aaral para
Magkaroon daw ng magandang trabaho at kinabukasan.
Pero hindi mo ba iniisip na kung sa kabilang buhay
Ay kakailanganin pa ba ang lahat ng pinaghirapan?
O pinaghirapan mo lang sila dito sa mundo
dahil iyon na ang ating nakasanayan?
Paulit-ulit, proseso, tila pinaglalaruan lamang tayo,
At wala naman tayong ibang ginawa
kundi ang sumunod lang sa uso.
Isisilang ka, mabubuhay... at darating ang araw,
Na kakailanganin mo namang tanggapin
na ikaw ay tuluyan ng lilisan.
Kaya kung bibigyan ng pagkakataong pumili,
Bago ka mamuhay sa mundo ng kasinungalingang ito,
Hindi mo ba pipiliin na huwag na lang
dahil pansamantala lang din
Ang kasiyahang madarama mo
sa pagpapatuloy mo dito?
O ikaw 'yong tipo na masaya ng maranasan
kahit saglit lang,
Dahil alam mo'ng minsan lang dumating
ang pagkakataon?
Pagkakataon na kapag iyong sinayang
ay pagsisisihan mo ng higit pa sa iyong buhay.
Ano ba ang naisip ko at isinulat ko ito?
Pampalipas oras, pang-hugot,
o kung ano pa ang sabihin niyo,
Wala akong pakialam kasi hindi naman tayo.
Walang "tayo", walang "kami", pero bakit may "sila"?
Gaya ng umiiyak ako samantalang lahat ay masaya.
Sino ba kasi ang nagsabing "Walang forever"?
Kung wala eh bakit may "Happily ever after"?
Naiinis, naguguluhan, nababaliw, nawiwindang,
Ganyan ang pakiramdam ng bawat taong nasabi na
ang mga salitang "Sana tayo na lang".
No'ng ikaw ang nagmahal,
ibinigay mo naman ang lahat,
Pero bakit no'ng huli parang hindi pa sumapat?
Kaya ka nagawang iwan kasi daw may mali,
Oo meron... At iyon ang desisyong
mahalin mo pa siyang muli.
Ayoko na, tama na,
akin na 'tong wawakasan,
Hindi ang sarili kundi itong isinusulat at binabasang
wala namang kahahantungan.
Dahil masyado ng mahaba at wala na akong maisip pa,
Kaya dito na nagtatapos ang maiksi kong nobela,
Maraming salamat, madla.

BINABASA MO ANG
Lyrical Paradox | ✔
PoetryEnglish and Tagalog Compilation | #3 IN POETRY | The Fiction Awards 2016 Winner © 2016 kyeriella all rights reserved book cover made by @OhWanderlust_