❝Tadhana❞

2.3K 50 10
                                    


Minsan ba'y sumagi na sa isipan,

Para kanino ang puso nakalaan?

Sino ang magpapatahan?

Kailan nga ba matatagpuan?


Bakit hindi para sa'yo,

Ang matagal mo ng ninanais?

Bakit sa iba nakalaan,

Ang minamahal mo nang labis?


Tadhana nga ba ang magdidikta,

Kung liligaya o luluha?

Ito nga ba ang magtatakda,

Sa kapalarang puno ng pagdurusa?


Gustuhin man o hindi,

Tadhana pa rin ang magwawagi.

Sapat na ba 'tong dahilan,

Upang hindi na lumaban?


Kapalaran daw ay nakaukit na,

Parang mantsa ng itim na tinta ng pluma.

Baguhin man ay magaganap pa rin,

Kalabanin ma'y magwawagi pa rin.


Tadhana ang maglalapit,

Sa dalawang pusong sabik.

Ngunit ito rin ang maghahatid,

Ng pighati't poot sa dibdib.


Tadhana, tadhana,

Bakit ang lupit mo?

Bakit ang dami mong dinudurog na puso?

Laro nga lang ba ang lahat sa'yo?

Masaya ka ba sa t'wing may nasasaktan?

Nagagalak ka ba kapag may luhaan?

Isa lamang ba itong malaking palabas?

Isang katuwaan at hindi realidad?

Ano nga ba ang tungkulin mo?

Kaayusan nga ba o gulo?

Mabuti't masama ang iyong dala,

Ngunit hindi angkop ang ngalan mong "Tadhana".


[ Nabasa mo na ba ang The Four Bad Boys And Me Trilogy ni blue_maiden? Sino ba naman ang hindi makaka-miss kina Jeydon at Candice? Tapos nagkararoon pa ng Dear Tadhana na istorya naman nina Dwayne, Keila at Kean. Ang feels bes! ]

Lyrical Paradox | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon