Malalim na ang gabi,
kasinlalim ng aking iniisip.
Ngunit mas malalim pa rin ang nararamdaman
Ng pusong ang tibok ay para sa 'yo nakalaan.
Sa umaga, ang bawat umagang hinaharap ko
Kasabay ng pangarap na hinahangad ko nang husto.
Sa pagmulat ng aking mga mata ay isang hiling,
Isang hiling na sana balang araw ikaw ay masilayan,
Hindi lamang ang marinig kundi ang mahagkan
At masabi sa 'yo ang lahat kong nararamdaman.
Ngunit, subalit, sapagkat, datapwat,
Napakaraming hadlang sa munti kong hiling
Para nitong paulit-ulit sa akin ay sinasabi
Na kahit kailan ay hindi kita makakapiling.
Mali ba ang umasa? Mali ba ang maghangad?
Mali ba ang magmahal ang isang tulad kong
pinagkaitan ng kakayahan?
Kakayahang masilayan ang mukha ng aking minamahal,
At masabi ng mata sa mata kung gaano ko siya kamahal.
Masakit, napakasakit
Dahan-dahan ako nitong pinapatay
Sa bawat gabi 'y mas tumitindi, mas lumalim ang sugat
Ng katotohan sa dibdib, walang makaaawat.
Hindi ako 'yong tipo na bulag sa pagmamahal
Dahil ako 'y bulag, bulag na literal
Hindi ka man makita ng aking mga mata
Ang puso kong ito 'y ikaw lamang ang dala
Maghihintay ako na dumating ang panahon,
Ang panahon na ako lamang ang iyong makikita
at hindi na mahalaga ang ibang mga bagay,
Gaya ng ikaw lamang ang mahalaga sa 'king buhay.
[ Sa katunayan, habang isinusulat ko 'to, lalaki ang nagsasalita sa isip ko. ]

BINABASA MO ANG
Lyrical Paradox | ✔
PoetryEnglish and Tagalog Compilation | #3 IN POETRY | The Fiction Awards 2016 Winner © 2016 kyeriella all rights reserved book cover made by @OhWanderlust_