❝Palagi Na Lang❞

1.7K 35 2
                                    


Palagi ko na lang sinasabi

Na ayoko na.

Palagi mo naman kasing

Ipinapamukha sa'kin na wala na.

Palagi na lang.


Palagi ko na lang sinisisi

Ang sarili ko sa mga nangyari.

Palagi mo naman kasing

Pinapaalala aking mga sinabi.

Palagi na lang.


Palagi na lang akong

Humihingi ng tawad.

Palagi mo naman kasi akong

Hindi pinakikinggan.

Palagi na lang.


Palagi na lang akong umaasa,

Palagi na lang nasasaktan.

Palagi na lang iniiwan,

Palagi na lang.

Lyrical Paradox | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon