Hindi ko maiwasang isipin ang pangako ko sa'yo.
Pangako na kahit kailan ay hindi kita iiwan.
Pero sa pagkakataong ito, mahal
Patawarin mo sana sa pag-aalinlangan
Dahil baka bukas ay bigla na lamang kitang bitawan.
Hindi mo ba nakikita ang paghihirap ko?
Ang bawat luhang pumapatak sa mga mata ko.
Hindi mo ba mabibigyan ng puwang sa puso mo
Ang matagal na nagmamahal sa'yo na tulad ko?
Kahit ilang beses nila akong sinabihan
Na huwag ikaw at iba na lamang.
Hindi ko inisip, hindi sila pinakinggan
Dahil sa walang hanggan ko sa'yong pagmamahal.
Hindi ako bumitaw kahit mag-isa lamang ako sa laban.
Hindi ako bumitaw no'ng ako'y pinagtulakan.
Hindi ako bumitaw sa'yo, mahal
Ano pa ba ang kailangan kong patunayan?
Isang umaga'y nagising na lamang ako
Sa mapait na katotohanang ito.
Kahit sa harapan mo siguro'y malagutan ng hininga,
Hinding-hindi ako sa'yo magkakaroon ng pag-asa.
Gusto ko sanang malaman mo ngayon,
Hindi pa rin ako bibitaw mula sa pagkakakapit ko sa'yo.
Ngunit sa oras na ikaw naman ang nasa pwesto ko,
Patawad, mahal ko ngunit bibitaw na ako.
Bibitawan kita hindi dahil hindi na kita mahal,
O kaya nama'y ayaw ko na sa'yo.
Ang totoo'y hindi kita malilimutan,
Bibitawan kita dahil ito ang mas kailangan.
Walang pasabi, walang paghahanda
Gaya ng biglaang pagtatagpo sa atin ng tadhana.
Tadhana na naglapit sa ating dalawa,
Ngunit siya rin pala ang sa atin ay sisira.

BINABASA MO ANG
Lyrical Paradox | ✔
PoetryEnglish and Tagalog Compilation | #3 IN POETRY | The Fiction Awards 2016 Winner © 2016 kyeriella all rights reserved book cover made by @OhWanderlust_