❝Paalam❞

2.1K 56 1
                                    


Paalam

Sa bawat mong mga ngiti na nagbibigay-kulay

Sa mundo kong walang buhay.

Paalam

Sa tinig mong kay sarap pakinggan

At tila musika sa aking pandinig.

Paalam

Sa mga panahong hindi mo nilisan ang aking tabi

Habang ang oras ko ay patuloy na umiikli.

Paalam

Sa bawat masasayang alaala,

Sa bawat mga luha,

At sa bawat salitang binitiwan.

Paalam

Pagka't ang bukas ay hindi na masisilayan

Ito ang pait ng kamatayan.

Ngunit dahil sayo 'y naging matamis

Ang naging pananatili at paglisan.

Paalam aking mahal.

Lyrical Paradox | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon