Madalas sa ating pagtulog
Tayo ay naglalakbay
Patungo sa isang daigdig
Doon tayo nabubuhay
Ang mga mata'y pikit
Sa realidad kung saan
Mga pighati't paghihirap
Ay ating tinatakasan
Tayo ay iba sa ating mundo
Mundo na kung tawagin ay paraiso
Ating mga pangarap sa buhay
Ay nakakubli lamang dito
Wala ni isang nakaaalam
Kung hindi tayo lamang
Masayang naglalakbay
Sa mundong isang panaginip lamang
Doon ay masaya
Ngunit dito ay lumuluha
Bakit nga ba kabaligtaran
Ang ating nararanasan?
Minsan atin ng hiniling
Na sana'y hindi na magising
Hindi na mamulat pa
At masaktan ang damdamin
Masakit isipin na sa ating panaginip
Doon pa tayo maligaya
Ngunit sa ating mundong ginagalawan
Puro kasinungalingan ang dala
Alin nga ba ang mas makatotohanan?
Ang mundong ating sinilangan
O ang mundo na tayo mismo ang bumuo
At matagal na nating pinapangarap?
Sana sa pagdaan ng mga araw
Sa dami ng panaginip na dumalaw
Umayon ang kapalaran sa iyo
Na ang isa ay maging totoo
BINABASA MO ANG
Lyrical Paradox | ✔
PuisiEnglish and Tagalog Compilation | #3 IN POETRY | The Fiction Awards 2016 Winner © 2016 kyeriella all rights reserved book cover made by @OhWanderlust_