❝Ang Sabi Mo❞

2.2K 70 8
                                        


Ang sabi mo,

Akin ka at iyo ako.

Maghiwalay na ang lahat

Huwag lamang tayo.

Ang sabi mo,

Sa tabi ko'y palagi kang nariyan

Hinding-hindi mo ako iiwan.

Ang sabi mo,

Para sa'kin ang bawat mong awitin.

Malayo ma'y ibubulong mo sa hangin.

Ang sabi mo,

Wala kang balak na bumitaw.

Ngunit bakit ngayo'y

Hindi na kita matanaw?


Ang sabi mo,

Panghabangbuhay na tayo.

Pero nagising na lang isang araw

Wala ka na sa tabi ko.

Ang sabi mo,

Kapag lumisan ka'y hindi magtatagal.

Bakit kay tagal na panahon

Na kitang hinihintay?


Naniwala ako sa lahat ng iyong sinabi.

Kailanman ay hindi kita sinisi.

Pero bakit, mahal ko

Ako'y iyong pinaasa?

Pinalalim ang nararamdaman

Hanggang sa malunod na.

Ang sabi mo,

Tunay lahat ng iyong ipinakita.

Sa isang iglap ay

Kasinungalingan lang pala.


[ Nangako rin ba siya sa'yo? Nasa'n na siya ngayon? Napaniwala ka sa mga kasinungalingan niya. Oh 'di ba ang sakit? ]

Lyrical Paradox | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon