❝Ako Naman❞

1.6K 41 16
                                    


Ikaw na lang palagi

Ang nasa isip ko.

Ang mahirap pa nito'y

Pati sa puso ko.

Ikaw na lang palagi

Ang hinahanap-hanap ko.

Kahit sinaktan mo na't lahat,

Ikaw pa rin ang gusto ko.


Siya na lang palagi

Ang bukambibig mo.

Siya na lang palagi

Ang nakakasama mo.

Siya na lang palagi

Ang inaalala mo.

Kahit sinaktan ka niya't lahat,

Siya pa rin ang gusto mo.


"Ako naman", ang tangi kong hiling.

Sana'y dinggin mo't tuparin.

Kahit isang araw lang,

Minuto o segundo'y pagkakasyahin.

Masabi ko lang sa sarili na

Ako naman ang iyong napansin.


Ako naman ang isipin mo,

Ako naman ang kausapin mo.

Ako naman ang sabihan mo

Ng mga salitang "mahal kita".

Ako naman ang samahan mo

Sa ilalim ng mga kumikinang na tala.


Ako naman ang sagipin mo

Na parang isang prinsesa.

Ako naman ang awitan mo

Ng mga himig mong kayganda.

Ako naman ang iyakan mo

Kapag ikaw ay may problema.

Ako naman ang puntahan mo

Sa oras na masaktan ka.


Ako naman o di kaya'y

Ako na lang.

Nandito lang ako't nag-aabang

Ng pagkakataon na ako naman.

Lyrical Paradox | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon