❝Tulang Hindi Ako Ang Sumulat❞

1.7K 23 2
                                    

Tulang hindi ako ang sumulat

Ngunit ipinakiusap ng isang kaibigan

Na dati kong minahal

O marahil ay mahal ko pa rin

Kahit na ako'y kaniyang paulit-ulit na sinaktan

Ito nga siguro ang nais niyang iparating

Sa akin, dahil ako

Ako ang taong gusto siyang ipaglaban

Pero iba ang kaniyang mahal

Hindi ako

Kaya basahin mo

Nang maintindihan

Ang mga hugot

Sa bawat kong tula

Na iyo ng nabasa

O babasahin pa lang

Sa librong ito

At sa Para Sa'yo

Na isinulat ko

Para lamang sa kaniya

Ihanda ang iyong sarili

Dahil iyong malalaman

Ang kaniyang pinanggagalingan

Na aking handang ipaglaban

Ngunit hindi ako, ni minsan

Ang kaniyang minahal

-Kyeriella

❝Hantungan❞

PAG-IBIG.
'Yan ang pinaka magandang regalo sa'tin ng Maykapal.
Pero may nakapagsabi na ba sa iyo na may hantungan ang lahat?
Pinakamagandang halimbawa nito ay ang pag-lubog ng araw.
Pinapaalala nito sa atin na lahat ng mga magagandang bagay ay may katapusan.

Mahal, katulad ng pag-ibig ko sa iyo
Hindi ko alam kung katulad nga ba talaga ito ng pag-lubog ng araw
Na kinabukasan ay muling sisilip at matatanaw.

'Yung pag-ibig na nawala ay maibabalik pa kaya?
'Yung feelings na nabalewala
'Yung pag-ibig ko sa iyo na iyong isinantabi.
Pakiramdam ko mahal sa sarili ko nawalan ako ng silbi.

Saan nga ba ako nagkulang?
Mali. Saan ako sumobra?
O di kaya baka nagawa ko naman talaga ang lahat, ang sapat.
Marahil ay hindi ko lang talaga matanggap na may hantungan ang lahat.

Sa mundong ito hindi pwedeng habang buhay kang tanga.
Masakit ang kalimutan ang lahat
Siya, kayo, ang tayo
Naniniwala kasi ako na ang kalimutan ang taong mahal mo na minsang naging sentro na mundo mo ay parang paglimot sa pangalan mo.
Baka ang kailangan lang talaga natin ay pagtanggap at hindi pagkalimot.
Hindi ang pagtanggap na hindi mo magagampanan ang responsibilidad mo sa kanya
Kung 'di ang pagtanggap na may hantungan ang lahat.

BUHAY AT KAMATAYAN.
Dito lang naglalaro ang lahat.
Parang paninigarilyo.
Bakit nga ba naman naimbento kung sakit lang naman ang epekto?

Maaaring meron pang mas malalim na dahilan kung bakit kailangan mo na siyang kalimutan.
Itigil mo na 'yan
Hindi na 'yan pagmamahal
Kung mag-isa ka na lang na lumalaban.

Ano pa ang silbi ng lahat?
Bakit pa tayo nabubuhay
Kung mamamatay lang din naman?
Bakit pa tayo nagmamahal
Kung masasaktan lang din naman?
Bakit tatayo at muling lalaban kung siya nga ay umupo at tuluyan ng bumitaw?

May hantungan ang lahat.

Kaya sa kaibigan mong nagsasabing may FOREVER?
WALA. Dahil may hantungan ang lahat.

Nabubuhay ka para mamatay,
Nagmamahal ka para masaktan.
Lahat ng taong nagmamahal at nangangako
Para sa mga taong umaasang mahalin ng taong mahal nila.

May hantungan ang lahat.

Lahat tayong nabuhay ay mamamatay.
Lahat tayong nagmamahal ay ito ang kahahantungan:

Ang masaktan.


- L

Lyrical Paradox | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon