Minsan habang ako'y
Naglalakad, sumasabay
Sa alon ng mga tao
Patungo sa kung saan
Ating mga landas
Ay pinagtagpong pilit
Ng tadhanang
Minsa'y naglayo sa'tin
Nagkita at nagkatitigan
Parang isang teleserye
Bumabalik sa nakaraang
Nagka-iwanan sa ere
Isa, dalawa, tatlong
Hakbang paunti-unti
Ninanamnam ang bawat
Sandaling ipinagkait noon
Isang matamis na ngiti
Ang inialay sa isa't isa
Ngunit wala ng luha
Na dati'y walang hupa
Kinalimutan ang lahat
Para sa isang araw
Na hindi sasapat
Ang bawat kwentong dala
Kay tagal na panahon
Na parang kahapon
Ganito rin ang eksena
Nating dalawa
Ngunit ang pinagkaiba'y
Walang nagbago sa'kin
Nang iyong sabihin
Na ako'y nag-iba
Marahil ay iba na nga
Ako para sa'yo
Dahil mas pinili kong
Tumuloy sa paglakad
Kahit sinabi mong
Ikaw ay hihinto para sa'kin
Na hindi mo ginawa noong
Ako'y huminto para sa'yo
Walang nagbago
Sa nararamdaman
Ng aking puso
Para sa'yo
Noong hindi pa ito pagod
Mula sa lahat ng sakit
Na aking nadama
Nang piliin kita
Walang nagbago
Sa'yo at sa'kin
Ikaw ma'y gano'n pa rin
Walang nagbago
Walang nagbago
At walang magbabago
Habang unti-unting
Binibitawan ang mga alaala
Kasabay ng pagtalikod
Natin sa isa't isa
Naglalakad papalayo
Sa magkaibang landas
Patungo sa lugar kung saan
Walang ikaw at ako
Pero wala pa ring
Magbabago sa'tin
Dahil ika'y gano'n pa rin
At ako'y mananatiling ganito
Walang nagbago
At walang magbabago
[ Kadramahan level 9999999 ]
BINABASA MO ANG
Lyrical Paradox | ✔
PoesiaEnglish and Tagalog Compilation | #3 IN POETRY | The Fiction Awards 2016 Winner © 2016 kyeriella all rights reserved book cover made by @OhWanderlust_