Chapter 1

53K 898 99
                                    

CHAPTER 1

If I let you go, it doesn't mean that I don't love you anymore. It means you are so important to me that I am willing to sacrifice my smiles for the sake of your happiness. - Armee Taylor

Inilipat ko ang pahina ng librong binabasa ko nang bigla na lang tumunog ang cellphone ko. "Young lady, may tawag ho kayo." Ani ni Mr. Art, ang pinaka-head sa mga bodyguards ko.

Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy ko lamang ang pagbabasa. "Young lady," tawag niyang muli sa akin. Iritable kong isinara ang libro at inis na humarap sa kanya. Kinuha ko ang cellphone kong patuloy pa rin sa pagtunog at agad na bumungad sa akin ang pangalan ng tumatawag.

"Why?" Bungad ko sa kanya pagkasagot ko ng tawag.

"Renesmee, pwede ka ba ngayon? I mean, I really want to break up with her."

Agad na kumunot ang noo ko. "But—"

"Hindi ko na kaya." Pigil niya sa sasabihin ko. "Please?"

Napapikit ako ng mariin nang marinig ang salitang please mula sa kanya. Kinikilabutan ako sa pagmamakaawa niya. Tumingin ako sa mga bodyguards na kasama ko sa sasakyan. Kasalukuyan kaming nasa byahe papauwi sa palasyo. Naka-bantay sila ng maigi at mukhang mahihirapan akong tumakas. Tumingin ako sa labas ng sasakyan upang at magmasid sa paligid. Agad akong napangiti ng pilya nang saktong mag-red ang traffic light.

"Alright, Liloree. Ihanda mo ang five thousand ko." Saad ko at saka ibinaba ang tawag. Ngumiti ako ng nakakaloko at tumingin sa mga bodyguards kong mga gunggong, mangmang at mga walang alam. At makalipas lang ang ilang sandal...

"Young lady!" Sigawan nila.

Mabilis akong tumakbo papalayo sa kanila. Agad naman silang nagbabaan ng sasakyan at hinabol ako. Patuloy ako sa pagtakbo at agad na tumawid sa kabilang kalsada. Hindi na nila ako nahabol dahil sa mga humaharurot na mga sasakyang humarang sa daraanan nila. Pumara kaagad ako ng taxi at katulad ng madalas mangyari, natakasan ko sila.

☆☆☆

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa sinasabing lugar ni Liloree, kung saan kami magkikita, nang mapansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao sa paligid. Hindi na ako nagulat pa sa mga reaksyon nila dahil sanay na sanay na akong pinagkakaguluhan ng lahat. I am the one and only Renesmee Marie Alcantara Clarkson. Born to be admired, the dream of every man, and the heart breaker of the town.

"Renesmee!"

Agad akong napahinto sa paglalakad nang marinig ko ang sigaw ng lalaking naglalakad papalapit sa akin. And here comes my twin brother, Liloree Cai Alcantara Clarkson.

"Are you wearing a wig?" Natatawang tanong niya.

Tiningnan ko siya ng masama.

"Hey, kidding." Bawi niya at saka hinalikan ang pisngi ko. "You think this plan would work?"

"Trust me, this is my mantra." Sagot ko sabay umismid.

"Alright. I trust you. Let's go." Saad niya at agad kaming nagsimulang maglakad papunta sa lugar kung nasaan ang girlfriend niya.

Huminto kami sa tapat ng Marsonville Coffee Shop at agad kaming pumasok sa loob. Pagpasok namin ay natanaw kaagad namin si Paula Dominic, ang babaeng sikat na sikat sa St. Anthony High School, isang catholic school kung saan hindi pu-pwede ang mababait na katulad ko. Na-kick out ako sa school na iyon isang linggo na lang bago matapos ang school year. Napaka-considerate nila, hindi ba?

LET ME BE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon