Chapter 14
"Nandito na tayo," saad ni Ji ilang sandali nang maramdaman kong huminto na ang sinasakyan naming dalawa papunta sa lugar kung saan ay hindi ko alam.
Hinawakan niya ako sa kamay at inalalayan akong bumaba ng sasakyan. Pagkababa naming dalawa ay lumubog kaagad ang heels ng sapatos ko sa tinatapakan namin at naramdaman kaagad ng mga paa ko ang buhangin. Sinalubong rin ako ng malakas na hangin dahilan upang mahulaan ko kung saan niya ako dinala. Posible nga kayang nasa may tabing dagat kami? Pero ano namang dahilan upang dalhin niya ako sa tabing dagat?
"Dito ka lang." Utos niya at naramdaman kong naglakad siya palayo.
Hindi pa man siya nakakalayo nang matagal sa akin ay may isang pamilyar na boses ang sumigaw.
"Okay! Kumpleto na pala kayo!" wika nito.
Kilalang-kilala ko ang boses na iyon at hindi ako pwedeng magkamali. Nasaan nga ba talaga ako ngayon?
"Pwede nyo nang alisin ang takip sa mga ulo nyo!" utos nito.
Agad kong inalis ang takip sa ulo ko at tama nga ang hinala ko kung kanino galing ang boses na iyon. Kay Mr. Park, ang president ng Music Department ng Tan Siu.
Tumingin ako sa paligid at tama rin ang hula ko...nasa may beach nga kami. Tiningnan ko ang mga taong kasama ko at nakita kong ang mga staff ng Music Department ay nandito rin at kumpleto. Napatingin ako sa may gilid ko at muntik na akong mapanganga nang makita si Sol habang katabi niya si Aliyah. Sa dinami-rami naman ng pwedeng magtabi, bakit sila pa?!
Balak ko sanang bigyan nang masamang tingin si Sol pero hindi ko na naituloy nang mapansin kong magkasalubong ang dalawang kilay niya habang nakatingin sa may tabi ko. Hindi ko napigilang mapatingin rin sa tabi ko at laking gulat ko nang Makita ko si Kyo.
"Kyo? Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ko.
Tumingin siya sa akin at saka sumulyap kay Sol.
"I have no idea what's going on, Renesmee. So better tell your boyfriend to take his goddamn eyes away from me 'cause he's pissing me off," bulong niya.
Mas lalong napakunot ang noo ko. If he has no any idea of what's going on, was he also dragged just to be here too? Ano ba talagang klaseng kalokohan ito? It's seriously freaking me out dahil kasalukuyang magkatabi ngayon si Aliyah at Sol. Ugh!
"Okay, everybody, listen to me!" sigaw ni Mr. Park dahilan upang mapabalik ang tingin ko sa kanya. Nang mabalik ko ang tingin sa kanya ay napakunot ang noo ko nang mahagip ng mga mata ko ang tatlong babaeng nakatayo sa tabi niya.
"Mean Girls?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Hi Ren Ren pot!" bati ni Ericka habang masaya pang kumakaway sa akin.
Hindi makapaniwalang napanganga na lang ako. Anong ginagawa nila dito? Huwag mong sabihin sa aking kasabwat sila sa kalokohang 'to?
"I know everybody here is puzzled of what's going on," panimula ni Mr. Park.
So hindi lang pala ako ang naguguluhan sa nangyayare ngayon kundi lahat kami?
"To tell you honestly, this idea came from these three brilliant ladies. They suggested this whole thing," pagpapaliwanag niya.
Wait, what? Did I hear him right? Kung idea ng Mean Girls 'to, hindi na ako magtataka pa kung isa 'tong malaking kalokohan.
"Then what the heck is this scheme all about?" tanong ni Sol.
Inilipat ko ang tingin sa kanya at nakita kong mukhang naiinis siya habang kunot noo siyang nakatingin kay Mr. Park pati na rin sa Mean Girls.
"Bakit parang badtrip ka ngayon, fafa Sol? Dahil ba hindi kayo team mates ni Renesmee?" tanong ni Khrystal.
BINABASA MO ANG
LET ME BE THE ONE
RomanceLET ME BE THE ONE RAW/UNEDITED VERSION. (Reposted on wattpad 9/28/15) Has earned 12M reads and has been published as a book last November 30, 2013 under VIVA-PSICOM Publishing Inc. Still available in bookstores nationwide. Please grab your copies...