Chapter 10

19.2K 441 44
                                    

Chapter 10

"Mister Park?" Bungad ko pagkasagot ng tawag niya.

"Hija, ang sabi ko di ba rumors tungkol sa inyo ni Sol? Ano 'tong nababalitaan kong Kyohei?"

Napahawak ako sa noo ko.

"Pasensya na po," sagot ko.

"May klase ka ba ngayon? Kung wala, mag-practice ka muna sa Mini Concert Room. I'll see you there later, alright? See you," saad niya at saka ibinaba ang tawag.

Napabuntong hininga ako at nagsimulang maglakad papunta sa Mini Concert Room. May klase ako pero wala akong interes mag-aral dahil sa matatalim na matang ibinibigay ng mga kaklase ko sa akin.

Pagkapasok ko ng Mini Concert Room ay narinig ko kaagad ang tugtog ng piano na nagmumula sa may stage. Dahan-dahan akong naglakad papalapit hanggang sa umabot ako sa may gilid at nakita ko si Sol na tumutugtog.

"I can't believe you had the nerve to say the things you said. They hurt so bad that they ended our relationship."

Napatingin ako sa kanya habang kumakanta siya. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba pero napansin kong tumitingin siya kay Aliyah.

"I can't believe it... Three years go down the drain."

Napangiti ako ng mapaait. Three years? Mukhang para kay Aliyah nga ang kinakanta niya.

"Oh how I wish things would of happened so differently. I try'd to save it so many times but you still couldn't see."

Tiningnan ko si Aliyah. Nakatingin lang din siya kay Sol habang nakangiti pero umiiyak. Napailing ako at agad na tumalikod sa kanila. Why do I have to feel this way? Ano bang nangyayari sa akin?

Alam ko namang mahal na mahal niya si Aliyah. Alam ko namang three years 'yun. Alam ko namang wala akong mapapala sa nararamdaman kong ito. Alam kong hindi ako mamahalin ni Sol. Alam kong ginagamit niya lang ako. Alam ko pero... nasasaktan pa rin ako.

"Oh! Nandito ka na pala. Kanina pa kita hinihintay. Let's go in my office." Saad ni Mr. Park nang makasalubong niya ako.

Pagkapasok ko sa office niya ay agad akong naupo sa may couch.

"May gusto sana akong sabihin sa iyo," saad niya pagkaupong-pagkaupo ko.

"Ano po iyon?" Kunot noong tanong ko.

"Ikaw ang magiging 'the one'." Sagot niya. "Gagawa tayo ng Musical Play tungkol sa kantang 'Let Me Be the One'."

Napakunot ang noo ko,naguguluhan ako.

"Alam mo naman ang kantang Let Me be the One, hindi ba? Gagawan natin ng Musical play iyon at kayong tatlo nina Aliyah at Sol ang bida."

"P-po?"

"Ang magiging kwento ay ikaw ang dahilan ng breakup ni Sol at Aliyah pero na-realize ni Sol na mahal niya pa si Aliyah at hindi na siya masaya sa relationship n'yong dalawa. At dahil doon ay mapagdedesisyunan mong i-gigive up mo na siya."

Natawa ako ng pilit sa narinig ko. Musical Play? Hindi iyon basta magiging musical play lang. That musical play will tell our stories.

☆☆☆

"How are you doin'?"

Saglit akong natigilan sa paglalakad nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.

"Should I answer that?"

"Sol—"

S-Sol? Sumilip ako sa isa sa mga silid na katabi lang ng mini concert room. Nakita ko si Sol at Aliyah na nag-uusap.

LET ME BE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon