Chapter 24

11.8K 256 7
                                    

Chapter 24

Renesmee Marie's P.O.V.

"I want to call off this fixed marriage."

Agad akong napahinto sa paglapit kina Lolo at Aliyah nang marinig ko iyon. Maging si Liloree na kasabay kong pumasok sa silid ay natigilan din.

"F-Fixed marriage?" hindi makapaniwala at gulat na tanong ko.

Nanatiling nakatalikod si Aliyah sa akin at nakaharap naman kay Lolo habang si Liloree naman ay bigla na lang napayuko. Sandaling tumingin sa akin si Lolo habang nakaupo sa tapat ng malawak niyang mesa bago muling ibinalik ang tingin kay Aliyah.

"Let's talk about this with your parents tomorrow, Ms. Gilbert," wika ni Lolo. Bahagya siyang tumingin kay Liloree. "Send her home, Cai," utos niya sa kakambal ko at saka ibinalik ang tingin kay Aliyah. "Talk to me when you've already made up your mind."

"But Mr. Jones—."

"Excuse me," sambit ni Lolo dahilan upang hindi maituloy ni Aliyah ang kanyang sasabihin.

Wala nang nagawa pa si Aliyah. Nang tuluyan nang maakalis si Lolo ay agad na lumapit sa kanya ang kakambal ko.

"We need to talk. Let's go," bulong ni Liloree kay Aliyah at nauna na itong lumabas ng silid. Halatang galit siya.

Susundan na sana niya ang aking kakambal ngunit natigilan siya nang nakita niya ako sa kanyang likuran. Umiwas siya ng tingin sa akin at lalagpasan na sana ako pero hinawakan ko siya sa kanyang braso.

Hindi siya nagsalita, sa halip ay tinitigan lang niya ako sa mata. Hindi ko matagalan ang mga titig niya sa akin,may naaalala kasi ako sa mga titig na iyon. Umiwas ako ng tingin sa kanya pero hindi ko pa rin binibitiwan ang kanyang braso.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" tanong ko habang hindi pa rin ako makatingin sa kanya.

"May magagawa ka ba sakaling nalaman mo 'yun nang mas maaga?" mabilis na sagot niya.

Napabuntong hininga ako. "Ito pala ang ibig mong sabihin sa sinabi mong wala kang choice," malungkot na sambit ko. "Alam ba 'to ni Sol?" tanong ko.

Ngumiti siya sa akin nang pilit at dahan-dahang inalis ang pagkakahawak ko sa kanya.

"Katulad lang din ng tanong ko sa'yo, may magagawa ba siya kung alam niya?" tanong niya at saka tila slow motion siyang umalis sa harapan ko. Wala na akong ibang nagawa kundi ang panuorin na lang ang kanyang pag-alis.

Ilang sandali pa'y pakiramdam ko'y tila wala na akong kakayahang mag-isip pa nang tama. Napahawak na lang ako sa ulo ko nang maramdaman kong bigla na lang itong sumakit. Tila nahihirapan ang isip ko na iproseso ang aking mga narinig at nalaman. Kahit alam kong huli na ay sinubukan ko pa ring tumakbo palabas ng kwarto upang habulin sila ngunit pagbaba ko ay hindi ko na sila naabutan pa.

Dahil dito ay minabuti ko na lamang na bumalik sa aking kwarto. Sa kabila ng pagkaantala ng pag-alis namin ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hindi man lang ako makaramdam ng kahit na katiting na kaligayahan. Dahil sa rebelasyong unti-unti kong nalalaman, pakiramdam ko'y ang pag-alis at pananatili ko rito ay wala ring ipinagkaiba.

Pagbalik ko sa aking kwarto ay hindi ko inaasahan ang aking nakita.

"K-Kyo!" gulat na tawag ko sa kanya.

"Renesmee!" Basang-basa ang buong katawan niya.

"Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok dito?" nagtatakang tanong ko.

Nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa. Sa halip kasi na sumagot ay hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit.

"Ang buong akala ko ay hindi na kita makikita pa," bulong niya.

LET ME BE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon