CHAPTER 2
Muntik na kong mapatalon sa gulat nang may bumusinang sasakyan sa tabi ko. Napatingin ako sa sasakyan at may isang lalaking nakadungaw sa bintana ang nakatingin sa akin.
"Miss, are you okay? Gusto mong sumakay?"
"No thanks." Mabilis na sagot ko. Nagsimula na kong maglakad palayo pero natigilan ako ng bigla na lang itong humarang sa daraanan ko. Tiningnan ko ng masama ang lalaking nakadungaw sa bintana.
"Miss sumakay ka na lang. Nagmamalasakit lang kami. Basang basa ka na sa ulan." Saad niya. Halata naman ang sensiridad sa boses niya.
Bumukas ang pinto ng sasakyan sa passenger seat at sumenyas siyang sumakay na ako. Okay, sige. Pagpasok ko sa loob ay napatingin agad sa akin ang tatlong nakasakay sa sasakyan. Yung isa ay nasa tabi ko at ang dalawa naman ay nasa unahan. Agad kong napansin na kakaiba ang dating nilang tatlo. Yung tipong gangster yung aura. Inabutan ako ng jacket ng lalaking nasa tabi ko.
"Manang oh. Suot mo." Manang? I don't like the sound of it. "By the way, I'm Vin." Pakilala niya at inabot niya ang kamay niya sa akin. Nakipag-shake hands naman ako.
"Renesmee," sagot ko.
Lumingon naman ang nagpasakay sa akin kanina na nakaupo sa tabi ng driver's seat. "Oh, and I'm Red," saad niya.
"Red? Bakit Red?" Tanong ko.
"Anong bakit?"
"Bakit Red ang name mo eh wala namang red sayo?"
Napakamot siya sa ulo niya. "Jared kasi ang pangalan nyan." Si Vin na ang sumagot.
"Ako din minsan, Red ang tawag sa akin."
Napakunot ang noo nila. "Bakit?" Tanong nila pareho.
Tinanggal ko ang wig ko at sinuklay ang totoo kong buhok gamit ang mga daliri ko. "Naka-wig ka pala?" Tanong ni Red. Tumango ako.
"At hindi pala siya manang." Dagdag naman ni Vin. "And her hair is red." Biglang singit ng lalaking nagmamaneho.
Napatingin ako sa may salamin at nakatingin siya sa akin. "Eh siya? Who is he?" Tanong ko habang nakatingin sa lalaking nagmamaneho. Napatingin din sina Vin at Red sa kanya.
"Wag mo na lang pansinin yang si Kyo. Mahirap kausapin yan kapag nagda-drive." Saad ni Red. Kyo? Yun ba ang pangalan niya?
Namagitan ang katahimikan sa amin sa loob ng sasakyan at lumipas ang ilang minuto nang may maramdaman na lang akong kung anong kumukulo sa tyan ko. Oh gosh, not again!
"Ayos ka lang? Bakit parang namumutla ka?" Tanong ni Vin.
Agad namang lumingon si Red. "Oo nga noh. Ayos ka lang ba?"
Mas lalong lumala ang pagkulo ng tyan ko. Nagsabay-sabay na ata ang lahat ng kamalasan ngayon ah! Okay. I really got no choice.
"Uhm.. Kuyang nagma-maneho!"
Agad siyang tumingin sa salamin. "Bakit?" Tanong niya.
"Pwede bang ako na lang ang mag-drive?" Namimilipit na tanong ko.
Halata ang pagkagulat niya at sabay-sabay kaming napasubsob nina Vin at Red dahil sa biglaan niyang paghinto ng sasakyan. "At bakit naman?" Tila galit na tanong niya. Bakit ba ang sungit niya?
"Wag ka ng magtanong. Pumayag ka na lang." Paki-usap ko. Tiningnan niya lang ako. Okay fine. Sasabihin ko na ang salitang hindi nage-exsist sa buhay ko. Pambihira naman oh!
BINABASA MO ANG
LET ME BE THE ONE
RomanceLET ME BE THE ONE RAW/UNEDITED VERSION. (Reposted on wattpad 9/28/15) Has earned 12M reads and has been published as a book last November 30, 2013 under VIVA-PSICOM Publishing Inc. Still available in bookstores nationwide. Please grab your copies...