Chapter 28

14.6K 292 10
                                    

Chapter 28

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Malabo. Maliwanag. Puro puti. Napangiti ako. Kahit pala masama ako, napunta pa rin ako sa langit. Muli ko na namang naramdaman ang mainit na likidong tumutulo sa pisngi ko. Hindi ko masyadong maigalaw ang aking mga kamay. Patay na ba ako?

Iniangat ko ang aking mga kamay. Tinitigan ko ito at nakita kong may nakabalot na bandage rito. Teka. Ipinikit ko ang aking mga mata at muli ko iyong iminulat. Mas luminaw na ang imahe ng buong paligid. Puting kisame ang bumungad sa akin. Teka, nasa hospital ba ako?

Napahawak ako sa dibdib ko subalit wala akong naramdamang sakit dito. Buhay pa ba ako? Kaagad akong napabangon at nakita kong may dextrose na nakakabit sa kabilang kamay ko.

"Welcome back."

Agad akong napatingin sa tabi ko at nagulat ako nang makita kung sino ang nagsalita. Isang batang babae na pamilyar na pamilyar ang mukha sa akin. Batang babae na minsan ay nakilala ko dahil sa...

"This is Aliyah. Say hi to her. She's our best friend. And the one I've been telling you."

I looked at her face. I must admit that she's perfect and I'm billion miles away far from being her. Compared to her, I am completely nothing.

"Uh, hi Aliyah? My name is Renesmee," I said as lend my hand.

"Nice to meet you, Renesmee. What are you doing here?" she asked.

"I'm here to visit Sol Bae's home. What are you doing here, too?" I replied.

"Oh, I used to live here before and now my family owns this."

"So you mean you own Sol Bae's home?"

"Exactly."

"Aliyah..." tawag ko sa pangalan niya.

Nagulat na lang ako nang may sunod-sunod na luhang pumatak mula sa mata niya.

"I missed you. I missed you so much," saad niya habang umiiyak.

Iniangat niya ang kanyang kamay at hinaplos ang mukha ko. Hindi ko alam kung bakit pero naiyak na lang din ako. Dahan-dahan kong iniangat ang kamay ko at niyakap din siya. Ipinikit ko ang aking mga mata.

"Do you like Sol?" I was surprised with what she said and I don't know what to say.

"No! Of course not. Why would I? There's no reason for me to like him."

She looked at me, her eyes were obviously in awe because of what she just heard from me and I pretended to be happy.

"You don't like him? Thank God!" she sounded very happy.

"What are you so glad about?" I asked curiously.

"I like him. Even though I told him I just want the two of us to be friends. But when he said that he likes you, I realized...I like him, too. I'm glad you don't like him."

Nang humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin ay mabilis kong pinunasan ang luha sa aking pisngi at iniiwas ang mukha ko sa kanya.

"Thank you," she said.

Tiningnan ko ang kanyang mga mata. Pinunasan niya ang kanyang pisngi na basang-basa na ng luha.

"That crazy Paula..." Tumawa siya. "The policemen arrested her."

"Mabuti naman," matipid kong sagot at saka ako umiwas ng tingin. Hindi ako komportableng kinakausap siya nang ganito. Ang awkward ng pakiramdam ko.

LET ME BE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon