Chapter 25
Umaga na subalit hindi pa rin humihinto ang malakas na buhos ng ulan. Napatingin ako sa orasan. Alas-otso na ng umaga pero hindi pa rin ako nakakatulog. Bumangon ako mula sa aking hinihigaan. Ilang sandalipa, napagdesisyunan kong puntahan si Aliyah sa ospital kaya naman kinuha ko ang bag ko na nakapatong sa aking kama.
Nang makababa na ako mula sa aking kwarto, napakunot-noo ako nang agad akong salubungin ng isa sa mga maids namin.
"Young lady, may bisita ho kayo," saad niya. Bisita?
"Sino? Bisita nang ganito kaaga at umuulan pa?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Nasa receiving area po siya," sagot niya bago umalis.
Lalo akong napakunot-noo. Nagtaka ako dahil hindi naman basta-basta nagpapapasok ng kahit na sino sa loob ng palasyo. Sino naman kaya ang bibisita sa akin nang ganito kaaga?
Naglakad na ako papunta sa receiving area upang tingnan kung sino ang bisitang tinutukoy ng aming katulong. Hindi na ako nagulat nang makita ko kung sino ang bisitang sinasabi niya. Bagaman nakatalikod ito sa akin habang nakaupo ay madali ko siyang nakilala. Akala ko ba bisita? Bwisita pala.
Ayaw ko siyang pag-aksayan ng panahon. Maglalakad na sana ako pabalik subalit napilitan akong huminto nang bigla siyang nagsalita. Alam pala niyang paparating na ako. Wala pa naman sana akong balak na harapin siya.
"Isn't it rude to leave your visitor alone?" tanong niya.
Dahan-dahan akong humarap sa kanya at binigyan ko siya ng mapang-insultong ngiti.
"Good morning, their beautiful b*tch young lady," bati niya.
Napapikit ako nang mariin at pilit kong pinakalma ang aking sarili. "Ano bang problema mo, Paula Dominic? Buti pinapasok nila rito sa palasyo ang katulad mong cheap at desperada?" sagot ko.
Halatang nainsulto siya sa sinabi ko pero pilit pa rin niyang ipinakita sa akin na balewala lang iyon sa kanya. "Well, I'm just here to complete my day. Congrats! Hindi pala natuloy ang flight mo kagabi."
"Well, pwede ka nang umalis kung kumpleto na ang araw mo. Baka masira ko pa kasi," sagot ko at agad ko siyang tinalikuran.
"I'm not yet done talking to you, Renesmee."
"Well, I'm done talking to you," sagot ko habang nakatalikod sa kanya. Maglalakad na sana ako palayo subalit muli akong napahinto nang bigla niyang hablutin ang aking braso.
"Ang ayoko sa lahat ay 'yung tinatalikuran ako."
Inis akong napakagat sa labi ko. Agad kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin bago ko siya galit na hinarap.
"Seriously, Paula, ano pa bang kailangan mo? Nasira mo na ang buhay ko. Nasiraan mo na rin ako sa pamilya ko. Ano pa bang gusto mo?"
Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko bago ngumiti nang nakakaloko.
"Ang kaligayahan mo," sagot niya.
"What?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya at saka ako natawa. "Nababaliw ka na."
"Yes, baka nga nababaliw na 'ko. At gagawin ko ang lahat para mawala ka sa mundong 'to, Renesmee. Sinira mo ang buhay ko."
"I didn't," mabilis na sagot ko. "Si Liloree ang sumira ng buhay mo. So please, umalis ka na bago pa kita ipahabol sa mga aso."
"Oh yeah? Ah...sabagay. Kaya pala pati ikaw ay pinaglilihiman ng kakambal mo at ginagawan ng mga bagay na ikasisira ng kaligayahan mo."
Natigilan ako sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin? Anong alam mo?" agad na tanong ko.
BINABASA MO ANG
LET ME BE THE ONE
عاطفيةLET ME BE THE ONE RAW/UNEDITED VERSION. (Reposted on wattpad 9/28/15) Has earned 12M reads and has been published as a book last November 30, 2013 under VIVA-PSICOM Publishing Inc. Still available in bookstores nationwide. Please grab your copies...