Chapter 22

13.8K 289 7
                                    

Chapter 22

Nang makarating na kami ni Liloree sa palasyo ay hindi pa rin siya nagsasalita. Napakalamig ng presensya niya at tila nawala na ang laging kalmadong kakambal ko. Pagkababa ko ng kotse niya ay kaagad akong sinalubong ni Mr. Art.

"Young lady," bati niya at saka yumuko.

Napatingin ako sa likuran niya nang mapansin kong ang mga lalaking nakatayo roon na naka-itim na suit. Mahigit sa pito ang bilang nila at hindi sila ang mga bodyguards ko.

"Anong nangyayari?" naguguluhang tanong ko.

"Dumating po ang Presidente. Kanina pa po niya kayo hinihintay."

"W-What?!" Gulat na tanong ko.

Nilingon ko si Liloree na nasa kabilang bahagi ng sasakyan. He was staring at me coldly habang nakapamulsa.

"You knew?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Iyon ba ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya kanina na sabihin ko na lang ang sinasabi ko sa harapan ni Lolo?

Ibinalik ko ang tingin kay Mr. Art. Nanatili lang na kalmado ang ekspresyon niya.

"Nasaan ang bodyguards ko?" tanong ko sa kanya. Yumuko siya at halata sa mukha niyang ayaw niyang sumagot.

"Mr. Art," tawag ko sa kanya.

Nagulat ako nang imbes sumagot ay iniabot niya sa akin ang isang envelope na hawak-hawak niya. Kunot noo ko itong kinuha at tiningnan ang laman. I can't believe what I saw in there. Yun yung picture na pinagkakaguluhan ng lahat,

"Umabot na sa buong palasyo ang balita, young lady." Mahinahong wika ni Mr. Art.

"Nasaan si Lolo?" mmabilis na tanong ko.

"Nasa kanyang opisina kasama ang inyong mga magulang."

Nagmamadali akong tumakbo patungo sa office ni Lolo. Nang makarating ako kaagad roon ay mabilis akong pumasok sa loob at nakita ko kaagad si inay na nakaupo sa tapat ng malawak na lamesa ni Lolo habang umiiyak.

"Marie..." tawag ni inay sa pangalan ko.

Lumapit ako sa tabi niya habang nasa tapat naman namin si itay na hindi umiimik.

"So what brought you here, young lady?" tanong ni Lolo na nakaupo sa tapat ng malawak na mesa.

"This thing," sagot ko at ipinakita ko ang picture sa kanya.

Tumango-tango siya at binigyan niya ako ng nakakatakot na ngiti. "Well then I guess there's something worse we need to discuss than that," sagot niya.

"Worse? What do you mean?" kunot noong tanong ko.

Hindi niya ako sinagot at imbes ay kinuha niya ang remote control sa may tabi niya at pinindot ito. Isang malaking screen ang bumaba mula sa likuran niya na tila nagsilbing kurtina o harang sa malawak na bintana sa likuran niya.

Nagulat ako nang bigla na lang nag-play ang isang video na hindi ko inaasahan. Ito ang eksena namin ni Aliyah kagabi nang puntahan ko siya sa may Music Building. Madilim ang video pero kitang-kita na ako iyon at si Aliyah habang nag-uusap.

Sinampal ko siya. Halos hindi marinig ang usapan namin pero may subtitle na nakalagay sa ibaba.

"Layuan mo ang kambal kong si Liloree! Hindi kita gusto para sa kanya! Hindi ko matatanggap na magiging sister-in-law kita! Iniisip ko pa lang, nasusuka na ko!"

Teka! Hindi iyon ang sinabi ko!

"Renesmee, why do you hate me so much? I've done nothing to you!"

LET ME BE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon