Chapter 15
Natapos ang challenge na panalo ang grupo namin pero kahit na kami ang nanalo ay hindi masaya ang mga kagrupo ko. Ramdam kong nalulungkot sila at nagulat sa nangyari. Pakiramdam ko rin ay naaawa sila kay Aliyah at maging sa akin. Hindi ko mapigilan ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Pinipilit kong mag-isip ng positibo pero hindi ko magawa.
"Ayos ka lang ba?" Puno ng pag-aalala ang tono ng boses ni M.
Nanatili akong walang imik habang pinagmamasdan ang myembro ng Four Kings hindi kalayuan sa amin habang sinisiguradong ayos lang si Aliyah. Napakagat ako sa labi ko at pilit na tinitiis ang sakit na nararamdaman ko habang pinagmamasdan si Aliyah na nakayakap kay Sol.
Alam kong kailangan siya ni Aliyah pero kahit anong pilit kong pag-intindi ay hindi maalis-alis ang sakit na nararamdaman ko. Pinipilit kong intindihin na kaya lang siya kinocomfort ni Sol ay dahil naawa ito sa kanya, pero bakit ang sakit pa rin? Bakit hindi ko magawang mapaniwala ang sarili ko na nakalimutan na niya si Aliyah? Nakakatawang isipin na kung gaano niya kadaling sinabi sa akin na mahal niya ako ay ganun lang din kadaling ipamukha niya sa akin na hindi totoo ang mga sinabi niya.
Yumuko ako at umiwas ng tingin sa kanila. Hindi ko na kaya pa silang tingnan. Hindi ko na kaya pang panuorin ang lahat. I'm so tired of being idiotic masochist here. Bakit si Aliyah lang ang kinocomfort nila? Ako rin naman, kailangan ko rin ng comfort. I've been suffering for too long. Until when do I have to fight for this love that I somehow deserve too? Hindi pa ba sapat ang mga sakit na nararamdaman ko para ako naman ang makaranas na mahalin?
"Sorry sis. Kasalanan namin to eh. Kung hindi namin naisip 'to edi sana hindi ka malulungkot ngayon. Hindi ka magkakaganyan. Sorry, sis. Sorry. Sorry." Puno ng sinseridad na saad ni M.
Pilit akong ngumiti sa kanila pero napakatraydor talaga ng mga mata ko dahil nagpakawala ito ng mga luha kahit na nakangiti ako. Agad kong pinunasan ang pisngi ko at pilit na pinapakita ko sa kanilang okay ako...na kaya ko pa.
Hindi ko sinasadyang mapatingin ulit sa lugar kung nasaan sina Sol at nagulat ako nang makasalubong ko ang tingin niya. Nakipagtitigan ako sa kanya at hindi ko maintindihan kung anong klaseng tingin ang meron siya. Pakiramdam ko, ang tingin niyang iyon ay mas nakadagdag pa lalo ng bigat sa dibdib ko. Tingin na he feels sorry for me.
Tila mauubusan ako ng hangin nang iniwas niya kaagad ang tingin niya. Can't help it, I'm in pain. Paano niya nagagawa sa akin ito? Paano niya nagagawang saktan ako? Paano niya nababalewala ang taong walang ibang ginawa kundi ang maghangad lang na mahalin niya pabalik? It sucks to know that I am this fragile. Ang sakit. Pero kahit na masakit ,ayoko pa ring sumuko. Aasa pa rin akong mahal niya rin ako katulad ng mga sinabi niya.
☆☆☆
"Kainan naaaaaaa!" Masayang sigaw ni Khrystal at saka sinimulan ang pagsubo ng pagkain na inilagay niya sa plato niya.
Nasa isang mahabang lamesa kami at sabay-sabay kaming kakain. Masarap at nakakatakam ang mga pagkain pero kahit na ganun ay parang wala akong gana. Tiningnan ko si Sol na nakapwesto sa harapan ko. Nagkatitigan kaming dalawa at hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya.
Hindi ko maintindihan kung bakit tila gustong-gusto niya talaga akong saktan dahil harap-harapan niyang pinapamukha sa akin kung gaano siya ka-concern kay Aliyah at heto at nakaupo pa siya ngayon sa harapan ko habang katabi ang ex-girlfriend niya.
"Tama na yan." Nagulat ako nang bumulong ang katabi ko, si Kyo. Tinabig niya ang plato ko na parang sinasabing kumain na ako. Nang tiningnan ko ito ay puno na pala ito ng pagkain.
BINABASA MO ANG
LET ME BE THE ONE
RomanceLET ME BE THE ONE RAW/UNEDITED VERSION. (Reposted on wattpad 9/28/15) Has earned 12M reads and has been published as a book last November 30, 2013 under VIVA-PSICOM Publishing Inc. Still available in bookstores nationwide. Please grab your copies...