Chapter 16

16.2K 401 33
                                    

Chapter 16

Sol's Point of View

"Sol, I still love you and please, wala na akong pakialam sa mangyayari sa buhay ko. Just please choose. Is it Renesmee or me?"

Bumilis ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay nahihirapan akong huminga. Pinagmasdan ko ang mukha niyang luhaan at wala akong ibang maramdaman kundi ang sakit sa dibdib ko.

"Aliyah... I still love you, you knew that," saad ko.

Hindi ko siya nakitaan ng kahit anong reaksyon. Sa tingin ko'y alam na niya ang pasya ko.

"But I'm choosing Renesmee," dagdag ko.

Muling pumatak ang mga luha niya. Nanatili lang akong nakatayo habang pinapanood ko siyang umiiyak.

"I never thought it would hurt so much like this." Natatawang saad niya.

Iniangat niya ang ulo niya at tumingin siya sa akin. Pinunasan niya ang basa niyang pisngi pero nababasa pa rin ito ng mga luhang patuloy sa pagpatak.

Yumuko ako at saka ako tumingin ulit sa kanya. Looking at her makes it harder. Naramdaman ko na lang na may kung anong mainit na bagay ang pumatak mula sa sulok ng mga mata ko. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin, mabagal niyang iniangat ang malalambot at maliliit niyang mga kamay at saka niya hinaplos ang pisngi ko.

"I always wanted to say that I am sorry. That I am hurting too. That I'm trully sorry and I've made a bad choice. And now that I'm willing to make things right, am I already too late?" tanong niya.

Iniwas ko ang mukha ko sa kanya at saka dahan-dahang tumango.

"Is she that great? Great in replacing me in your heart?" Mahinang tanong niya.

Napayuko ako habang inaalala ko ang mukha ni Renesmee na kumakain ng ice cream. That silly face of her that I never wanted to see pero nang tumagal ay hinahanap-hanap ko na at unti-unti ko nang nami-miss.

Napabuntong hininga ako."Honestly, she's a bitch. She's a bitch with a good heart," sagot ko. "I honestly envy her 'cause she got this heart that is so hard like a stone. And I decided to break it. And yet, after breaking it, I still envy her. You know why? 'Cause she's that strong, she can manage to tolerate all the misery I gave her."

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya nang sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya dahil sa mga sinasabi ko. I know telling this entire thing would hurt her, but she has to know.

"Aliyah, it was too dark back then and the only thing I have was hope. Hope that you would come back."

Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata at hindi ko maitatangging kitang-kita ko ang sakit at lungkot na nararamdaman niya.

"I did. That's why I'm here," sagot niya.

"You're here, but it's so damn late." Mabilis na sagot ko.

Muling pumatak ang mga luha niya.

"Because you already love her?" tanong niya.

Dahan-dahan akong tumango. Ngumiti siya kahit na may mga pumapatak na luha sa mga mata niya.

"But I want us back. Can't we just start all over again?" Pagpupumilit niya.

"Aliyah...." tawag ko sa kanya. "What if we are really meant to say goodbye?"

Seryoso siyang tumingin sa mga mata ko at sa palagay ko ay ito na ang tamang panahon para sabihin ito. "Aliyah, we both need to let go. We have to take our separate ways."

LET ME BE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon