Chapter 9

19.1K 463 36
                                    

Chapter 9

"Ang ganda talaga ng lahi nyo te!" Puri ni Ericka at saka uminom ng juice.

"I know right," sagot ko sabay kindat.

"Yan tayo eh! Confidence kung confidence!" Saad ni Khrystal saka tumawa. Nakitawa naman ako sa kanila.

Inikot ko ang tingin sa paligid, hindi ko pa rin nakikita si Sol. "Sigurado ka bang invited sila?" Tanong ko kay M.

"Oo. Ako pa nga ang nagbigay ng invitation kay Mr. Park eh." Sagot niya. Tumango-tango ako. Pero bakit kaya wala pa siya?

"Hey girls." Tumingala kami at nakita namin si Liloree.

"Haaay Liloree, kailan ka kaya magiging akin?" Tanong ni M at saka tumawa. Sabay-sabay din kaming natawa.

"Well—"

"Cai."

Naputol sa pagsasalita si Lilo dahil may tumawag sa kanya. Sabay kaming napalingon at nakita namin si Aliyah. What is she doing here? I can't remember that I invited her. Ugh!

"Excuse me," saad ko at aalis na sana pero hinawakan ako ni Lilo sa may braso. Nilingon ko siya.

"Why?" Tanong ko.

"May sasabihin sayo si Aliyah."

Napatingin ako kay Aliyah. Paano ko ba siya magugustuhan? Naiirita ako. Ayoko siyang maging girlfriend ni Liloree. Mas mabuti pa na si Paula Dominic na lang, at least yung babaeng iyon, faithful kay Lilo.

"Happy birthday, Renesmee." Naiilang na bati niya.

"Thank you." Sagot ko at saka ako tumalikod.

Umalis ako at dumiretso sa garden. Pagdating ko ay naupo ako sa isa sa mga bench na nandun at tumingin ako sa kawalan. Bakit ganito? Birthday ko pero wala akong espesyal na maramdaman. Tumayo ako at minabuting mag-ikot-ikot muna sa garden. Sa pagikot-ikot ko ay nakita ko ang isang di inaasahang tao.

Lumapit ako sa kanya. Napansin kong nakatingin lang siya sa iisang direksyon. Napatingin rin ako sa tinitingnan niya at nakita ko si Aliyah habang nakaupo sa swing. Akala ko ba ay nasa loob siya at kasama ni Lilo?

"Sol."

Napatingin siya sa akin. Ngumiti siya pero halatang pilit. Lumapit ako sa kanya at tumingin rin sa direksyon na tinitingnan niya.

"You miss her?" Tanong ko nang makalapit ako sa tabi niya.

Ngumiti siya pero nanatili siyang nakatingin kay Aliyah. "Yes..so much.." Bulong niya.

"Alam ko." Sagot ko.

Iniwas niya ang tingin niya kay Aliyah at naglakad papalayo sa may playground. Sumunod ako sa kanya at naupo kami sa may bench sa garden.

"Wanna hear a story?" Nakangiting tanong niya. Tumango ako bilang sagot.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Alam mo bang ampon lang ako?" Tanong niya na agad na nagpalaki sa mga mata ko.

"I was always being bullied because they say my parents hate me that's why I was abandoned here in the Philippines. Nakakatawa nga eh, kasi tuwing inaasar ako, dumarating si Aliyah at ipinagtatanggol niya ako. Hindi ba dapat ako ang gumagawa nun? Dapat siya ang pinagtatanggol ko."

Tumingin uli siya sa direksyon kung nasaan si Aliyah. "Simula nun, nagsumikap ako para makilala at hindi malait. Simula nun ay nagpalakas ako para ipagtanggol ang sarili ko. Simula nun ay nagpakatatag ako para magustuhan niya rin ako."

LET ME BE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon