Chapter 13

17.7K 370 23
                                    

Chapter 13

Pinagmasdan ko si Sol habang tahimik na nagmamaneho. May lugar daw siyang ipapakita sa akin. Lugar na malaki ang parte sa buhay niya. Habang nasa daan kami ay parang pamilyar sakin ang dinadaanan namin. Parang napuntahan ko na ito noon, hindi ko lang maalala. Ipinikit ko ang mga mata ko upang maidlip sandali. Nagising na lang ako nang maramdaman kong nakahinto na pala ang sasakyan at wala na siya sa tabi ko. It took a while bago ko narealize na ito ang lugar na pinuntahan namin ni Kyo dati. Yung bahay ampunan.

Bumaba ako ng sasakyan. Inikot ko ang tingin sa paligid...walang tao. Pero may napansin akong sasakyan malapit sa pinaradahan ni Sol. Parang pamilyar. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa may entrance ng bahay ampunan. Bakit kaya kami nagpunta dito ni Sol? At hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit ako dinala ni Kyo dati dito. Paano kaya nalaman ni Sol ang lugar na 'to?

Pagpasok ko sa bahay ampunan ay maingay na mga bata ang sumalubong sa akin. Parang new year or something, may mga hawak silang torotot at ang ingay-ingay nila. Nagsisigawan silang lahat at hinahagisan ang buong paligid ng red petals. Para silang may dance number na humilera sa harapan ko. Napatutop ako sa bibig ko nang mapansing may mga letrang nakasulat sa damit na suot-suot nila.

Binasa ko ito. Welcome to my home, girlfriend. Sabay-sabay na tumalikod ang mga bata. May mga letra pa ring nakalagay sa likod nila. Binasa ko uli ito. Welcome to my life. Napangiti ako. Isa-isa silang gumilid. Mas lalong lumapad ang ngiti ko nang makita ko si Sol na nasa gitna at may hawak-hawak na red roses. Why does he have to be so sweet all the time? Lumapit siya sa akin para ibigay ang rosas.

"Ayiiiiieeeeh!" Naghihiyawan ang mga bata.

Naalala ko bigla si Kyo. Ganito rin sila nung kasama ko noon si Kyo. Nandito pa rin yung mga batang nakalaro namin noon.

"Hello po Ate Ren Ren! Kumusta po kayo? Na-miss po namin kayo!" Sabi ng isa sa kanila.

Ngumiti ako. "Na-miss ko din kayo," sagot ko.

Napakunot ang noo ni Sol. "You've been here before?" tanong niya.

Dahan-dahan akong tumango.

"Who brought you here?"

Kung sasabihin ko bang si Kyo, magagalit kaya siya? Magsasalita sana ako pero naunahan ako ng mga bata.

"Daddy Sol, nasaan po si Mommy Liyah? Bakit kasama nyo po si Tita Ren?"

Nagulat ang ibang bata at mukhang nataranta. "Ano kaba! Bakit mo binanggit si Mommy Liyah?! Tara na nga!"

Umalis sila bitbit ang batang sumigaw kanina. "Li-liyah? S-si Aliyah ba yung sinasabi nila? Mommy Liyah?" Tanong ko.

Iniiwas ni Sol ang tingin niya. Woah. Parang may kung anong kirot akong naramdaman. Akala ko pa naman ay ako lang ang dinala niya rito.

"O-okay lang, naiintindihan ko naman eh. For sure dinala mo na si Aliyah dito. Eh siya ba naman 'yung naging girlfriend mo sa loob ng three years. Imposible naman atang hindi mo siya dalhin dito di ba?" Pinilit kong ngumiti.

"Don't show me that smile. I know it's fake."

Eh anong gusto niyang ipakita ko? Na nagseselos ako?

Hinawakan niya ang kamay ko. "Tara, magikot-ikot tayo."

Sumunod ako sa kanya at pumunta kami sa may likod ng bahay ampunan. Magkahawak kamay kaming naglakad sa garden. Namangha ako sa ganda ng lugar. Ang daming bulaklak at mga puno dito. May mga butterflies pa sa paligid.

"Dito ako lumaki," napatingin sa kanya. "Dito ako iniwan ng parents kong Koreans."

Huminto kami sa paglalakad at humarap siya sa akin.

LET ME BE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon